Chapter 18

542 19 0
                                    


***Rich Sinsuat***

"Oh hello,anong kailangan mo" inis kong sinagot ang tawag ni Lj.

"Bakit parang galit?" wika nito.

"Paano naman kase storbo ka eh"

"Bakit ba kasi biglaan ang akyat nyo papuntang baguio" reklamo nito mula sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako.

"Nasa marketing department yung taong gusto ng ama ni Ava na mapangasawa niya.Gusto kong gawin ang lahat para mapasagot si Ava bago kami bumalik ng pangasinan" saad ko.

"Abah,yang the moves mo brad kinukuha mo sa santong paspasan" pangangantyaw nito.

"Wala akong laban sa mga lalaki brad,paano kung mapilit siya ng Dad ni Ava,atleast gumawa ako ng paraan pra hindi ko pagsisihan balang araw".

"Basta huwag mo siyang sasaktan brad alam mo kung gaano ka precious yang babaeng gusto mo ngayon" wika nito.

"Oo babalik na si Vhiel nxt week and babalik na ako ng hotel kaya alam kong bihira na kaming magkikita pa ni Ava kapag nangyari iyon,kaya ipaparamdam ko na yung best ko para maging gf siya bago kami bumalik para kahit hindi ko na siya nakikita alam kong akin na siya" mahaba kong litanya.

"Sige brad goodluck sana nga mapasagot mo siya,kung busted ka talaga malapit lang naman ang condo shot puno nalang natin" pang aasar nito bago ibinaba ang tawag.

Tatawag lang para mang asar.

Pagbalik ko ng kwarto ay tulog na si Ava,mahimbing na itong nakapikit.
Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ito.

"Hindi ko akalaing maiinlove ako ng todo sayo,nagawa kong umiwas sa mga babae simula nakilala kita sana hindi ikaw ang magiging karma ko" napakagat ako ng labi sa naiisip.

Matapos kong maghalfbath ay nahiga nadin ako at tinanggal ang unan na yakap yakap ni Ava atsaka ko iniyakap siya sa akin.
Dinampian ko ng halik ang noo nito bago ako tuluyang pumikit.

Naramdaman ko ang unti unti nitong paggalaw at ang dahan dahan nitong pag alis sa kamay niyang nakayakap sa akin pero bago pa niya iyon matangal ay hinawakan ko ito at dinagan ang isa kong kamay.

"Just hug me" nakapikit kong saad.

Ramdam kong tinitigan niya ako kaya kunwari ay nahilik ako.Hanggang sa maramdaman kong isiniksik nito ang kanyang mukha sa pagitan ng aking balikat at leeg at humigpit ang yakap nito.
Sumaya ang aking puso sa kanyang ginawa

______

Maaga akong bumangon para tulungan si Lola na mag prepare ng breakfast.Tulog padin si Ava,inayos ko ang kumot nito bago ako lumabas ng kwarto.

"Magandang umaga lola" bati ko

"Bakit ang aga mo,diba nga kaya kayo ngpunta dito para magrelax" kinuha nito ang platong may lamang bahaw at inilagay sa palayok.

"Lola ako na maghalo niyan" prisinta ko.

"Sige at ng matikman ko naman ang luto ng paborito kong chef"masayang saad ni Lola.

Matapos kong magluto ay pinakain ko na si lola  bago ko hinatiran ng breakfast si Ava.

"Bakit mo pa dinala dito,pababa naman na ako eh" bungad nito habang nagsusuklay.

"Akala ko kase hindi ka bababa ,kain na mamasyal tayo sa farm nila lola" nakangiti kong sambit.Naupo ito sa upuan.

Nilagyan ko ng sinangag ang kutsara at isinubo sa kanya.

"Binebaby mo naman ako eh" irap nitong saad.

"Pagbigyan mo na ako" nakalabi kong wika pero inirapan lang ako.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now