S - 15

23 0 0
                                    

|Louise Angelie Hernandez|

Mabigat ang hiningang ibinaba ko ang cellphone, pangilang tawag ko na pero hindi talaga nag ri-ring. It's either naka patay ang phone niya o baka naman lowbat.

Pero sana naman nag paalam siya para hindi ako parang timang na kung ano ano iniisip dito, nakakainis na siya! Pinag-aalala niya ako.

Bagsak ang balikat akong bumalik sa cafeteria, nagtungo agad ako sa lamesa namin. Nanghihina akong naupo sa tabi ni Levi, lumingon ito sakin at tinaasan ako ng kilay pero wala namang sinabi.

"Lulu, bakit ang tamlay mo? Ito oh, sweet foods pampasaya.." Ngiting alok ni Ven-ven, sumimangot ako.

"Wag na, salamat nalang, hindi ako sasaya sa ganyan."

Ngumuso siya. "Pero nakakagaan naman ng loob kumain ng sweet foods e, just try it Lulu."

Pinilit talaga ako ng bruha kaya wala akong nagawa kundi kunin yun at kainin, tuloy naka busangot ang mukha ko habang ninanamnam ang matamis na chocolate cake.

Hindi ako sasaya sa ganito, yung mga isip bata lang ang nakakaramdam nun. Kaya nga ang saya saya niya tuwing may naka handa sakanyang matatamis na pagkain.

Ewan ko ba kung anong nagustuhan nito sa sweet food. Sure, it tasted good. Pero diabetis lang naman ibibigay niyan sa kanya.

Hindi nalang talaga ako mabibigla kung sa makalawa bulag na ang babaeng 'to, o di kaya naman ay uugod ugod na.

Masama pa naman ang masobrahan sa mga matatamis na pagkain tulad nito, iba kasi ang dulot nun sa katawan mo.

'Haist, bahala siya diyan'.

Problema niya iniisip ko pa, meron naman akong sarili mas mabigat pa sa kilo ng baboy sa palengke. Sama mo na yung matabang babaeng masungit na nagbabantay sa infirmary.

'Mas mabigat pa sa kanila problema ko'.

After we finished eating agad din kaming bumalik sa classroom, marami na ang pinagagawa marami na'rin ang nileleson pero yung utak ko ayaw mag function ng maayos dahil sa kakaisip kay Ate.

Nag aalala ako sa kanya, oo. Pero mas nag aalala ako kapag nalaman ng pamilya 'to, baka ako pa sisihin nila.

Knowing them, ang mga nalalaman lang nila ang pinaniniwalaan nila. They done enough to hurt me, ayoko ng masaktan ulit nila ako.

Sa kaisipang gagamitin nila ito ay talagang masisira na naman ako, wala naman akong pake alam kung ano ang iisipin nila.

It just hurts knowing your own family blame you for everything that happened. Wala silang tenga pag dating sa mga explanation ko. I'm just tired explaining myself when they just did was blaming me.

"Lulu, where are you going? Lagpas kana.." Natauhan ako ng marinig ang boses ni Venven, bumuntong hininga ako at naglakad palapit sa kanila.

"Ano ba ang nangyayari sayo?" Naibaba ko ang tingin at napa hawak sa batok. "Kanina ko pa nakikita ang kawalan mo sa sarili, just tell us Louise." Nahimigan ko ang inis sa dinig ni Levi, bumuntong hininga lang ako't umiling.

"I-I'm fine, may iniisip lang." Nag angat ako ng tingin, ang malamig na tingin ni Levi ang nabungaran ko.

Bumuntong hininga ito bago paikutin ang mata at na unang pumasok sa classroom. Naiinis na siguro dahil sa kawalan ko sa sarili, kanina niya pa kasi iyon napapansin pero wala naman siyang sinasabi.

Alex tapped my shoulder, napapitlag ako ng bahagya. "Wala ka na naman sa sarili." Napailing ito at sumunod kay Levi.

"Lulu, are you really fine?" Worried is written in Venven's face, malalim akong humugot ng hininga bago pilit na ngumiti.

Dark Shadow Gang Where stories live. Discover now