43

98 11 0
                                    




"Bibigyan ko kayo ng free tix sa kahit anong concert na gusto nyo kapag nasagot nyo ng tama ang tanong ko"

Andito kami ngayon nag-bi beach, kasama ko ang girls at hindi na pinasama ang boys dahil bonding daw namin ito. Hindi na naman nakasama ang Evy, ewan ko ba dun at nagtatampo parin ako. Hindi rin naman sya nag memessage mula nung araw na kasama ko sya sa bahay. Hayaan ko nalang at magtiwala sakanya.

"Hala sige game game!" Excited na sabi ni Malia na may patalon talon pa

Tumabi naman si Ems sakanya at kinuha ang bbq sakanyang plato "VIP package Ar ha?" Aba ang mahal nun huhu dapat siguro di ko nalang sinabi ano? Eh sa trip ko lang kasi para narin makapag enjoy nalang din paminsan minsan.

"Yaps VIP package"

"Waahhh na eexcite ako!" Totoo parang kiti kiting excited ang Cele sa narinig.

Kasalukuyan nga pala kaming kumakain ngayon dito sa cottage, kababalik lang namin from dagat. Mas masarap kasi kumain kapag kakatapos lang mag tampisaw diba?

"Ako rin sali, sa The ERAS Tour sana huhu" Singit naman ni Stacey. Mukhang alam na nila kaninong concert aattendan. Goodluck nalang sa wallet ko!

"Pwede sa BP? Luh kyaaaah!" Jade naman mahal din yun! Pwede sa local artist nalang? Chos.

"The ODD Of LOVE concert lang ni KT hinihintay ko!" Dagdag pa ni Cele habang nag-iiscroll sa phone. Inuna pa talaga yan kesa sa pagkain tsk tsk.

"Wow parang hindi mayayaman ha, mga buraot!" Buti pa to si Hailey "Pero Ar kahit anong bansa ha?" Gagi joke isa din to eh

"Iba parin pag libre Ley" sinamaan ko ng tingin si Ems. Tix lang tix! Baka isipin nila pati accomodations huhu! "Iba parin pag si Arlee nanlibre hahahaha"

"Oo tama tama, sya pinaka buraot eh HAHAHAHA" grabe sila mang-asar ha? di ko kaya ituloy ano? Kapag kasama talaga namin tong dalawa kaistress talaga eh.

"Aww sige sige wag nalang, buraot pala ako eh hmmm" biglang lumipat ang dalawa sa tabi ko at kanya kanyang niyakap ang dalawa kong braso

"Hehe joke lang Ar"

"Arlee naman hindi mabiro eh"

Tampo-tampuhan ako kuno at hindi sila pinapansin hahaha

"Ayan kasi, ticket na naging bato pa!" Nanghihinayang na komento ni Cele.

Itutuloy ko naman, pero sarap nilang asarin eh hahahahaha

Nag ring ang phone ko bigla kaya dinukot ko ito sa aking bulsa "excuse me muna" lumayo muna ako sakanila para sagutin ang tawag.

"Hello?"

"..." Gagi na yan, ayan na naman yung di sumasagot. Hindi kasi registered ang tumatawag ngayon.

"Sino to?"

"..." Again, no response. Problema ba ng mga taong to? Lakas ng trip ha

Ibababa ko na sana kaso nagsalita na ito. "Arlee.." luh

"Sino nga ulit to?" Hindi kasi malinaw ang boses nya kaya hindi ko ma-identify kung sino sya.

"This is Glaiza"

"Oh Glai, napatawag ka?" Sya pala linti akala ko kung sino!

"Uhm pwede ka bang pumunta ngayon dito?"

"Eh? Saan?"

"Sa kompanya Ar"

"Kailangan ba talaga? May problema ba jan?" Lumingon ako sa likuran ko at nakitang masayang nagkukwentuhan ang girls.

Kin's Gambit (GxG) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon