Epilogue: CHECKMATE

127 6 0
                                    


Seryoso kong pinagmamasdan ang kaharap ko ngayon, pinag-aaralan ko din ang bawat galaw nya. Tsk tsk talagang ayaw magpatalo. Sambit ko saaking isipan.

Talagang hindi papayag ang kalaro kong matalo sa larong Chess dahil according sakanya magaling sya dito. Hindi ko naman alam pa paanong napapayag nya akong makipaglaro ngayon kahit napakadami ko pang gagawin at kailangang tapusin.

"Pwede mag ask?" Tanong nya, her eyes fixed on the board.

Napairap naman ako sa naging tanong nito. "You're asking na nga eh. Ano ba yon?"

Hindi naman nya pinansin ang naging reaksyon ko at seryoso paring nag-iisip ito ng next move nya.

"What's your favorite chess move?"

Natigilan naman ako bigla. Sa totoo lang hindi ako masyadong naglalaro ng Chess pero marunong naman ako nito.

"Hmm King's Gambit" Sagot ko. Napaangat ang kanyang tingin saakin at ini-tilt ang kanyang ulo sa kanan. Cute parang aso lang eh.

"Sounds like Kin's Gambit ayt" nakangisi nyang sabi.

Napailing nalang ako na natatawa, nagkataon lang nako, utak nito napaka bilis.

Naigalaw nya naman ang isang pawn nya kaya turn ko naman.

"Pero that's a risky move diba? Bakit mo naman naging paborito? You're sacrificing your pawn kaya for aggressive opening" nagtataka nyang tanong saakin.

Natawa na lamang ako sa kanyang mga pinagsasabi. "Exactly, it's a bold move" sabi ko at kinuha ang isang chess piece nya. "Mahilig ako sa bold" dagdag ko pa.

Tinaasan nya ako ng kilay kaya humagalpak na talaga ako ng tawa. Naniwala naman agad eh.

"Seriously, isusumbong kita sa Evy mo" naka pokerface nyang pananakot kaya itinukom ko na lamang ang bibig ko at nagpipigil ng tawa.

Gagamitin na naman si Evy para takutin ako, anoba naman yan! Takot ko nalang talaga sakanya, paborito pa naman nya ang babaeng to kesa saakin.

Tumikhim ako at pina seryoso na ang mukha. Alam ko namang nag eexpect ito na may matututunan sya saakin ngayon kaya nakipaglaro ito.

"It's a gamble kasi, but a calculated one." Kinindatan ko sya bago itinuon ang pansin sa board. "It forces your opponent to react quickly, and may often lead them para magkamali." Seryoso kong sabi.

Hindi ko naman maiwasang hindi maalala ang nangyari saamin last year. I think, nagamit ko ang strategy na yan in real life situations.

"It's a good strat actually" ininom ko ang yakult na hindi ko pa nauubos dahil sa laki habang pinapanood ang galaw nya.

"Panong naging good strat yun kung you're risking naman hmm?"

"Disrupt and Seize. Disrupt their plans and seize the initiative." Right, that's how you manipulate your opponent sa larong ito.

"Pero what if hindi mag work ang strat mo? Edi sira din ang laro mo diba?"

"Simple" napangisi ako sa naging tanong nya "You have to adapt syempre. Alam mo kasi, Chess is a game of constant adjustment. If hindi mag work ang strat mo then you'll have to change it." Hindi gagana ang stick to the plan na yan kung mautak din ang kalaban mo, dapat madami kang baong pang counter lagi.

Tango na lang ang kanyang naging sagot at nag focus muli sa paglalaro.

Hawak ko ang pawn ngayon at hindi ko alam ba't may naalala ako bigla. I used to be a pawn in someone's game. Hah! Pagak akong natawa sa naisip. Hindi talaga ako madaling makalimot eh, hindi naman ako nasaktan. Nainsulto nga lang.

Kin's Gambit (GxG) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon