Chapter 6

521 17 1
                                    

Chapter 6

*** Chelsia "Ava" Jackson***

Matapos mailibing ang lola ng aking kaibigan ay bumalik din ito sa ibang bansa.

Kaya as usual si Rich padin ang amo ko.Naiinis na din ako sa kahanginan niyang taglay sana liparin nalang siya ng ipo ipo para mawala na siya sa aking landas nakakairita na din kase yung mga tingin niya sa akin,nakakadiri akala naman niya papatulan ko siya.
Never akong papatol at magkakagusto sa kapwa ko babae!

Lumayo nalang ako sa kanya para hindi na madagdagan pa ang aking inis pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong kabigin at mapayakap sa kanya ng may sumigaw at naghahanap sa kanyang pangalan.

"Maam ,ano ba!!" naiinis ko saad,pero lalong lumapit ang katawan nito sa akin at ganun din ang mukha,ramdam ko ang paghinga nito sa aking leeg.
Hindi ko alam pero bakit parang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maramdam ko siya kaya naman itinulak kp siya at sinigaw sa babaeng narito siya.

Natawa ako sa reaksyon ni Rich qt masama na siyang nakatitig sa akin.

"Babaera" bulong ko,pero hindi ko intensyong marinig niya iyon,lumingon ito at bigla akong kinabahan sa maari niyqng gawin.

Ngumisi lang ito at sumama na sa babaeng naghahanap sa kanya.
"Oh no!!" napahawak ako sa aking bibig baka hahalikan nanamn niya ako dahil nagsalita nanaman ako ng hindi niya gusto.

Bigla akong nataranta,kqyq naman ng uwian na ay hindi na ako ngpahuli agad kong inayos ang mga gamit ko at mabilis na bumaba pero mukhang nauna ng lumabas ang aking mga kasamahan at tanging ako nalang ang naiwan at ang guard na nasa labas para magsara.

Tuloy tuloy ako sa pagbaba ng sa huling hakbang ko na ay bigla akong napaestatwa dahil nag aabang na si Maam Rich at nakahalukipkip ito.
Napalunok ako dala ng kaba at takot.

"Maam,hehe andiyan po pala kayo" nakangisi kong tanong.

"Oo,at hinihintay ka" nakangisi din niyang sagot,paktay ako neto mukhang totoo ata yung sinabi niya noon na bawat di niya magustuhang sasabihin ko may halik na kapalit.
Ayaw ko ngaulit yun dahil sa halik na yun ay hindi ako nakatulog ng buong magdamag.

Humakbang ito palapit sa akin kaya napaatras ako pero tumama ang paa ko sa baitan ng hagdan dahilan para sa muntikan na sana akong mapaupo pero maagap niya akong hinila kaya sa dibdib niya ako sumubsob.

"hehe,sosorry po talaga Maam Rich" Wika ko at dahan dahan kong inilayo ang aking katawan pero hinapit niya ako sa bewang kaya ramdam ko na ang paglapat ng aming katawan,kahit may suot kaming damit ay ramdam ko padin ang init ng katawan nito.

"Maam sorry na hindi na talaga mauulit,hindi na kita tatawagin na babaera,promise po,peksman,mabungal man ung kabit ng kapit bahay namin" nakangiwi kong saad.

"Alam mo bang ang ganda ng mapula mong labi?" wika nito habang nakatitig sa aking labi.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil sa unti unti nitong paglapit ng kanyang mukha.

Napakagat ako ng aking labi at habang papalapit ay lumalayo naman ako.Hangga sa mapansin ko ang isang butiki na nasa kisame.Nakaisip agad ako ng paraan.

"Maam ma-may butiki"pagkarinig nito ay agad niya akong binitawan dahilan para mapaupo ako sa baitan ng hagdan.

"Aray!,Maam naman" reklamo ko.

"Sa-an ang butiki,yan oh pababa na"ani kaya mabilis akong tumayo para kumuha sana ng pamalo pero mabilis ding kumaripas ang butiki papunta sa kinatatayuan ni Maam Rich na dahilan para mahihiyaw ito.

"Tulong ,tulungan niyo ako...,Ava please iligtas mo ako!!.." nakapikit na itong umiiyak at nakayakap sa kanyang sarili Parang nasemento na ang paa dahil diretcho lang siya sa tayo.

Dali dali namang pumasok si manong guard at hinanap ang butiki pero mabilis din itong nawala.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa dahil sa itsura ni Maam Rich.
"Anong nginingisi ngisi mo diyan?" nakairap na tanong nito.

"Wala po Maam,butiki lang pala ang katapat mo eh" wika ko at mabilis ko na siyang iniwan sa parking lot at tinungo ang kotse ni Kuya Jacob.

"Hindi pa tayo tapos Ava,may utang ka sa akin" sigaw nito.
Nilingon ko siya at nginisian

"Umuwi ka na Maam madaming butiki dito sa parking lot kapag gabi " sigaw ko,at nakita ko ang mabilis nitong pagpasok sa kanyang kotse.

Naiiling nalang ako at tawang tawa.

...

Possessive CEOWhere stories live. Discover now