|Third Person Pov. |Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa loob ng cafeteria. Matapos ang nangyari kay Avienne lahat ay nagtaka. Hindi man nila alam ang nangyari ay naguguluhan sila kung bakit ganun nalang ang ikinilos ng dalaga.
"What a weirdo." Tagilid ang ulong usal ni Lucien, nagtataka rin siya sa nakita, inaamin niyang bahagya siyang nanlamig matapos makita ang mata ng dalagang inihagis niya ngunit ipinagsawalang bahala niya lang ito.
A smirk form in his lips when he saw his next victim. Mayroon sa kanyang loob na nakararamdam ng kilabot sa dalagang kaharap. Naruon ang pagtataka sa kanyang isip habang hinahanap kung bakit niya iyon nararamdaman.
Ngunit gayun paman hindi niya maiwasang panabikan, sabik na maki paglaro sa dalaga. Gusto niya palaging nakikitang nahihirapan ang kanyang mga binibiktima, kaligayahan ni Lucien ang kahirapan ng iba.
He loves to make everyone suffer.
"Come here, little missy."
Isang malamig na tingin ang natanggap niya mula sa dalaga, isang kilabot ang nagpataas ng kanyang balahibo. Sa hindi malamang dahilan bigla nalamang namawis ang kanyang kamay ganun din ang sintido. Kaba ang unang pumasok sa kanyang isip habang nararamdaman ang mga ito.
'Oh, common! Don't be nervous!'. Sa isip isip ng binata.
"You sure?" Malamig at mapanganib na tanong ni Alexis sa tuod na si Lucien. Nakakaramdam ang lalaki ng takot, takot na hindi nito mawari kung saan nang gagaling.
Kinakabahan ba siya sa dalagitang ito? O baka naman natatakot siya at nais nalang umatras? Nag tiim ang kanyang bagang, kalokohan! Bakit naman siya matatakot sa isang maliit na dalaga? Ha! Hinding hindi siya aatras para lang sa babaeng ito.
Hindi niya pinansin ang nararamdaman at naglakad ilang pulgada ang layo sa babae, magkatapat ang dalawa ngunit may distansya. Ngumisi itong muli.
"Lumapit ka rito, ikaw naman ang ibabalibag ko sa isang lamesa!"
A sarcastic smirk have a way to her lips. Lucien gulp, what the heck is wrong with him? He's acting like a scaredy cat but still maintaining his posture.
Kakaiba ang aura ni Alexis, sadyang madilim. Sa kanyang tingin palang ay tila pinapatay kana paano pa kaya kung ito ay ang kumilos? Pero imposible naman, ano naman ang magagawa ng isang babae sa isang katulad niya na malaki ang katawan? Natawa siya sa kanyang isipan.
'She's nothing but a pests!'.
Malumanay ang ginawang hakbang ni Alexis, parang wala sa dalaga ang lalaki sa kanyang harap at tila namimili lang ito sa kanyang paglalakad. Nakakapanliit.
Nakaka ilang hakbang palang si Alexis ng matigilan siya matapos bumalibag ang pinto sa pagkakabukas. Naipasok nalang niya sa bulsa ang kamao, nakaporma na iyong bilog dahil sa pagpipigil na basagin ang mukha ng lalaki.
"ENOUGH WITH THIS SHIT!! GO TO MY OFFICE NOW!!"
Napasinghap ang mga estudyante sa cafeteria ng marinig nila ang puno ng autoridad na dinig ng kanilang principal.
Tumaas ang kilay ni Alexis ng makita ang madilim na mukha ni Alter, inismiran niya lang ito at masama pang lumingon kay Lucien bago ito talikuran.
Naglakad siya palabas ng cafeteria habang sinasalubong ang madilim na mukha ni Alter, nginisian niya ang principal bago umusal ng salita.
"Lucky bastard."
*******
| Louise Angelie Hernandez |