S - 4

29 3 0
                                    

| Louise Angelie Hernandez |

"May balak ka bang patayin ako?" I annoyingly said.

Hinablot ko ang tubig sa lamesa bago iyon lagukin, malalim akong huminga para mabawi ang hanging nawala dahil sa marahas kong pag inom.

"Sorry, Lulu. Gusto ko lang gulatin ka." Ani Ven-ven.

"Nagulat ako, happy kana?"

Ngumuso siya bago ako kulitin ng kulitin, hindi ko naman siya pinansin at pinagtuunan nalang ang pag-kain.

Manigas siya diyan, kanina halos mamatay na ako dahil sa pagkakabilaok, kagagawan ng babaeng yan. Gulatin lang raw pero muntik na akong mamaalam ng gutom, wengya.

Feel na feel ko pa naman yung lasa ng pag-kain tapos bigla nalang may pa epic. Ampupu, kung hindi ko lang siya kaibigan sinakal ko na 'to.

"Uy, uy, uy, Lulu."

Ang sarap naman ng pasta na'to, sino kaya naka imbento nito?

"Lulu, hello~"

Bakit kaya bawal tumira sa moon? Gusto ko pa naman dun, tingin ko malawak dun e.

"Lulu, Lulu, Lulu. Pansinin mo ako, Lulu!"

Siguro pagdun ako tumira, magiging malaki na lupa ko. Tapos kapit bahay ko mga alien, tamang hello lang.

"Lulu, I want to ask you something."

Ang swerte nga ni Neil  Armstrong kasi naka punta na siya dun. Sana all, kuko na malakas ang braso.

'Bat ba? Neil Armstrong e.'

"Are you still a virgin?" The fuck?

Muli akong nabilaukan but this time ay may kasama ng pag ubo, napa baling tuloy sakin ang dalawa habang si Venven ay inosente lang akong pinanood as if she didn't ask something out of the line.

'Holy fuc— I mean Holy God'.

Napa inom ulit ako bago balingan si Venven. "Gago, bakit ka naman nagtatanong ng ganyan?" Sinamaan ko siya ng tingin, nang tri-trip ba ang babae na 'to?

"I just want to know." Nakasimangot na ani niya. Babatukan ko na sana ito ng bigla siyang lumayo habang tumatawa. Hindi na ako natutuwa sa pagiging inosente ng batang 'to, psh.

"Are we bati na?" Inirapan ko lang siya.

'Ewan ko sayo, isip batang damulag'.

She sat beside Alex, who was silently eating. Si four eyes naman tapos ng kumain at nagbabasa na ng libro dito sa tabi ko.

'Libro na naman'.

Hindi pa nagsawa sa mansyon nilang napupuno ng libro, hindi na ako mabibigla kung matatawag iyong philippines library someday. Libro ata collection ng pamilya ni Levi.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain, matapos nito bibili ako ng ice cream. Pampalamig ng ulo, masyadong nakakinit ng ulo ang nangyari kanina sa classroom. Siguro naman deserve kong magpalamig.

"Yo, Alexis!" Ay magandang kalabaw! Iww, kailan pa naging maganda ang kalabaw? Pero masipag naman sila kaya maganda na'rin.

Kunot-noong nagtaas ng tingin si Alex, blanko ang mukha nito habang nakatingin sa magandang guro. Grabe, diko alam na may ganito palang kaibigan si Alex.

Well, kaibigan ako ni Alexis. At maganda rin ako, ang umangal may kotong sakin.

"What do you want, Sullivan?" As usual, her voice was as cold as ice. She went back to eating as if our teacher's presence meant nothing to her. Miss Sullivan didn't mind, she seemed used to it.

Dark Shadow Gang Where stories live. Discover now