Tatlong linggo na ang nakalipas mula nung huli naming 'date' ni Kweeny na hindi naman nasundan. Hays. Sumunod na araw na yun ay lagi na nakabuntot ang dalawang manliligaw nya sakanya at hindi ako makalapit, salitan sila sa paghahatid sundo sakanya na di naman sya umaangal. Pero okay narin mas mabuti pang ilugar ko nalang sarili ko, bestfriend lang ako diba? Kaya magpapaka bestfriend tayo syempre.
Namimiss ko na sya! Nag-uusap naman kami sa chat minsan pero di naman din nagtatagal dahil busy sya, busy din ako pero di rin naman yun naging rason saakin para hindi sya bigyan ng oras. Ayoko nalang makisali pa sa agawan nila pugo, grabe nakaka stress sila kala mo mga boypren na eh kung maka bakod! Pag ako talaga magsimulang gumalaw ay naku! Chos!
"Ignacio" tawag saakin ng Professor namin sa subject na Programming. Mukang nag-ooral sya habang lumilipad na naman isip ko hahah pinatayo nya ako upang sagutin ang kanyang tanong.
"Which container class can be used as an underlying container for que---" hindi natapos ni Ma'am ang kanyang tanong dahil may biglang kumatok sa pinto.
Nang mapalingon kami kung sino ang kumatok ay bigla namang umingay ang mga kaklase ko na kinikilig pa dahil sa dalawang taong lumitaw.
"Excuse me Miss, pwede po bang mahiram muna si Arlee Kin?" Unang sabi ni Jade.
"May problema ba mga iha?" Tanong ni Prof
"May meeting po ang SC Miss" sagot naman ni Hailey. Pumasok silang dalawa sa room at binigay kay maam yung excuse letter ata.
"Hi Hailey ganda mo po" hirit ng babaeng kaklase ko.
"Jade pwede manligaw?"
"Nakaka-ulol kayong dalawa!"
"Hailey aking sintaaaa ano bang meron sa iyooo~" pakantang sigaw naman ng ng isa ko pang kaklase na babae.
Puro mga banat at hiyawan ng ibang mga kaklase ko ang maririnig.
Opo puro babae bumabanat sakanila. Naknamp! Antatapang! Hahaha yung mga lalaking kaklase naman namin ay aliw na aliw pang sinusuportahan mga banat nila.
Natatawa nalang sila Hailey at Jade sa kakwelahan ng mga kaklase ko.
"Okay settle down class, Miss Ignacio pwede ka ng umalis" singit ni maam dahilan para matahimik na sila.
Niligpit ko na mga gamit ko at sinukbit ang bag.
"Thanks Miss!" Sabi ni Jade at binalingan naman ang mga kaklase ko "Bye guys, thanks din" kumaway silang dalawa ni Hailey sakanila para magpaalam
"You're welcome, it's our pleasure to pleasure you" at tawanan na naman ang buong klase dahil sa sinabi ng kaklase namin
"Balik kayo ulit mga ganda!" Pahabol naman nung isa pa. Napahagikhik nalang yung dalawa sa gilid ko dahil sakanila.
"Pati mga kababaihan nababakla sainyo ha" natatawa kong sabi sakanila.
"Wala kang bilib sakin Ar?" Na-hurt kuno ang ati mong Jade.
"Duh! Ambulag mo naman Arlee" hirit naman ni Hailey at binatukan ako.
"Aray ha pag ako nawalan ng ulo!" Reklamo ko kahit hindi naman masakit hahahah
Hindi naman homophobic ang dalawang to, sakatunayan ay mga Bisexual sila. Out and proud kaya tuwang tuwa pa sila sa dami nilang nahahatak na girls.
Nagtungo na kami sa building kung san ang SC office. Pagpasok namin ay andito na ang lahat pati si Kweeny, kami nalang ata ang hinihintay. Andito rin pati ang ibang members at representatives every year level.
"Shall we start?" Bored na tanong ni Kweeny
So ayun nagsimula na mag meeting tungkol sa gaganaping school festivals next month, magtatagal ito ng isang linggo kaya excited ang lahat. Masaya to kasi mga competitive ang bawat department. May mga inimbitahan ding mga sikat na panauhin para sa event. Mahalagang okasyon ito sa mga estudyante ng H.U dahil ito ang way nila to showcase their talents and skills.