Hev'yours

262 17 2
                                    

Natahimik ang lahat sa loob ng Meeting room nang biglang bumukas ang double door nito. Nakasunod ang mga mata namin sa pitong nag gagandahan at nag gagwapuhang nilalang na pumasok. Right, sila ang SSC Officers. Parang nasa isang fashion show lang ang mga ito kung rumampa patungo dito sa u-shaped table ng meeting room.

Napakalawak kasi ng room na ito. Carpeted floor, may di kataasang platform sa harap na may screen at projector na hindi rin naman kalayuan sa table. Yung mga upuan ay mga mamahaling swivel chairs ata, may chandelier and fully airconditioned pa. Oh diba san ka pa? basta ang ganda!

Andito ako ngayon sa likurang bahagi ng room kasi nga diba kinuha ako bilang technical support nila lol. Eto pala trabaho ko dito kabagot naman.

Nakaupo na ang pito sa kani kanilang mga upuan. May hinihintay pa kaya? ba't di pa nagsisimula?

Nasagot ang mga tanong ko nang bumukas muli ang double door at niluwa ang babaeng nagpapunta saakin ng napaka aga dito sa school. Napanganga ako nang makita sya. Ang ganda nya kasi! Kung kahapon para syang chix na napadaan lang, ngayon para syang sopistikadang propesor.

"Good day, Miss Quinn" Bati nila Stacey sakanya

"Gumaganda tayo lalo Ma'am ha?" Nakangising hirit ni Oswell, isa sa officers.

"Mas maganda ka pa sa morning Miss" Pambobola naman ni Dreu

Patuloy lang sya sa paglalakad na parang walang naririnig. Mukang sanay na SC sakanya ha.

Teka ano daw ulit? what? Miss? Ma'am?

Napatingin sya sa aking direksyon at walang emosyong nakipag eye to eye sakin. Ayan na naman mga tingin nya hays ano ba problema nya sakin?

"Psst.. ano.. miss, professor ba sya?" Dahil nga curious ako, kinulbit ko tong kasama ko dito. Oo dalawa kaming na hire mga mare. Napalingon sya saakin at takang tiningnan ako

"H-ha?" Hala si ate tulaley. Alam ko namang cute ako wag naman sanang ipahalata ano? Char.

Inulit ko yung tanong sakanya. Medyo malayo naman kami sakanila kaya ayos lang mag usap.

"Y-yes.. Prof ko sya sa isang s-subject" sagot nya.

"Ah ganun ba? akala ko estudyante din eh hehe"

Tiningnan nya naman ako ng nagtataka. Teka may mali ba sa sinabi ko?

"Hindi mo sya k-kilala?" Luh magtatanong ba ako kung kilala ko? Umiling nalang ako bilang sagot. Dapat ba alam ko kung sino sya?

Nagsimula na ang meeting nila. Napag-alaman kong adviser sya ng SSC, kaya naman pala kasama nya kahapon ang mga ito. Pero para lang talaga syang studyante rin at di halatang isa itong professor. Nakipag-kilala narin ako dito sa kasama ko, sya daw si Celeste Williams, isang BS in Respiratory Therapy student. Ang gara ng pangalan ano? Mukang mamahalin. Sabagay, maganda din naman si Celeste halatang galing sa mayamang pamilya. Feeling ko nga familiar name nya eh, lalo yung apilyedo nya hmm

Nag attend lang ata ako dito para makipag chikahan dito kay Celeste. Wala naman kaming ginawa dito habang nag me-meeting sila hmp! Di tuloy natuloy lakad ko sana ngayong umaga. Hindi ako early bird pagdating sa school pero pag sa labas na nito, aba ibang usapan na yan hehe

Ayun nga natapos ang meeting nila, tungkol lang naman sa mga ganap dito at pinag usapan lang ang mga naging problema. Tahimik lang na nakikinig si Miss Quinn sakanila. Bagay talaga sakanya maging reyna, tamang tama nasa gitna sya nakaupo at parang bagot na nakikinig lang wew.

Nagsitayuan na sila at nag paalam sa iba. Lumapit naman sila Jade saamin kasama ang apat na lalaki.

"Lee! wassup?" bating bungad ni Oswell saakin

Kin's Gambit (GxG) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon