Chapter 12

428 17 0
                                    

***Chelsia Ava Jackson***

Ilang araw na rin simula andito ako sa main company ng RJV,medjo nanibago ako noong una dahil sibrang laki na pala ng building na ito at nasa mahigit limangdaan na ang empleyado.

Iba pa ang mga empleyado sa kabilang building buti nalang may mga escalators hindi na nakakapagod maglakad kapag may ihahatid sa opisina ni Maam Lj isa din kase siya sa mga nagsusurpervise dito hanggat hindi pa dumarating ang Acting CEO.

"Hoy Ms Jackson ang lalim naman ng iniisip mo"tapik ni Nicole sa akin na nasa tabi ko lang.

"Iniisip ko lang kase pinagdugtong dugtong na pala ang building ng mga trios,dati walang mga overpass na tawiran palipat sa kabilang building" ani ko.

"Oo halos katatapos nga lang dun eh" sagot naman nito.

"Sino kaya magiging boss sa loob" nguso ko habang nakatingin sa malaking pintuan kung saan iyon ang opisina ng CEO.

"Sabi naman ng guard kanina meron na daw pumasok na kanina ang aga nga daw eh" wika naman ni Nicole habang busy ito sa pag eencode.

"Kinakabahan ako,paano kung mainitin ang ulo,si Vhiel mainitin ang ulo nun kapag madaming iniisip buti nga magkaibigan kami less ung sermon na natatanggap ko dati doon" kagat ng pang ibaba kong labi.

"Pansin ko din yan ,kase madali siyang mairita siguro hindi naman ganun yung proxy niya,kaya pumasok ka na madami ka pang ididiscuss sa kanya" napabuntonghininga ako bago ko kinuha ang tablet kung saan nakasulat ang mga schedule nito.

Tumayo ako at tinungo ang pintuan ng opisina ni Ms.CEO,medyo kabado pero kailangan kong tibayan ang loob ko kailangan ko ng pera ngayon dahil nagsara nadaw ng restaurant sila Dad dahil sa pambabatikos ng mga tao sa kniya.

Kumatok ako bago ako pumasok.

"Goodmorning Maam" bungad ko sa babaeng nakayuko,nakataas ang buhok nito at naka puting polo na bahaguang bukas sa may dibdib.

Unti unti nitong iniangat ang mukha at napaatras ako ngapagtanto kung sino ang acting CEO na sinasabi nila.

"Ikaw?" napangiwi kong saad.

"Yes,Miss Jackson?may problema ba?" nakangisi nitong tugon.

"Wa-wala po,eto na na po yung report sa marketing" sabay lapag sa isang folder.

"At mamayang 9am may meeting ka kay Mr.Lastimosa sa Antons coffeeshop,2pm meeting with the boardmembers" pagpapatuloy ko.

"Wait agad agad?kararating ko palang eh..Hmm hindi mo ba ako namis?" malawak ang ngiti nitong nag aabang ng aking sagot.

"Ms.CEO,narito tayo para magtrabaho,narito ka din para gampanan ang trabaho mo hindi para mambabae..kung wala na po kayong ipag uutos lalabas na po ako"seryoso kong saad at mabilis akong lumabas.
Hinawakan ko ang aking dibdib ang lakas ng kabog nito sa hindi malamang dahilan.

"Oh anong nangyari,bakit namumutla ka diyan?pinagalitan ka ba?"agad na tanong ni nicole ng makabalik ako sa aking mesa,nakatingin din sa akin ang ibang empleyado na nag aabang ng aking sagot.

Kinagat ko ang aking dila bago nagsalita.

"Si Ms Rich yung nasa loob" dismayado kong sagot.

Napansin ko ang tila pagkagising ng dugo nang ilang empleyado,sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi lalong lalo na si Nicole.

"Mabait yon Ava at ang ganda pa niya" kinikilig na wika ni Carla.

"Oo nga mabait kaya yon bakit ka dismayado diyan,tsaka crush yon ng bayan ang hot kase niya" ani naman ni Nicole.

Napangiwi nalang ako saga reaction nila.

"Ang swerte ko naman araw araw mo siyang makakasama at matitigan ang maganda niyang mukha"wika naman ni Agnes habang hinihintay ang piniprint nito.

Kumunot ang noo ko.

