Chapter 2

907 18 0
                                    


*** Chelsia Ava Jackson***

"Dad?"..nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran ng aking ama,sa pagkakataong ito ay maotoridad ang kanyang pagkakasabi.

"Kung talagang mahal mo kami,at mahal mo ang simbahang pinaglilingkuran mo kailangan mong umalis sa pagmomodelo" madiin na saad ni Daddy

Matagal na akong pinapaalis sa trabahong ito dahil ayaw nilang naibabandera ang aking katawan sa publiko,lalot isang Pastor ang aking ama,maging si Kuya Jacob ay isang Youth Pastor sa aming simbahan,at ako naman ay parte ng music ministry.

"Last nalang Dad,isang photoshoot nalang magpapaalam na ako kay Maam Sandra" giving him the assurance,ayaw ko din na sumusuway sa aking ama.

Maayos ang pamilya namin,family oriented at kapag linggo yun ang family day namin dahil kami at sama-sama..

"Salamat anak,ayaw ko kaseng pinapiyestahan ka ng mga tao"lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Oy ano yan,sama ako"yumakap din si Mommy.

"Bakit di kayo nag aaya may group hug pala dito"nakangiting bungad ni Kuya Jacob na kararating lang nito galing ng trabaho,Bukod sa pagiging Youth Pastor nito ay may negosyo din itong pagawaan ng cake ang Jacobs Homemade Goodies.

Matangkad si Kuya Jacob,maputi at di maikakailang gwapo ito,Maporma ito magdala ng damit,dagdag points pa na isa siyang lingkod ni Lord,kaya naman madaming nagkakagusto sa kanya na babae.Thirty eight na ito pero wala padin itong matipuhang babae.

"Bakit anong drama ng bunso namin?" sabay nakipagyakapan ito sa amin.

"Wala kuya,si Dad kase ang drama" sabay kaming nagtawanan..
This is a perfect family for me,we love and care each other..

_______

"Bestie habol nalang ako sa reception ha,dalawang shoot pa kase,last contract ko na sa sandras clothing alam mo naman na ayaw na ni Dad na mag stay ako sa modeling" saad ko sa bestfriend kong si vhiel habang kausap ito sa cellphone

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo niyan? Kelan ka uuwi ng Isabela,sabay ako sayo."

"Yeah matagal ko din pinag isipan atsaka para kay Dad,ayaw na din nya masyado daw daring yung mga dresses na minomodel ko,alam mo naman yon napaka conservative" mahina kong tawa. "Usap nalang tayo mamaya diyan,need to go,start na ang pictorial"

"Okay wait kita dito,bye"

Matapos ang huling pictorial ko sa Sandras Clothing nagbyahe kami papunta ngayon dito sa Pangasinan nakisabay nalang ako sa mga empleyado ni Tita sandra na aattend sa Wedding ni Ms.Lj at Emay.

Hindi ko na naabutan ang seremonya,napangiti ako ng makita ko kung saan nakapwesto sila Vhiel..

Napatawa ako ng mahina ng makita kong nakadaop ang dalawang palad ni Rich sa kanyang dibdib,halatang maliit lang ang hinaharap nito dahil sa pagiging slim ng katawan.

Hindi maikakailang maganda din ito pero tssk sayang nga lang pumapatol sa babae.

"Hel--"napatawa na ako ng tuluyan dahil sa may papiga pang ginawa si Rich sa kanyang dibdib "Hahaha anong ginagawa mo Rich,Why your squeezing your bre*st"?

Halata ang pamumula ng mukha nito siguro dahil sa hiya.

"Baka daw lumaki na" pabiro namang saad ni Vhiel,tinapunan nalang ng masamang tingin ni Rich ang kaibigan..

Sabay sabay nalang kaming nagtawanan dahil sa pag irap ni Rich sa mga kaibigan..

"Sure ka na ba talaga sa plano mong dina itutuloy ang pagmomodelo?" tanong ni Vhiel,na ngayon ay nakaupo kami at gumagawa ng castle gamit ang buhangin..

Possessive CEOWhere stories live. Discover now