Chapter 16

439 22 0
                                    


***Chelsia Ava Jackson***

"Ava..Ava.." hingal na habol ni Glenard.Anong ginagawa ng lalaking to dito.

Plastik akong ngumiti.

"Ikaw pala Glenard anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Sumabay ito sa aking paglalakad."Ako ang bagong employed sa marketing department,balita ko doon ka din nag tatrabaho kaya magkatrabaho pala tayo" excited nitong tugon.

Bigla akong nakaramdam ng kaba,paano kung magsumbong kay dad kapag nakita niyang binibigyan ako ng bulaklak ni Rich.

"Oh bakit ka natahimik?" kunot noo nitong tingin sa akin.

"Ahm wala Glenard masaya lang ako na may kababayan ako dito sa workplace ko" kunwari ko nalang na tugon kahit ang totoo ay hindi ako natutuwa sa presensya niya alam kong inutusan siya ni Dad na mag apply dito.

Sabay nga kaming umakyat sa floor kung saan ang marketing department.Pagbukas ng pinto ng elevator ay nakatingin ang lahat sa amin.

"Siya ba yung bagong ka opisina natin?Infairness ampogi" dinig kong bulong ni Carla.

"Good morning Ava" sabay baling sa akin,ngumiti lang ako dahil walang good sa morning ko.

"Ah Sir Leo,kayo na po ang bahala sa kanya" wika ko sa Head ng Marketing,tumango naman ito kaya dumiretso na ako sa aking mesa.

"Meron na ba si Maam?" bulong ko kay Nicole na abala sa pag eencode.

"Oo halos magkasunod lang kayo mukhang bad mood" tugon nito.

Tumingin ako sa transparent na salamin,halatang badmood nga dahil kunot ang noong nakatingin sa kanyang laptop.

Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok kumatok at pumasok sa loob.

"Goodmorning Maam,inform ko lang po kayo abput sa schedule niyo tod..." hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil pabagsak niyang binitawan ang ballpen nito.

"So yan lang ba ang pinasok mo dito?,yan ang ibubungad mo?" naiinis nitong tanong.

"Huh,eh ano pa ba ang dahilan Maam bakit ako papasok dito sa opisina mo kundi ang ipabatid ang inyong schedule sa araw na ito" kunot noo ko namang sagot.

"Hindi mo manlang ba ako kukumustahin?tatanungin kung anong oras ako nakauwi,kung kumain na ako?" malamig na tonong saad nito.Lalo tuloy akong naguluhan.

"Huh?parte ba yun ng work ko Maam?" wala sa sariling tanong ko.Tinaasan niya ako ng kila.

"Nevermind sige lumabas ka na icancel mo lahat ng schedule ko today madami akong babasahin na proposal ngayon" saad nito at inikot nito ang swivel chair niya patalikod sa kinatatayuan ko.Nagkibit balikat nalang ako.

"Manhid" dinig kong bulong nito,tumalikod nalang ako diko maiwasang mapangiti.

"nagtatampo ba siya?" saad ko sa aking isip habang di mawala wala ang ngiti sa aking labi na lumabas sa opisina nito.

Natauhan nalang ako ng makita kong titig na titig si Nicole at Carla sa akin.

"Hehe,may naiisip lang ako" nahihiya kong wika.

"Masamang pangitain yan Ava" ngising saad ni Carla.

"Mukhang may mababaliko ang daan" Ani naman ni Nicole.

"Huy kung ano ano iniisip nyo ha,walang ganun magtrabaho na nga tayo" irap ko sa kanila at nag umpisa na akong mag focus sa aking trabaho.

Hindi ko na namalayan ang oras lunch na pala.

"Ava kain na tayo" aya ni Glenard tumango lang ako.

"Hindi ka pa kakain?" muling tanong niya,sinulyapan ko si Rich mukhang walang planong ayain ako na sabayan siyang maglunch kaya tumayo na ako sumama kila Glenard.

"Eto kumain ka ng marami para tumaba ka naman" lagay ni Glenard ng karne sa aking plato.

"Hindi siya kumakain ng meat" isang boses na nagpaangat sa aking ng tingin.

"Huh,kailan pa Ava?,diba paborito mo ang beefsteak dati" nakangiting tanong ni Glenard.

