Chapter 8

413 13 0
                                    


***Rich Sinsuat***

Pilit kong ipinagtutulakan si Terrie ngunit mas lalong humigpit ang kapit nito sa akin.Akmang hahalikan niya ako pero inilihis ko ang aking mukha kaya sa paingi niya ako nahagkan napalingon ako sa puntuan ng biglang may nahulog.

"Ava" ani ko pero mabilis ito tumalikod at umalis.

Hinabol ko ito,bigla tuloy akong nahimasmasan na tila nawala agad ang lagnat ko.

"Ava..wait magpapaliwanag ako" hingal kong habol ngunit inirapan lang niya ako atabilis na sumakay ng kotse.

Pagbalik ko ay nakadamit na si Terrie,masama ko itong tinitigan.

"Terrie tigilan mo na ang kahibangan mo,wala na tayo at lalong walang tayo okay?" galit ko na siyang tinitigan at nagsuot ng maong na pantalon,yellow tshirt na may maliit na logo ng nike sa kanang bahagi at mabilis kong dinampot ang susi ng aking kotse

"Saan ka pupunta babe..wait..ano ba" sigaw nito,lumingon ako.

"Pagbalik ko wala ka na dito,ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo" matalim kong tinitigan bago ako tuluyang umalis.

Nagtungo ako ng Department store at nadatnan ko si Lj na abala sa kausap sa telepono.

"Bakit andito ka na brad,magaling ka na ba?" tanong nito.

"oo brad,pwde ka ng umuwi para makapagpahinga"

"Pinapunta ko lang si Ava sa unit mo magaling ka na agad"nakangisi nitong saad.

"Hays,brad bakit mo kase siya inutusan hindi mo manlang ako tinawagan para alam ko,napang abot tuloy sila ni Terrie" naiinis kong wika habang nakapamulsa.

"Yan kase dapat magbago ka na kung talagang interesado ka kay Ava,pinakaayaw pa naman ni Ava ang babaero" sambit nito sabay ngisi.

"Brad nagbago na nga ako eh kaya pinupursue ko si Ava kase siya talaga ang gusto ko" seryoso kong tugon.

"So after ng seryosong relasyon mo kay Luisiana ready ka na ulit makipag relasyon ng seryoso,What if babalik si Lui ititigil mo na ba ang kabaliwan mo kay Ava?" paniniguro nito.

Hindi ko alam ku g anong isasagot ko sa tanong ni Lj.Huli at unang naging gf ko na seryosohan talaga ay si Luisiana pero naghiwalay kami dahil nakatakda siyang ikasal sa lalaki at fixed marriage yun kaya wala siyang nagawa kundi sumunod sa gusto ng magulang.Doon na din nag umpisa na hindi na ako magseseryoso pa sa babae.Naging pampalipas oras ko nalang para makamoveon sa nangyari sa amin.Hanggang sa nakilala ko si Ava at desidido akong makuha ko siya.

"Brad ..im sure about Ava at gagawin ko ang lahat mapa ibig ko lang siya" ani ko na punong puno ng pag asa.

"Ang drama mo hindi mo bagay,siya mauna na ako baka nag hihintay na si Emay sa labas at goodluck brad seryosohin mo yan" natatawang sambit nito.

Pagkaalis nito ay agad akong umakyat sa second floor kung saan nag kakahera si Ava.

Pero pagdating ko ay naka break pala ito kaya sinundan ko siya sa canteen na nasa 4rth floor.

Pagdating ko doon ay may kausap itong lalaki na mukhang nakikipag kilala.

"Oo bago lang ako dito,lagi kitang nakikita sa second floor nahihiya lang akong lapitan ka kase andun ung boss " medyo mahinang saad ng lalaki.

"Lhoy nga pala" abot nito sa kamay.Pero ako ang tumanggap sa kamay nito ng akmang makikipagkamay si Ava.

"Rich Sinsuat" seryoso kong saad at medyo mahigpit kong hinawakan ang kamay nito.

"Ah..hehello Maam Rich" mapait ang ngiting baling nito at pilit na hinila ang kamay at mabilis na umalis.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Ava naupo ako sa upuan na nasa harap nito.

"Hindi mo manlang ba ako aayaing kumain" nakangisi kong tanong sabay kindat.

"wala dito ang menu Maam,andoon..self service dito" sabay nguso nito sa mga paninda.

"Baka pwde mo akong kunan?" naglalambing kong tugon.

"Maam..kahera ako dito at hindi waiter" irap nito at tumayo na bitbit ang disposal plate at idineretcho sa basurahan.

"Suplada naman" bulong ko.

Kumuha siya ng bottled water at tuluyan na itong bumaba pabalik sa station nito.Napabuntong hininga nalang ako.Ito ang unang beses na nahirapan akong makuha ang babaeng gusto ko.Mas lalo tuloy akong nachachallenge.

Ilang buwan pa ang lumipas ay ganon parin ang pakikitungo ni Ava sa akin.Nabalitaan ko itong may apartment ito malapit sa department store kaya palagi ko na din siyang hinahatid sundo wala naman siyqng nagagawa dahil mapilit ako.

"Maam Rich ilang beses ko ng sinabi sayo na walking distance lang naman qng store kaya hindi mo na kailangan magpunta pa dito tuwing umaga.Nauubos na kape ko kase sa sobrang aga mo dito ka paagkakape at mag aalmusal" litanya nito,dahilan para mapatawa ako.

"Kaya nga dinalhan na kita ng groceries" sabay abot sa mga hawak kong plastic bag.

"Bahala ka nga" ani nito at dumiretcho na sa kusina.

Naghain na ito sa mesa. "Ayan mapurga ka sa itlog,ikaw yung chef sa ating dalawa pero ako ang tagaluto ng  pagkain mo" nakairap nitong reklamo.

"Sige bukas ako ang magluluto ng almusal natin" nakangiti kong saad.

"Wala ng bukas dahil hindi ka na pupunta dito bukas wala ako dito uuwi ako ng bahay kaya wala kang madadatnan" ani niya.

Pero hindi ako naniniwala alam kong nagsisinungaling lang ito.Kaya maaga parin akong ngtungo sa apartment niya alas singko palang nasa labas na ako na  tinutuluyan nito.

Alam kong magjojoging siya at 5:30 balik niya hindi nga ako nagkamali katatayo ko palang sa pintuan nito ay bumukas na at  ready na ito para sa jogging routine niya.

"Anong ginagawa mo dito"kunot noo itong tumingin sa akin.

"Sige na,magjogging ka na ako na bahala dito"tuloy tuloy na akong pumasok napangisi ako ng marinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga.

Makalipas ang trenta minutos ay bumalik na ito.Nakahanda na din ang mesa at inayos ko pa talaga.

Pagpasok niya ay napaawang ang labi  nito habang nakatingin sa mesa at lumipat ang tingin sa akin.Ngumiti ako at ipinaghila siya ng upuan para makaupo.

"Nqgustuhan mo ba?" may malambing na tono kong tanong habang nasa tabi niya ako Napansin ko ang tila pamumula ng mukha nito.Kinikilig ba siya.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now