| Louise Angelie Hernandez |Iyong nanahimik kana nga pero may isang siraulong bumubulong-bulong sayo kung may sakit ba daw. Sarap busalan nung bibig e, 'di ba pwedeng maging masaya nalang sila at nanahimik ang kaibigan nila?
"Lulu, nag babagong buhay kana?" Kita niyo? Nanahimik lang, nagbabagong buhay na raw.
'Waleya'.
Hindi ko siya pinansin dahil wala akong ganang magsalita ngayon, wala lang trip ko lang ba't ba? Gusto ko manahimik e, nakaka pagod ding magsalita ng magsalita kaya pahinga muna bunganga.
Naririto kami sa cafeteria dahil lunch na, kasalukuyan kaming kumakain dahil nga lunch na. Wala namang nangyaring kababalaghan samin ngayon, siguro nag-iisip pa sila ng pwedeng ika pahiya namin.
'Mga bugok'.
"Ysha." Napatingin ako kay Yujien ng marinig ang tinig nito.
"Yujien!" Yumakap siya sa kapatid bago paupuin sa tabi niya. Inalok niya rin ito ng pagkain ngunit tinanggihan lang ni Yujien, kumain na raw ito.
"We were going to have a tour after you finished eating." Matamang usal ni Yujien, sunod-sunod na pag tango ang sinagot ni Ven-ven.
Marami pa naman ang oras kaya malilibot namin itong malawak na paaralan. Sasama rin kami dahil wala naman kaming gagawin, at para na'rin makita kung hanggang saan ba ang lawak ng school na'to.
Natapos kaming kumain ilang minuto ang lumipas, agad din kaming kumilos upang gawin ang paglilibot sa paaralan. Mabuti nalang at hindi ganung ka araw.
Sinimulan namin ang pag to-tour. Sa labas palang ay makikita mo na ang maganda at maayos na prostura ng paaralan. Hindi naman ito matatawag na sikat kung hindi maka agaw pansin ang ganda nito.
Hindi lang maayos ang kanilang pagtuturo sa loob ng silid, talagang kaagawan din pansin ang malawak at malinis na field ng paaralan. Naruon iyon sa tapat lang ng mga building, kahit na yata dumi ay mahihiyang pumasok at lumapat dito. Talagang nangingibabaw ang kulay berdeng damuhan sa sobrang linis.
Sinong hindi gaganahan mag-aaral kung ganito kaaliwalas ang paligid. Magsisipag ka talaga kung ganito ang bubungad sayo sa umaga, talagang naka mamangha.
Tinungo namin ang building ng mga senior high, ang mga building rito ay hindi lalagpas sa tatlo ang palapag. Ang kulay ay asul at puti, marami ang students na palakad-lakad kung saan. Maaliwalas rin, kahit saan naman yata.
Ang mga makukulay na halaman ang siyang nagbibigay buhay sa kapaligiran, iba't-iba ang uri ng mga ito. Masasabi ko nang naalagan ng maayos ang mga halaman dahil sa makulay at kaaya-aya nito sa paningin.
Malawak ang senior high building dahil marami talagang students na nais rito maka tapos. Hindi lang sikat, mataas rin ang siguridad. Aasahan mo nalang na walang galos ang anak mo pagtapos ng taon, dahil nga sa maganda at seryoso nilang pamamalakad.
Panay mayayaman lang ang nakakatungtong rito, maswerte lang ako at si Levi ang nag-alok na pumasok sa iskwelahang ito para mag-aral. Bukod sa mataas na halaga ng tuition fee, kailangan rin ng maraming proseso para lang maka pasok ka rito.
Ewan kung bakit ganun, marami silang hinihingi na kung ano-ano. Higit sa lahat ay ang background mo, talagang maingat sila sa pagpili ng mga mag-aaral nila. Hindi naman ganito sa simpleng paaralan, talang mahigpit lang ang HU.
Tila mayroong iniingatang hindi ko matukoy, at kung mag kamali man sila sa pagpili ng mag-aaral ay masisira na agad ang repotasyon ng kanilang paaralan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapapansin niyon pero talagang higit pa ang kanilang pag-iingat para lang maka secure na walang mangyayaring iba.