"Bading ba kayong lahat?" nakairap ko ng tanong.

"Straight ako ah,pero kung gaya ni Ms Rich ang manliligaw,handa akong magpabaliko mas baliko pa sa protactor" malanding tugon ni Carla.

Nailing nalang ako sa mga ito.Anong meron kay Rich at bakit nahuhumaling sila sa kanya.

Biglang natahimik ang lahat ng bumukas ang pintuan ng opisina nito,halata sa mga empleyado ang pagpapacute sa babaerong CEO.

Nagfocus nalang ako sa aking ginagawa.

"Hello Maam" halos sabay sabay nilang bati pagkatapat nito sa amin.Yumuko lang ako bilang paggalang.

Tinaas nito ang kanyang kamay response nito sa pagbati.

"Ang ganda niya talaga" bulongan ni Carla at Nicole.

Ewan pero nakaramdam ako ng pagkairita dahil sa lantarang pagpapakit ng motibo sa CEO.

"Ms Jackson,sumama ka sa akin para marinig mo ang mapag uusapan namin ni Mr.Lastimosa" wika nito at inilapag ang isang folder.
Agad naman akong tumayo at kinuha ang tablet at folder na inilapag nito.

Mabilis ang lakad nito kahit naka heels pa siya,eto yung mahirap sa secretary kailangang makipag sabayan sa bilis ng lakad ng boss.
Pumasok na kami sa elevator at pinindot nito ang groundfloor kung saan ang parking lot.

Iniabot nito sa akin ang susi ng kanyang dilaw na kotse.

"A-ko ang magdadrive?" kunot noo kong tanong.

"Uhm,bakit may problema ba?" tila irita nitong sagot.

"Wala po" kinuha ko ang susi at pumasok sa driver seat.

May kinuhang box ito sa likod ng  upuan,isang box ng donut na choco flavor.

"Gusto mo?"

"Busog pa po ako katatapos lang kase nagsnack kanina"ani ko.

Dahil sa kaba ay agad kong maapakan ang accelerator kaya nabangga ito sa garbagge box na nasa gilid.

"So-sorry Maam" nahihiya kong saad ngunit pag tingin ko ay nakasubsob na sa kanyang mukha ang box ng donut kaya nataranta akong kunin ito.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha nito.

"Pasensya na po Maam" taranta kong inalis ang mga nagkalat na topings sa damit nito mabuti nalang mukha lang niya ang nadumihan at hindi ang damit nito.

"Mag ingat ka naman" masungit nitong sambit.

Hindi na ito umimik hanggang sa matapos ang meeting kay Mr.Lastimosa.Bumalik kaming tahimik padin ito.

"Ano nangyari kay Maam bakit parang hindi maganda ang mood" agad na tanong ni Carla,habang nakatingin lang si Nicole at naghihintay ng sagot.

"Nagbangga ko sa basurahan yung kotse niya" napakagat ng labi kong wika.

"Whaaat?" halos sabay nilang bulalas.

Akmang magsasalita sana ako ng may dumating na babae.

"Andiyan ba si Rich" nakangiting tanong nito.

"Ah Yes Maam,may appointment po ba kayo sa kanya?" tanong ko.

Lumapit ito at ngumiti." wala pero nabalitaan ko kasing andito siya ngayon kaya gusto ko lang sana siyang makausap kung pwde"

"Magseset nalang po ako ng schedule para makausap niyo po ang CEO,may schedule meeting pa kase siya mamaya" ani ko.

"Hindi naman siya magagalit kaya papasok nalang ako" at dumiretcho nalang sa loob.

"Ahmm Miss Wait" pagbabawal ko pero nakapasok na ito.

"Maam pasensya na po mapilit siyang pumasok"

"Its okay kilala ko siya,pwede mo na kaming iwan" malamig nitong sagot.

Paglabas ko ay kita ko ang lungkot sa mukha ni Nicole.

"Bakit ganyan ang mukha mo Nics,parang di maipinta" kuryoso kong tanong

"Ex yon ni CEO,mukhang magkakabalikan pa ata"malungkot ang boses nitong tugon.

Bakit bigla akong nakaramdam ng tila may tumusok sa aking dibdib.
Bakit ganon hays...

Possessive CEOWhere stories live. Discover now