|Louise Angelie Hernandez |
Panay ang buntong hininga ko ng makarating sa Hercules Academy, maaga akong nakarating bahagya ko ring nararamdaman ang pagpintig ng ulo ko.
'Ang sakit nito!'.
Hindi ako naka tulog ng maayos, mabilis lang na lumipas ang linggo, sa araw nayun ay hindi umuwi si Ate. Hinihintay ko siya pero hindi talaga ito nagparamdam.
Bumuntong hininga ako, hinilot ko ang sintido ng kumirot na naman ang ulo ko. Ito ang napapala ko sa pag tulog ng madaling araw, nag-aalala kasi ako sakanya.
Sinubukan ko rin siyang tawagan pero mukhang naka patay ang phone niya dahil hindi nag ri-ring. Simula nung iwan niya ako sa restaurant ay hindi ko na siya nakita ulit.
"Louise." Ay palaka! Naramdaman ko ang pag bilis ng pintig sa puso ko dahil sa gulat.
"Naknang pating naman!" Sigaw ko, bahagyang ngumiwi si Levi ng makita niya ang naging reaksyon ko.
'Hayuff!'.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Kaswal nitong tanong, hindi ako makapaniwalang tumingin rito.
Kingina? Matapos akong gulatin tapos itatanong kung bakit ganito ang mukha ko? Sarap niya batuhin ng sapatos, oo.
"Maganda ako, wag mo akong tanungin ng ganyan."
Umismid siya. "You look like a zombie, sobrang laki ng eye bags mo."
Napahawak ako sa mukha dahil sa isinantinig niya, grabe naman yung zombie? Tyaka dalawang araw lang naman akong napuyat ah.
'Kasalanan niya 'to'.
Napabuntong hininga ako at inalis ang kamay sa mukha, ayos lang naman yan maganda parin ako. Siguro babawi nalang ako ng tulog pag nawala na mga pinoproblema ko.
Nag antay kami ni Levi ng ilang minuto dahil wala pa sila Ven-ven, nakikita ko pa ang panaka-nakang tingin ni Levi sakin pero wala naman itong sinasabi.
'Walang makakatakas sa mata niya'.
"Lulu, are you okay?" Tanong ni Ven-ven, naruon ang pag-aalala sa tinig niya.
Sumimangot ako. "Mukha ba akong hindi okay?" Napakurap siya bago nakangusong umiling.
Palihim akong huminga ng malalim, siguro halatang halata na stress ako. Totoo naman kaya wala akong magagawa kung nag-aalala sila, taena naman kasing bunganga 'to pahamak e.
Nakakainis na minsan dahil hindi ko maiwasang magsalita ng hindi ko pinag-iisipan, ayan tuloy napapala ko. Guilty na stress pa, baka may dadagdag pa taena.
Binuksan ko ang phone at tinignan ang number niya, gusto ko siyang tawagan kasi talagang nag-aalala ako dahil hindi siya nagparamdam kahapon.
Tapos ngayon parang wala rin siyang balak umuwi sa bahay, kainis! Hindi ko naman dapat 'to nararamdaman kung hindi ko lang alam na kasalanan ko kung bakit siya wala.
Tuloy kanina nag bus ako dahil walang humatid saking mamahaling sasakyan, at mukhang mag bu-bus ulit ako mamaya dahil wala siya.
"Call her." Nagulat ako ng marinig ang malamig na usal ni Alex. "The worried is written all over your face, Louise." Ang kanyang tingin ay nandun lang sa nilalakaran namin, naibaba kong muli ang tingin sa phone.
"Mamaya nalang siguro." Mahinang ani ko, baka kasi patay pa ang phone niya at malapit narin kami sa silid.
Binulsa ko iyon ng makarating kami sa classroom, tahimik kaming pumasok at umup. Himala at walang pumansin samin ngayon, hindi kapani paniwala yun.