Nagising ako dahil sa mga mahihinang tapik sa aking pisngi ngunit pilit ko lang itong tinataboy dahil panira ng tulog ko.
"Kin wake up" napamulat ako dahil sa boses ni Kweeny. Sya pala gumising saakin kahiya tuloy. Sinundan ko lang sya ng tingin habang nag-aayos sya ng kanyang sarili sa harap ng salamin. Nag-unat unat na muna ako tsaka umupo. Napahaba ata tulog ko at di ako nakapag jogging.
"May klase ka ngayon Kweeny?" Tanong ko sakanya dahil naka pang-alis ito
"Yes, but something came up Dad needs me in the company." Sabi nya habang inaayos ang short-sleeve polo shirt na suot nya. Bagay na bagay sakanya, naka tuck-in ito sa denim skinny jeans nito at pina-resan nya ng heels. Napakagat ako ng ibabang labi ko, kung ito lang din makikita ko kada gigising ako sa umaga aba jisaaaasss why not?
"I borrowed nga pala your clothes, you wouldn't mind naman diba?" Tanong nya sabay sulyap saakin
"Yeah, sure sure basta ikaw" I smiled and winked at her. Syempre naman basta si Kweeny ko kahit sakanya na lahat ng andito, kung gusto nya ay pati puso ko bibigay ko. Hahaha
"Ipagluluto muna kita bago ka umalis" baka gutom na sya, dapat pala inagahan ko pa ang pag gising.
"No need, I need to go na" tiningnan nya saglit ang relo at lumabas na ng kwarto, sinundan ko naman sya at hinatid hanggang sa may gate at nag paalam.
"Ingat sa pag dadrive okay? Kumain ka din doon" paalala ko sakanya. Pinalapit naman nya ako sakanya at hinalikan ang aking pisngi.
"Take care also. See you at school"
Nakatulala lang akong nakahawak sa aking pisngi kung saan nya hinalikan habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse ni Kweeny.
Taena!
Hindi ako readdyyyyyyy aaaAaaaaaahh!
Ngayon lang nag sink-in sakin lahat ng kilos nya mula kagabi hanggang kanina. Shoota! Asawa ko na ba sya? Fudge. Isipin palang na ganun kinikilig na ko!
Pero baka bff-things lang yun, oo tama. Wag kasi tayo agad mag assume, naku!
Di na ako nagtagal pa sa labas at pumasok na. Naligo narin ako't lahat lahat bago nagpuntang opisina.
"Ma'am, this weekend po may meeting kayo kay Ms. Lou sa Macau" pag-iinform ni Sheena saakin pagkarating ko sa opisina.
"Reschedule it. May importante akong lakad sa Saturday and paki cancel nalang kung sakaling may mga sched pa ako sa araw na yan."
"Okay Ma'am" sagot nya habang may pinipindot sa kanyang tablet "May pending pong Proposal na need nyo pong i-review"
"Email mo nalang please, at paki hatid nitong documents sa Company ni Mr. Diego ngayon. Ikaw lang dapat maghatid at wag ipagkatiwala sa iba okay? Thanks" abot ko sakanya ng naka sealed na envelope.
"Alright, sige po" sagot nya tsaka umalis
Mabilis lumipas ang oras, natapos ko na din ang mga paper works ko kaya nung pagsapit ng 12nn ay nagmadali na ako lumabas dahil may klase pa ako mamayang hapon. Sa cafeteria nalang ako kakain at baka ma-late pa ako, mahigit isang oras pa naman ang byahe.
Habang naglalakad ako papasok ng school ay may humintong sasakyan at bumaba ang bintana nito.
"Arlee mah friend tara sakay"
Si Andrei pala. Pasasakayin pa nya ako eh andito na kami? Etong lalaking to talaga tsk tsk
"Gagi jan lang ako sa cafeteria"
"Ay hintayin mo ako, park ko lang to. Sabay na tayo ha?" Hindi na nya ako hinintay sumagot at umalis na. Malapit lang naman ang parking lot kaya hinintay ko nalang sya.