|| Louise Angelie Hernandez ||
"Shuta, ano na! Nasaan na ba yang bwiset na room natin?!" Paano ba naman higit isang oras na kaming naglilibot sa pisteng yawang university na'to.
"Can you please stop shouting, people are already looking at us.." Sabi ng cold hearted ferson kong friend, na apat ang mata.
"Lagot." Si Ven-ven habang pinag babalik-balik ang hintuturo.
'As if naman palag sakin yan! Angas kaya ako'.
"Kase naman, hindi ba kayo na papagod? kanina pa tayo paikot-ikot, sawang-sawa na ako mapaikot please lang."
"Why don't you ask someone, kaysa kanina ka pa diyan ngawa ng ngawa." Boring na saad ni four eyes.
"Sorry ha? Ito na lods.." Inirapan ko ito with flipped hair. Tsaka ako naglakad palapit sa nakitang estudyante.
"Hi po, can I ask something?"
"Nagtatanong ka na sis." Irap with flipped hair na sabi ni Ante.
'Baklang to'.
Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi. "Alam mo ba kung saan matatagpuan ang shadow section?" Tila kuminang naman ang mata nito na nagpa kunot ng aking noo, ngunit hindi ko na lamang ito binagyang pansin.
"Sumunod kayo sa akin, dadalhin ko kayo duon." Nagliwanag naman ang mata ko sa narinig at agad na tinawag ang mga kasama.
|| Cassian Chain Collins ||
"Good morning class I'm Alvin Tolentino, your general mathematics teacher. You don't need to introduce yourself, all I want to know are those who are active in my class." Inayos ng guro ang salamin habang nagsasalita, halatang masungit.
As usual mga mukhang walang pake ang mga classmates ko, their expression said so.
"I will not going to waste our time, so we'll start our first discussion today. For our first lesson, we are goin-"
Naputol ang sinasabi ng teacher when someone knocked on the door. Agad na binuksan iyon ng aming guro, bumungad ang apat na babae.
Nanduon man ang pagtataka, hindi ko maiwasang mapa ngisi nang pasadahan ko ang kabuuan nila.
'Wews, chix'.
Lahat ng narito sa loob ng silid ay nababalot ng pagtataka dahil sa presensya ng apat. That's already expected because, you know, if our section has a transferee, dapat ay kami muna ang makakaalam.
"Yes?" ani ng aming guro. No one dared to make a noise, kahit iyong may pinakamakating bibig dito'y tahimik din na tagalang nakakabigla.
"Is this the section S?" The girl with a short hair asked, nakikita ko na sa kanilang apat ay siya ang kalog.
She looks like a happy-go-lucky girl and the jolly one. Sa kanilang apat, siya lang ang may malawak at sweet na ngiti. On her right side, you can see the shorter girl that looks so innocent. While the other two look dead serious, iyong naka-salamin mukhang bookworm at "study first" ang motto sa buhay. Tapos ano... yung ano... malaki yung ano niya... Ehem, anyways, the last girl with a blank face.