ARLEE KIN
"Something's off" she said while sipping on her coffee. Prente syang naka upo at nakatanaw sa mga taong dumadaan sa labas.
"What?"
"Wala. I'm overthinking something" Baliw na ata babaeng 'to tsk tsk.
"Ameerah sabihin mo lang kung lumuwag na turnilyo mo at ipapa-handa ko na magiging room mo sa mental" inikutan nya ako ng mata at ibinaba ang kanyang tasa sa table.
"I'll make sure you go first Arlee" ay oh palaban! Hahaha "Oo ses para i-welcome ka" ganti ko na ikina-iling na lamang nya
"Why are you here? Are you stalking me?"
Kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to "Mag hunos-dili ka nga Ameerah. Ikaw nalang talaga iistalk ko?" Ganito lang talaga bonding namin magkapatid, hindi naman sya pikon kaya masaya sya kaasaran.
"Go straight to the point, may photoshoot pa ako"
Oo nga pala, we're here sa cafe somewhere in Monaco. Nagkataon lang talaga na andito sya for photoshoot at andito naman ako for business.
"Rinaldi invited me for dinner"
"The Prince himself?" Gulat naman nyang tanong. Ano ba akala nito saakin hindi malakas mga koneksyon? Duh
"The Prince himself" Pag-uulit ko. Anong magagawa ko eh close si Papa sa mga royal families kaya di na nakakagulat mga ganitong pagkakataon.
Sinilip ko ang aking suot na relo at tiningnan ang head butler na nagbabantay saakin ngayon sa di kalayuan. Nang magtama ang aming tingin ay tinanguan ko sya. Agad silang kumilos at lumapit sa mga table ng ibang costumer.
"What's happening?" Takang tanong ni Amee nang makitang isa-isang nagsisialisan ang mga andito sa loob.
"Bago ko makalimutan Amee, may pag-uusapan tayo." Pinagka-abalahan ko na muna ang aking frappe hanggang sa umalis na lahat ng tao sa paligid at kami nalang naiwan dito.
"You rented the whole place just to have a word with me?" Amuse nyang tanong in British accent lol
Nagkibit balikat ako habang sinisilip ang aking phone "I bought this place" sabi ko na naging dahilan para masamid sya bigla sakanyang kinakaing cheesecake kaya ibinigay ko sakanya ang isang basong tubig na hiningi ko kanina.
"You're not serious right?"
"Seryoso ako" Nakipagtitigan ako sakanya para ipaalam talaga sakanyang seryoso ako sa sinasabi ko. Hindi naman nagtagal ay sya narin nag-iwas. Lahat nalang talaga sila hindi naniniwala kapag sinabi kong seryoso ako tsk.
"Alright, just making sure" umayos sya ng upo tsaka tumikhim "So what do you want to talk about?"
"Your Dad"
"What about him?" Nakakunot noo nyang tanong
"Hindi naman lingid sa kaalaman ko na he is involving himself sa mga illegal na gawain. Napapadalas ba pag bisita nya sayo sa Europe?"
"Yes" napahinto sya na parang may inaalala "But I don't know his reason. If I'm not mistaken, twice or thrice a month he visits me which is weird. Thought it was pure business" Hindi kasi sya masyadong close sakanyang ama dahil daw inaaway ako nito, sweet diba? Ako pinili kesa sa ama hahaha
"I'm telling you this para ikaw na mismo ang humuli sakanya. Ayokong madamay o mabalita ang pamilya natin na sangkot sa illegal na gawain, mas mabuting agapan mo na." He's up for something, alam ko. Wag lang talaga sya magkakamaling pumasok sa organisasyong yun at itatakwil ko sya sa pamilya.