| Louise Angelie Hernandez |
Nakakainis, kung hindi ko lang iniisip ang kahihiyan malamang nag sasagutan pa kami ng malditang babaeng yon. Pero syempre iniisip ko din na nakakahiyang mag iskandalo lalo na at first day namin ngayon. Masaya na sana kung hindi lang sinira ng babaeng yon.
That rainbow face girl, sa sobrang daming kolorete pwede ng pumalit sa bahag hari. Malamang araw araw may bagyo dahil sa kanya psh.
"Lulu, usto mo!" Parang batang alok ni Ven-ven sa kanyang lollipop.
"Wag na, nasubo mo na inaalok mo pa."
Sira din ang tuktok ng babaeng to e, nasubo na binibigay pa. Mamaya mahawa pa ako sa ano mang baktirya niya sa katawan e.
"Edi don't." Inirapan ko lang siya bago nag focus sa sinasabi ng guro na talaga namang nakaka-antok.
Sino ba kasing nag-imbento ng subject na'to at isusungal-ngal ko sakanya. Importance of Animals? Seryoso ba 'to? Lahat naman alam ang halaga ng hayop, tulad ngayon. Alam ko ang halaga ng mga kaklase ko dahil mga mukha silang hayop.
'Tsk, ang boring'!
Mas pipiliin ko pang magkayod ng niyog kesa makinig sa diskasyon na to.
"When you were born, you could not take care of yourself. You needed much care. Someone had to feed you and keep you warm and clean. Someone had to protect you from harm. As of the animal, they need care as we are. They need someone to protect and keep them alive.." Blah, blah, blah..
Gusto ko nalang makinig sa lolo kong walang tigil sa pagsasabi ng istorya niya nuong binata pa siya kesa makinig rito. Malapit na nga pumikit mata ko sa sobrang bagot e.
Nilingon ko naman si Ven-ven para sana makipag asaran pero ang babaita naka tulog na habang subo-subo parin ang mahal niyang lollipop.
Nalipat ang tingin ko kay four eyes, gusto ko sanang kausapin kaso wag nalang baka mapasok ako sa infirmary ng wala sa oras.
Si Lexi naman baka mag mukha lang akong siraulo kakadaldal sa kanya wala naman siyang pake-alam. Tingin pa nga lang nun maninigas kana sa lamig e.
Nilibot ko nalang ang paningin ko sa kabuuan ng silid, nahagip ng paningin ko si rainbow face. Nanduon siya sa gitna habang nakatingin sa guro na parang ano mang oras masasampal na niya.
'Grabe makatingin e, idagdag pa yung kilay. Parang balahibo ng aso, kulay brown'!
May napansin pa ako sa dulo, sa gilid na gilid. May lalaki dun, natatakpan ang mata niya sa sobrang haba ng kanyang buhok. Tapos yung labi niya ang creepy naka ngiti habang bumubuka-buka.
Nanginig pa ako sa kilabot ng lumawak lalo ang ngiti niya habang pabulong-bulong.
Mamaya nagtatawag na pala ng dimonyo si kuya, akala mo siraulong nagsasabi ng ritwal sa gedli.
Napailing nalang ako sa mga naiisip, ito ang nagagawa ng utak pag bagot. Wala ng naka pagtataka dun, minsan nga umuusap pa ako mag-isa o kahit na tulog.
'Baliw lang ganun'.
"What behaviors do animals have?" Tanong ng guro. Nakinig nalang ako sa sinasabi nito para hindi ako mag mukhang aning, nung walang nag raise ng kamay ang teacher na mismo ang pumili.
"Miss Morris?" Napangisi nalang ako ng matawag si four eyes. Siguro naman ay handa ang teacher na'to sa kung ano man ang lalabas sa bibig ng genius na four eyes kong friend.
![](https://img.wattpad.com/cover/340195645-288-k237041.jpg)