Sabado ngayon at maaga akong nagising, alas kwatro palang ng umaga kaya nag ayos na ako para mag jogging.
Simple lang naman suot ko, naka dri-fit short shorts ako, sports bra sa loob na pinatungan ko nalang ng jacket at sinara ang zipper. Malamig kasi at para pagpawisan ako agad. Isinuot ko na ang nike running shoes ko tsaka ako lumabas ng bahay. Ikinabit ko narin ang air pods ko at nagpa music, pampa hype sa pag takbo. Nag stretching muna ako bago nagsimulang mag jog.
Lumiliwanag na ang paligid at napapalayo na ako sa bahay kaya naglakad nalang ako pabalik. Naka ilang laps din ako kanina kaya uhaw na uhaw na ako ngayon kaya binilisan ko nalang ang pacing ko para makauwi na agad
Pagkarating ko ng bahay ay 6am na, nagluto ako ng breakfast ko at nag kape narin.
Sa loob ng ilang taon, ganito na ang routine ko araw-araw hindi lang ngayong sabado. Aba healthy living tayo mga mare!
Natapos na akong magkape at nagtungo na sa kwarto upang maligo at mag-ayos. Aalis kasi ako kaya kailangan ko na bilisan ang kilos.
Cotton white polo na tinuck-in ko ang harap sa black jeans na suot ko ngayon at sinuot ko ang low-cut vans ko.
Ganito ang usual na get-up ko. Simple lang pero maangas tayo syempre hahaha
Pagkatapos kong mag ayos ay kinuha ko na ang phone, susi at wallet ko. Wala naman akong ibang dala kaya hindi na ako nag dadala ng bag.
Sinugurado ko munang naka lock ang lahat bago umalis. Instead na sa front gate ako dumaan ay nagtungo ako sa likod ng bahay at lumabas sa nag camouflage na gate doon. Naglakad ako ng ilang minuto at binabaybay ang mala gubat na daan. Di naman ako mawawala dahil may trail at sanay na ako dumaan dito. Hindi nagtagal ay nakita ko na ang kalsada at lumabas sa madamong lugar na parang wala lang.
Pagkarating ko sa may bus stop ay dumiretso ako doon sa subway sa gilid nito.
Marami pa akong nakakasabay pababa sa hagdan na mga papunta sa kani kanilang mga trabaho. Hindi ako tumungo sa may platform na hintayan ng tren, sa halip ay pumasok ako sa isang pinto na tanging mga personnel lang ng train station ang pwedeng pumasok. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa natanaw ko na ang back door at doon lumabas.
Dumaan ako sa gilid ng riles ng tren dahil may pathway doon. Diretso lang hanggang sa huminto ako sa harap ng isang pader. Tingin muna sa left and right baka may ibang tao eh. Wala din namang cctv's dito kaya safe.
Kinapkap ko ang pader hanggang sa may umilaw. Nabasa nito ang aking fingerprint kaya bumukas ang wall na hugis pintuan at pumasok na ako. Umakyat ako sa isang di kataasang hagdan at nakita ang empty shuttle na sasakyan ko.
Para itong isang bullet train dahil sa bilis ko naka abot sa aking destinasyon. Pagka-baba ko ay may elevator paakyat..
...direkta sa floor ng aking opisina
Andito ako ngayon sa aking kompanya. I am the CEO of a Consumer Electronics Company.
Isa itong sikretong iniingatan ko. Tanging mga board members ko lang ang nakaka-alam kung sino ako at kung sino ang nasa likod ng mga successful brands ngayon. Yes, mostly ng mga sikat na mag rival companies na under sa field ng CE ay hawak ko. Bakit mag rival? That's business. Itong kompanyang to ang nagsisilbing headquarters. Dito minsan nag-rereport ang mga kompanyang under sa business kong ito.
So yeah, CEO sa umaga, estudyante sa hapon.
Pangalawang course ko na ang BSCS ngayon. Advantage lalo na hindi nako mababahalang may mangyaring anomalya sa aking kompanya dahil kaya ko na protektahan laban sa lumalaganap na cyber attacks ngayon.