Luh gago!
Napabalikwas ako ng upo sa aking kama dahil sa nakita ko sa aking phone. Bigla kasi itong tumunog dahil may notification at pag check ko..
Quinn Doreign accepted your friend request.
Ha? Eh hindi ko naman inadd si maam ha!
Parang gago to, kailan ko ba sya inadd? Di ko matandaan. Chineck ko profile nya kung sya nga yun at confirm, sya nga! Langya!
Tutal naman friends na kami sa fb, chat ko nalang sya para guluhin. Alas dos na ng madaling araw nawala antok ko sakanya pucha!
Arlee Kin
Hi miss!
SeenArlee Kin
Miiisssssss
SeenArlee Kin
Huy Miss!
SeenArlee Kin
Luh seener!
SeenArlee Kin
Ma'am may sasabihin ako
SeenArlee Kin
Ay wag nalang pala hehe
SeenNaknampucha hmp! Puro seen huhu
Arlee Kin
Miss-ma'am tara shat!
Pano ba? Eh sa wala akong maisip na topic eh gusto ko lang sya guluhin hahaha safe naman ako kasi di ko naman yan prof sa mga subjects ko di ako mababagsak, orayt.
Quinn Doreign
Where are you now?
Why the hell you're still awake Ignacio?Reply nya sakin. Sineen ko nga lang din para makabawi ba hahaha bahala sya jan
Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang ringtone ko pag may tumatawag.
Luh si Miss tumatawag! Accept ko ba or nah? Ay wag nalang, kunwari tulog na ako sige sige. Baka pagalitan ako dahil sa pambubulabog ko sakanya eh hehe
Pero ang gagi ayaw tumigil katatawag huhu sagutin ko nalang kaya
"H-hello po?" Sagot ko dito
"What took you so long to answer my call?" Tanong nya sa mababang boses pero halatang inis na
"Nevermind. Where are you now? Why are you still up?" Inulit nya lang tanong nya kanina sa chat
Huhu ano ba isasagot ko sakanya? Ba't pa kasi sya tumawag!
"Ah.. eh Miss pasensya na, biro lang po yung shat hehe.. tulog na po tayo" kailangan ko ba magpaliwanag? Gagi bakit big deal sakanya to? Eh biro lang naman yun! Di talaga sya marunong sumakay sa biruan huhu
Narinig ko syang bumuntong hininga bago nag salita
"Okay. Let's sleep now" naging malambing naman boses nya, panay hikab narin sya sa kabilang linya at pinatay ang tawag.