"Dati yon" muling singit ni Rich.Ano bang nangyayari sa taong to.

"Ah ganun po ba Maam" nahihiyang sagot nito.

"Kakain ka na pala hindi mo pa ako inaya" malamig nitong saad

"Hehe trabaho pa ba ng secretary mo yan Maam?" sarkasmong saad ni Glenard.

Masamang tumingin si Rich kay Glenard bago ito tumabi sa akin.Maging sila Carla ay napaawang ang bunganga ng makitang  tumabi si Rich sa akin.Ngayon lang kase siya pumunta dito usually sa labas siya kumakain hindi siya kumakain dito sa canteen ng kumpanya.

"Maam kakain ka dito?"agad kong tanong dahil ramdam ko amg tensyon sa kanilang dalawa.

"Bakit masama?"

"H-indi po nagtatanong lang"matipid kong ngiti.

"Ava ako nalang magbabayad sa kinain mo" agaw pansin no Glenard.

"Hindi na, bagong employed ka pa lang atsaka na kapag sumahod ka na" wika ko.

"Libre ko na lahat ng mga kinain nyo ngayon,lahat ng narito sa canteen"biglang saad ni Rich habang nilalantakan ang kanyang pagkain.

"Hilig talagang makipagkompetensya" bulong ko tama lang na marinig niya ito.

"Ofcourse..sa negosyo kung may gusto ka ibigay mo yung best mo para makuha,kailangan mong gawin ang lahat para madeal mo yung proposal na nais mo" saaad nito sabay lagay ng lugay sa aking plato.

"Wow..talaga Maam?" agad naman paniniguro ni Carla na nasa kabilang mesa.

Ngumiti si Rich at tumango.

"Kaya crush ko eh ang bait bait" dinig ko pang sabi ng babae sa aking likod.

Napansin ko ang tila pananahimik ni Glenard pero hinayaan ko nalang ito.

"Tapos ka na?,tara na sa office madami pa tayong trabaho" wika ni Rich at inalalayan akong tumayo.Dinampot din niya ang cellphone at panyo ko na nakapatong sa mesa.

"Lets go" bahagya pa niyang hinawakan ang aking baywang,hindi ko alam kung nanadya ba para ipamukha kay Glenard na may gusto siya sa akin.

Huminto ako ng matapat na ako sa aking mesa at umupo na dito.Hindi ko na siya pinansin pa.

"Here.." abot nito sa panyo at cellphone ko.

"Salamat" diretso ang aking tingin sa inaabot nito,hindi ko sinulyapan ang kanyang mukha baka ma awkward  lang  ako.

Pasulyap sulyap ako sa transparent na salamin habang siya ay abala sa kanyang ginagawa.

Bakit ganito,gusto ko na siyang laging nakikita noong nagbusiness trip siya papuntang singapore ang dalawang araw na wala siya ay parang taon na.
Nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking sarili,parang kinikilig na ako sa twing binabakuran niya ako sa iba.

"Haist"

"Hmm okay ka lang Ava?" baling ni Nicole habang busy padin ito sa kanyang ginagawa.

"Huh,ahm oo okay lang" ani ko.

"Nahuhulog ka na ba?" walang prenong tanong nito.

Alam kong may pagkagusto din si Nicole kay Rich pero hindi lang niya ito pinapahalata,ramdam ko sa mga tingin niya sa tuwing dumarating si Rich.

"Ahm Nics paano mo masasabing gusto mo na talaga ang kapwa mo babae?" wala sa sariling tanong ko at hindi pinansin ang tanong nito.

"Kapag kinikilig ka na sa kanya,kapag may kakaiba ka ng sayang nararamdaman sa puso mo,kapag nagsimula ka ng magselos sa mga taong nagkakagusto sa kanya" napakagat ako ng labi sa sinabi nito.

"Ganon ba yun,paano kung friend lang naman pala yung nararamdaman sa isang babae"

Tumingin ito sa akin,ngumiti ito.

" ah basta" tamad nitong sagot.

"Malapit ka ng mabaliko yan ang alam ko" pahabol pa nito at muling nag tipa sa keyboard.

Napasimangot nalang ako ay binasa ang mga binigay sakin ng papeles kanina.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now