Chapter 11

522 20 2
                                    


***Rich Sinsuat***

"Brad,hindi ko alam na ganyan pala ang plano ni Vhiel" saad ko mula sa screen ng cellphone habang ka video call si Lj.

"Sinabihan niya ako na sabihin ko nalang daw sayo,tinatawagan ka daw kanina pero hindi mo sinasagot" tugon nito.

"Nasabi mo bang gusto kong ligawan si Ava?"

"Oo pero parang hindi naman siya tutol,basta ang sabi lang niya tatanggalan ka ng ut*ng kapag niloko mo ang bestfriend niya" tawang tawa na sagot nito.

Napakamot ako ng ulo." Ang harsh talaga ng taong yun" naiiling nalang akong nakitawa narin sa sinabi ni Lj habang hawak ko amg aking dibdib.

"Wala na ngang laman " sabay masahe ng aking bundok at pumikit bahagya

"Kadiri ka talaga,hindi ka ba nahihiya sa asawa ko tinitignan ka oh " napadilat ako ng mata at nakita ang tawang tawang mukha ni Emay.
Ngumiti nalang ako na parang aso.

"So kelan kayo luluwas ni Ava,maigi na din kung dito kayo sa pangasinan,para mabantayan mo din yung RJV hotel,hindi ako masyadong nagagawi doon mga tauhan nalang ng company ang inuutusan ko kapag may mga problema" mahaba nitong litanya.

"Parang mas mahirap ata ang position na gagampanan ko sa pagiging acting CEO hanang wala si Vhiel,ang hirap pa naman sa  marketing department ang daming eme eme,buti sa hotel kabisado ko na" reklamo kong saad.

"Sabi naman niya kung ayaw mo si Ava nalang ang ipadala mo sa pangasinan at maiwan ka diyan sa isabela,Atsaka hindi ka naman mahihirapan dahil may background na si Ava saarketing department siya ang nakakasama noon ni Vhiel sa  Kumpanya atsaka balita ko nasa marketing department na din si Nicole diba malaki pagkagusto nun sayo"

"Hays naman,baka magselos si Ava" napahawak ako ng aking baba.

"Kapal ng face mo brad,ni wala ka ngang epekto kay Ava,oh ano payag ka ba o hindi para alam ko ang sasabhn ko sa kaibigan natin kung tatawagan niya si Mr.ong na isa sa mga coowner ng RJV Enterprises" pang aasar nito.

"Ay hindi pwedeng mahiwalay sa akin si Ava,ang ganda ganda niya baka may manligaw pa sa kanya sa opisina,buti dito nakaupo lang siya at nagkakahera  walang chansang makipag usap sa iba,eh kapag diyan sa kumpanya mismo siya papasok eh baka masalisihan pa ako,kaya sige mag Acting CEO muna ako" nakataas kilay kong saad.

"Dami mong eme eme,papayag din naman" pairap nitong sambit.

Nagkwentohan pa kami bago ko tuluyang pinatay ang tawag.
Hindi ako maka-hindi kahit alam kong may sarili din akong kumpanya,mabuti nalang hands on si Mama sa pagbisita sa hotel"

"Ava hindi kita susukuan,magugustuhan mo din ako" bulong ko sa aking sarili habang nakaupo sa swivel chair ni Ava.

Hindi na talaga siya bumalik.

"Maam Rich bakit kayo po ang magkakahera nasaan si Ava" nakakunot na tanong ni Grace ang visor ng 3rd floor.

"Tinopak umuwi na" natatawa kong sagot.

"Naku Maam baka hindi na papasok yon kase may time noon kapag galit siya ilang araw na umaabsent hanggang sa sinusundo siya ni Ms Vhiel para lang pumasok" natatawa din nitong tugon.

"Lakas naman ng toyo" pahabol kong sambit ng pababa na ito.

Maaga akong nangolekta ng mga napagbentahan at maaga ko ding tinawagan ang banko para sa ideposit ang pera.

Matapos ang trabaho ay nagpunta ako sa apartment ni Ava,pero  sarado na ang ilaw nito.mukhang wala namang tao kaya naman naisipan kong puntahan siya sa bahay ng parents nito.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now