Lo-ki

129 14 0
                                    


Madaling araw palang pero heto ako't nag jojogging. Madami naman din akong nakakasabay na mga early bird din dito sa may riverside kaya hindi masyado nakakatakot ang paligid pero kanina ko pa nararamdamang parang may sumusunod saakin. Hindi naman sa pagiging assumera pero kahit san ako lumiko at lumusot ay nakasunod parin ito.

Pasimple akong yumuko at inaayos ang sintas ng aking sapatos para masilip at kompirmahing sino ang taong yun. Aish! hindi ko matukoy kaya kokomprontahin ko nalang.

Lumiko ako sa isang kanto papuntang park at dumaan sa ilalim ng footbridge na hindi kataasan. Binilisan ko ang aking mga hakbang at nagtago muna sa gilid para hulihin ang taong yun. Nakita kong hingal na napahinto sya hindi kalayuan sa aking pinagtataguan ngunit ganun nalang ang pagtataka ko ng makita kung sino ito,

Celeste?

Teka bakit nya ako sinusundan? Anong pakay nya saakin?

Imbes na lapitan sya at tanungin ng personal ay nanatili lamang ako sa aking pwesto. Naguguluhan man ay tumalikod na ako't bumalik sa dinaanan ko ng hindi nya napapansin. Bakit naman kaya nya gagawin yun? Isa ba sya sa dapat kong pagdudahan? Pero kapatid sya ni Hailey kaya may tiwala ako sakanya... kahit papano.

Ipinagkibit balikat ko na lamang at minabuting umuwi na, this time ay mas naging maingat ako sa aking paligid at naging alerto dahil ramdam ko paring parang may mga matang nakasunod saakin.

Nag-almusal na muna ako dahil maaga pa naman. Nakakapanibago, nagsimula na kasi si Glaiza sa kompanya kaya wala akong ginagawa ngayon at sa mga susunod na araw pa ako magsisimula lalo na't pormal na akong ipapakilala sa lahat ni PapaDad sa linggo. Sa Friday nya i-aannounce pero sa linggo ang party, ganun.

"Hmm ano ba magandang gawin?" tanong ko sa sarili ko

Hindi ako sanay na walang ginagawa! Umalingawngaw ang ringtone ng aking phone sa buong bahay at pati ako nagulat, sobrang tahimik pa naman.

"Arlee pwede ba tayo magkita ngayon?" Si Quillua tumatawag

"Oo naman, may problema ba?" hayy salamat naman at may gagawin!

"Yes, may report na kami. Meet up tayo" Umo-o na ako at pinatay ang tawag. Agad naman din akong nagbihis at kinuha na ang susi ng aking kotse, para mabilis tayo maka-abot.

Meet up

"Good morning ma'am, what's your order po?"

"A slice of Italian pizza and a cup of tea for 3"  sabi ko sakanya, agad naman nyang inulit ang order ko sa mikropono na dinig lang sa kusina nila. Gets nyo ba secret code? Oh well it's for you to find out nalang.

"Maam, may nagtangkang sumunod kina Sir dito kanina at tinanong ang room nila" sabi ni ate cashier habang tumitipa sa kanyang monitor na hindi pinapahalatang nakikipag usap saakin.

"Andito pa ba sila?" nakangiti naman itong tumango, galing nyang aktres ha "to your left po, 9 o'clock, malapit sa flower pot" mahina nyang sabi saakin "...that would be 735 pesos po" dugtong nya na nilakasan nya pa ang boses at binigay saakin ang resibo kaya binayaran ko na.

Tulad nung nakaraan ay lumabas ang isa sa sous chef at sinamahan ako sa private room na aming pupuntahan. Pasimple naman akong humarap sa likod na parang may nakalimutan sa counter upang makita ang tinutukoy ni ate cashier. Apat. Apat na lalaking halatang may inaabangan. Tss  kaninong mga tauhan naman kaya mga yun at obyus masyadong mga pipitsugin.

Pagkapasok ko ay nag bow sya at nilock muli gamit ang finger print scanner sa labas. Hindi kami basta basta masusundan dito, tanging mga skilled na mga tauhan namin ang mga empleyado dito at sila lang may access sa rooftop aside saamin. Bakit hinahatid pa kahit may access din naman kaming walo? nakagawian na iyon bilang paggalang at respeto saamin.

Kin's Gambit (GxG) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon