Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Gulat at pagtataka parin sa nakikita ngayon.Nakatutok ang baril ni Jesper sa direksyon ko. Ni hindi ako nakakurap nang paputukin nya ito.
Shutangena! Muntik na! buti lumagpas saakin at di tumama sa ulo ko!
"Jesper! Tangi--" hindi ko sya namura ng tuluyan dahil sunod sunod ang pagpapaputok nito. Ang tanging nagawa ko na lamang ay yumuko at protektahan ang ulo ko.
Yawa ano ako? apple para gawin nyang target?
"Arleeeeee" napaangat ako ng ulo at tiningnan sya habang nakangiting tumatakbo papalapit saakin.
Tinapon ko sakanya ang nahulog kong bag at sapul sa mukha ang gago pero tumawa lang sya.
"Hehe sorry na, si Quillua kasi" sabay turo nya sa earpiece na naka kabit sa kanyang kaliwang tenga.
Napalingon ako sa likod kung saan nya tinira ang mga bala nya kani-kanina lang. May limang lalaki na ang naka handusay.
"Naknampucha naman Jes sabihan mo muna ako sa susunod!" nanggigigil kong sabi sakanya. Naalala ko naman na nasa campus kami tapos may barilang nagaganap dito.
"Huy buti walang nakakita sayo" lumapit sya sa mga nakahandusay na mga katawan at kinapkapan.
"Napalabas na namin lahat sa building na ito Ar at na control na din ni Mycroft ang cctvs kaya wag ka na mag-alala jan" may kinuha sya sakanyang bulsa at inihagis saakin na nasalo ko naman. Earpiece din.
"Quill, status"
"I'm eyeing 14 people going upstairs. Sa floor nyo. Kaya nyo na yan" Panigurado nang i-isnipe ang lalaking to ngayon.
Nagkatinginan naman kami ni Jesper. Hinagis naman nya ngayon ang nakuhang baril sa bangkay. May supressor naman kaya hindi maririnig sa labas kung makikipag barilan kami.
Lumiko kami sa isang kanto pabalik sa Dean's office at nagtago.
"Pano nyo nga pala nalaman?" tukoy ko sa pag atake ng mga armadong lalaki.
"Halata sila masyado sa labas" ani Dreu sa kabilang linya
"Hinanap ka namin kanina at sakto na nakita ka namin papuntang Dean's office. Masama kutob namin dahil may mga bantay sa labas." sagot naman ni Oswell
Nahagip ng mata ko ang fire extinguisher sa aking gilid. Naririnig na namin ang mga yabag ng mga paparating dito. Nagkatinginan kami ni Jesper at nagtanguan.
Sinira ko ang lalagyan ng fire extinguisher at kinuha ito. Itinutok ko kung saan ang mga kalaban at ini-squeeze ko ang lever.
Tumakbo si Jesper sa direksyon ng mga ito at isa isang pinatumba ang mga kalaban. Kinover ko naman ang aming likuran habang abala sya.
"Binisita ako ni Merrell, boys" napangisi kong sabi
"So sya pala yun? Ampangit nya" komento ni Jesper habang nakikipagpalitan ng suntukan
"Mycroft hacked Dean's cctv, we saw everything" kaya naman pala mabilis naging aksyon nila.
"Dahil ba ito kay Francis, Ar?" Tanong naman ni Mycroft
"Yep. Sumbungero amp! Ay nga pala Quill, hanapin mo nga si Evy ko at baka tinangay na yun ng mag-ama" bigla ko namang naalala, baka ano na naman gawin nila Francis e.
"Evy?"
"Sino si Evy?"
"Hala may iba ka na Ar?"