Chapter 5

483 17 0
                                    

Chapter 5

***Rich Sinsuat***

"Brad kung paglalaruan mo lang si Chelsia itigil mo na yan kung ayaw mong mag friends over kayo ni Vhiel" saad ni Lj habang naglalagay ng wine sa baso. "And take note,childhood bestfriend nya yun,siguradong hindi ka itotolerate kapag sinaktan mo yung kaibigan niya" dugtong nito sabay abot sa basong may laman na wine.

"Hindi ko naman paglalaruan brad,masaya ako kapag nakikita ko si Chelsia" tugon ko,matapos konginumin ang wine na binigay nito.

"Eto na request nyong fried chicken" bungad ni Emay na dala ang isang bucket ng chickenjoy,malapit lang dito ang fastfood kaya siya na ang lumabas para bumili.

"Buti napadaan ka dito,namimiss ka na din nitong si Lj..babalik din kami ng pangasinan next week,sakto din magbabakasyon ata si Vhiel dito sa pinas and sad to say wala na daw ang lola niya" malungkot na wika ni Emay.

Halos sabay kaming napatingin kay Emay..

"Kailan?.kanino mo nabalitaan?" halos sabay naming tanong ni Lj.

Bahagya kong hinilot ang aking noo pababa sa aking sintido.Nakaramdam ako ng lungkot,dahil alam naming mahal na mahal ni Vhiel ang kanyang lola.

"Tumawag si chelsia kanina,hindi pa daw alam ni Vhiel,she's expecting that Lola Mer is still alive"

Nalungkot kami sa balita at halos sabay kaming mapabuntonghininga ni Lj.

"So anong plano mo ngayon,liligawan mo ba si Chelsea?" pag iiba nito para hindi kami makaramdam ng lungkot.

"Hindi ko pa alam eh,ang ilap niya masyado" saad ko sabay inom ng wine.

Kumuha si Lj ng isang  friedchicken at kinain ito.

"Alam mo mahihirapan ka diyan,maghanap ka nalang ng iba.Bakit hindi mo nalang seryosohin si Terre o kaya si Aira diba patay na patay mga yon sayo"

Inirapan ko ito."Hindi sila worth it na seryosohin himaharot lang naman ako ng mga iyon"

"Ang sabihin mo babaera ka lang talaga" pang aasar nito.

Marami pa kaming napagkwentohan bago ako nagpaalam.

"Tatawag nalang ako kapag dumating na si Vhiel para madamayan manlang natin siya bago kayo bumalik ng pangasinan" wika ko sa dalawa bago ako pumasok sa kotse.

Tumango si Lj at kumaway naman si Emay.

____
Ng mabalitaan naming nakabalik na si Vhiel ay agad namin itong pinuntahan sa lamay ni Lola Mer.Ramdam namin ang lungkot at sakit sa kanya kahit hindi niya ito ipahalata .

"Hoy Rich,balita ko pinopormahan mo daw si Ava?" tanong ni Vhiel at tinaasan ako ng kilay.

"See" nakahalukipkip namang segunda ni Lj

"Hindi pa naman gayyem,balak ko palang" wika ko.

"Im not into girls Ms.Rich,kaya huwag mo ng balakin" agad akong napalingon dahil sa babaeng sumingit.
Namula ako ng magpagtantong si Ava ito.

"Malay mo tayo talaga " sabay kindat ko sa kanya.halata ang pagkadisgusto niya sa akin dahil parang nandidiri ito.
Nakakachallenge lang.

"For the first time brad,may gusto ka hindi naman gusto" pang aalaska ni Lj.

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi atsaka tumingin kay Ava.
Napaismid naman si Vhiel

"Ano yan nang aakit?" pigil na sa psg ngiti nito.Napansin ko ang tila pagka iritable ni Ava.

Akmang lalapit sana ako sa kinauupuan nila ni Vhiel ng biglang may humiyaw malapit sa kabaong ni Lola Mer.

"Lolaaa Mer,bumangon ka diyan,andito na ako...lola patawrin mo po ako kung hindi man ako nakakadalaw" hagulgol ng isang babae habang yakap yakap ang kabaong ng yumao.

Nag iba ang mood ni Vhiel na tila galit sa babae.Napansin ko ang tila paghagod ni Ava sa likod ng bestfriend nito.

"Ahm Lj tara muna sa labas mas malamig sa silong mangga" aya ni Chelsia na halatang iniiwas niya ang kaibigan sa babaeng umiiyak.

"Eh ako hindi mo ba ako aayain?" ani ko na kunwariy nagtatampo.

"Malaki ka na alam mo naman sigurong sumunod at malakad " pabalang nitong sagot.

"Di mo bagay mag pabebe" bulong ni Lj kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ouch "

"..."

"Babalik din ako ng ibang bansa kapag nailibing na si Lola" ani ni Vhiel.

"Paano ang bahay ng lola mo?" -Lj

"Oo nga sino ang titira dito?" baling ko naman

"Mag ha-hire nalang muna ako ng caretaker " ani nito.

Ganun nga ang nangyari bumalik si Vhiel sa ibang bansa ng mailibing si Lola Mer at ako parin ang namahala sa department store nito,na ikinatuwa ko naman dahil araw araw ko paring makikita si Ava.

"Good morning Ava" bati ko ng mabungaran ko siyang nag aayos ng display sa glass cabinet

"Goodmorning din Maam" hindi tumitinging tugon nito.

Lumapit ako sa kanya pero umalis ito at kunwari may kinuha sa kabilang parte ng glass cabinet.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Alam mo naman pala Maam bakit ka pa nagtatanong" ani nito.

"Rich,asan ka!!" matinis na sigaw ang nagpalingon sa akin

"Sh*t" Agad akong tumakbo sa gilid na kung saan naroon si Ava at hinila ko siya para mapayakap sa akin.

Mabuti nalang at hindi ako naka dilaw ngayon naka while polo ako at black slack na hindi ko naman gawaing magsuot ng ganito.
Binago ko simula tinatawag akong Persident cory notong Ava na ito.
Ramdam ko ang init ng hininga nito sa aking leeg na nagpakatindig ng aking balahibo.
Ang bango din niya at parang ang sarap niya yakapin buong maghapon.

"Maam,Ano ba!" mahina at madiin niyang reklamo

"Just a few minutes,please" may pagmamakaawa kong saad.

Pero itinulak niya ako kaya napaatras ako.

"Miss andito si Ms.Rich" sigaw nito sa babaeng pababa na sana pero bumaling ito at nakita ko ang nanlilisik nitong tingin.

Sinamaan ko naman ng tingin si Ava dahil sa ginawa niya.

"Nakakainis!" mahina kong sambit narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Babaera" mahina lang din niyang sambit pero dinig ko iyon kaya nilingon ko siya.Bigla niyang natutop ang kanyang bibig na tila kinabahan.

Napangisi naman ako,mamaya ka lang..

Possessive CEOWhere stories live. Discover now