Kasagsagan ng finals ngayon kaya busy ang lahat sa pag-aaral. Ipinagpaliban ko na muna ang mga missions at assignments ko sa mga elites at pinag focus muna sa pag-aaral. Sayang ang mahal ng tuition eh kung pababayaan lang namin, kahit naman kasi mayaman o may kaya kami ay napakahalaga ng pera. Money can't buy happiness nga naman ika nga nila pero aminin nyo, kailangan natin ito para maka survive sa araw-araw diba?
Yung mga ipinangbabayad naman saamin kapalit nung mga mahahalagang impormasyon na kailangan nila ay diretso na sa mga bahay ampunan, sa home for the aged at sa mga cancer foundation. Masaya makatulong, aanhin naman namin ang limpak limpak na salapi diba kung secured na ang future namin kaya mas mabuting ibahagi nalang sa lubos na nangangailangan.
"Huuuyy lalim ng iniisip ha"
"Bwisit ka Ems wag mo nga ko ginugulat ng ganun" kainis ganda na ng intro ko eh panira amp
"Eh bakit ba kasi nagsesenti ka jan? Tapos na exams mo?" Umupo silang dalawa ni Malia sa tabi ko. Yung isa ay tahimik lang at nag nap agad, puyat na puyat na naman ata.
"Oo nakakagutom nga eh" andito kasi ako ngayon sa mini forest na may mga bench at cemented table, tinatamad ako puntang cafeteria ang layo kasi.
"Ayy mabuti nalang girl scout ako, eto oh bumili ako ng madami kanina" wow hindi nga sya nagbibiro, nilabas nya sa kanyang paper bag ang iba't-ibang pagkain at syempre ang coke at yakult.
"Sankyu! ang swerte ko talaga sayo Emmary Johansen kaya labs kita eh" pambobola ko sakanya at niyakap pa sya na ikinatuwa nya feeling proud ang gaga
"Syempre naman talino ko at naisipan ko bumili hihi" binitawan ko na sya at nagsimula ng kumain kaya galit galit muna
"Ar pahingiiiii"
"Luh diba matutulog ka Mals? Wag mo ko agawan o-oy!" Hindi ko na napigilan at nakakuha na sya ng isa sa pagkain ko habang patawa tawa lang si Ems saamin. Taena nabuhay pa babaeng to eh nakaidlip to kanina.
"Kagutom exams langya, na drained utak ko huhu" reklamo nya habang kumakain
"Don't talk when your mouth ish pfull Malsh" nananaway pero sya din pala puno ang bibig.
Nagpatuloy lang kami sa pag lamon at nagbibiruan ng tumawag si Quinn.
"Yes, hello po ano maipaglilingkod ko sayo?" Sagot ko habang inaalis mga nahulog na crumbs sa aking damit
"Do you still have exams left?"
"Wala na po, bakit?"
"Samahan mo ako, I have a client to meet"
"Sure sure" inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na, sinenyasan ko naman ang dalawa na aalis na ako at tumango lang naman sila "ngayon na ba?"
"Yes, meet me in the office magbibihis muna ako"
Umo-oo na ako at nagmadali na pumunta ng opisina nya. Yay! Nakakatuwa naman at kahit sa trabaho gusto nya ako makasama.
Papasok na sana ako sa alley patungong office nang may narinig akong dalawang asungot na nagbabangayan. Oh? Nakabalik na pala si Lemonsito--- i mean si Luis hehe nalaman ko kasing Luisito full name nya pft hahaha
"I told you, girlfriend ko na sya kaya tumigil ka na sa panliligaw mo sakanya" gigil naman nitong pugo at halata na ang ugat sa kanyang sintido, bakod malala ang kalbo lol
"Really? Nawala lang ako ng ilang buwan inangkin mo na, ganun ka na ba ka desperado?" Hindi naman nagpatalo ang lemonsito na to at parang hinahamon pa ata si pugo.
Wala akong plano makisali at makigulo kaya tahimik akong dumaan sa gilid nila ng hindi napapansin. Tagumpay ko naman silang nalampasan, dali-daling kong binuksan ang pinto at ni-lock agad mahirap na at baka makapuslit sila dito.