Chapter 10

448 15 0
                                    


***Chelsia Ava Jackson***

Naging maayos ang buong maghapon,hindi naman ako masyadong kinulit ni Ms Rich ngayon dahil marami siyang trabaho ngayon.

"Ava,si Miss Vhiel nasa line" pabatid ng isang saleslady na mula sa first floor,pwede naman nilang itawag para hindi na mag akyat baba may pagkasuplada kase yung visor nila.

Agad kong inangat ang auditibo.

"Hi Fren,kumusta ka diyan" bungad ko.Dinig ko ang pagbuntonghininga nito.

"May problema ba?" muli kong wika

Muli akong nakarinig ng pagsalin ng tubig sa baso at uminom ito.

"I tatransfer kita sa Pangasinan next month at sa opisina ka na maglalagi,Kailangan ko ng mata doon para mabantayan ang mga financial report sa buong branch ng department store" seryoso nitong wika.

" Hindi naman sa branch dito ang may problema noh?" naguguluhan kong tanong dahil ako ang gumagawa ng finacial report ng RJV Isabela branch.Napalingon ako kay Rich,sa kanya ko binibigay ang lahat at posible namang di pumapasok ang pera dahil mismong  ang mga tauhan ng banko ang nagpupunta dito sa tuwing friday para kunin sa pagdeposit ng pera sa account ng RJV.

"Wala diyan,isa pa madaming competitor ngayon at yung mga target natin ay tinatarget din ng kalaban natin sa negosyo kaya maiging sa main office ka na maglagi para malaman mo kung sino ang  naglalabas ng mga marketing strategy ng company"

Marami pa kaming pinag usapan bago nito ibinaba ang tawag.Akmang tatayo sana ako ng may maatrasan ako.

"Ouch!" sigaw nito.

"Maam Rich,sorry po hindi ko po alam na andiyan ka" mabilis ko itong tinulungang tumayo dahil napaupo ito ng maitulak ko ang swivel chair ko at nagulungan ang paa nito.

"Bakit kase bigla ka nalang umaatras" masungit nitong sambit.

Tumayo ako at pinamewangan.

"Maam,wala po akong kasalanan ikaw tong lumapit at tumayo ng walang imik diyan tapos kasalanan ko pa ngayon ma naatrasan kita?" irap ko ding tugon dito.

Imbes na tulungan ko pa sana ito ay tinalikuran ko nalang at kukuha sana ng tubig ng makasalubong ko si Marky at ang jowa nito.
Humalukipkip ako at tinaasan ko ito ng kilay.

"Hi Ava" nakangiti nitong bati.

Sinamaan ko ito ng tingin at nandidiring tinignan.

"So,siya pala ang ipinalit mo kay Kuya?" sarkasmo kong saad habang hindi naalis ang tingin ko sa kanya.

"Im sorry Ava kailangan kong harapin ang responsibilidad ko,shes pregnant" makapal padin ang talaga ang mukha para sabihing buntis ito.

"Pregnant?,ang tagal nyo na ni kuya tapos biglang may lalabas na may nabuntis ka? so nagcheat ka sa kapatid ko?" biglang nag init ang sulok ng aking mata dahil sa galit ko sa lalaking kaharap ko at dahil sa awang nararamdaman ko para sa kapatid ko.

"Im so---" isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito.

Bahagya niyang sinapo.

"Ava,whats wrong?" agad akong hinawakan ni Rich sa braso.

Galit ko ulit na binalingan si Marky at idinuro ko ito.

"After all Marky?,Alam mo ba ang isinakripisyo ng kapatid ko para sayo...alam mo bang nawalan siya ng lisensya sa pagkapastor para lang sayo,pinili ka niya over our parents,mas pinili ka niya kaysa ang magpatuloy sa pagsisilbi sa simbahan...pero anong ginawa mo!" nanginginig ang boses kong asik dito.Ramdam ko ang pagpisil ni rich sa braso ko kaya hinaklit ko ito para mabitawan niya.

"Pinili ka niya,iniwan niya ang lahat lahat tapos niloko mo lang,iniwan mo lang ng ganon?" ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko ,pag iinit ng aking mukha dahil sa hindi ko mailabas ma galit.Akmang itutulak ko sana ito ng hawakan ako ni Rich.

"Enough,pinagtitinginan na kayo ng mga costumer" bulong nito.

Bumaling ako sa kay Rich at masama ko din itong tinignan.

"Bakit kase ang dami ninyong hindi nakokontento sa isang tao lang" ani ko at mabilis na umalis.

"Kita mo ikaw lang yung nag cheat pero nadamay nanaman kaming mga mababait at loyal" dinig ko pang sambit ni Rich.

"Tsk loyal mo mukha mo" bulong ko sa sarili.

Sa inis ko ay hindi ko na kinausap si Rich kahit pa may tinatanong ito.Ewan ko pareho lang naman sila ni Marky.

"Hey,hindi mo ba talaga ako kakausapin?" takbo nito habang  hinahabol ako.

Pero nahabulan niya ako at bigla akong hinapit sa baywang dahilan para mapaharap ako sa kanya masubsob sa kanyang dibdib.

"Si Marky lang yon bakit pati sa akin parang dinamay mo,alam mong gusto kita at magbabago ako para sayo.Mula ngayon wala ng babaeng makakalapit sa akin " aniya habang nakayakap sa akin.

Nang mahimasmasan ako ay itinulak ko ito.

"Alam mo Maam,kung gusto mong magbago,baguhin mo ang sarili mo dahil yun ang gusto mo hindi dahil sa ibang tao" ani ko at pairap itong tinalikuran.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now