Chapter 9

408 15 0
                                    


***Chelsea Ava Jackson***

Dahil hindi na din umuuwi pa si Kuya Jacob sa bahay ay nagdesisyon nalang akong kumuha ng partment malapit sa department store para hindi na ako mahirapan pang magcommute
Pinagbawalan na din kase ni Dad na sunduin ako ni kuya.

"Hays kailan kaya matatanggap ni Daddy si Kuya Jacob" saad ko sa aking sarili habang mabagal na tumatakbo.Tagatak na ang aking pawis

"Ava!!.." napahinto ako sa pag takbo ng marinig ko ang boses ni kuya.

"Kuya Jacob?" napalingon ako at patakbong niyakap ito.

"I miss you" ani nito.

"I miss you too kuya,kailan ka babalik ng bahay"malungkot kong tanong.
Kita ko ang lungkot sa mukha nito,halos dalawang buwan na din simula nag out ito sa mundo bilang isang bisexual.

Kumalas ito sa pagkakayakap at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi na ako babalik pa Ava,alagaan mo ang sarili mo ha at pasabi kila dad at Mom mahal na mahal ko sila at patawarin nila ako sa ginawa kong kahihiyan ng ating pamilya" naluluha nitong saad.

Ramdam ko ang sakit na pinagdaraanan ni Kuya ngayon at nasasaktan din ako para sa kanya.

"Kuya kung may magagawa lang sana ako kaso ayaw makinig sa akin ni Dad"

Inakbayan niya ako at naglakad kami papunta sa isang bench,naupo kami dito at malamlam ang matang tumitig sa akin.

"Basta kung ano man ang pagdaanan mo sa buhay,kung ano man ang mga pagsubok lagi mo sanang pipiliing lumaban at tumayo sa sarili mong paninindigan" ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Aray kuya hindi ako makahinga"reklamo ko dahil sobrang higpit nito.

Natawa ito dahil sa reaction ko.

"Amoy pawis ka ambaho mo"sabay bawi nito.

"Bango ko kaya"nakasimangot kong tugon.

Ginulo niya ang buhok ko at inakbayan.

"Ahm kuya nasaan pala jowa mo,bakit hindi mo kasama?" kuryoso kong tanong ang alam ko ay magkalive in na sila simula nag out si Kuya Jacob.

Nakita ko ang pagngiti nito ng mapait at tumungin sa malayo.

"May mga pagmamahal na akala natin totoo sa ating paningin pero kapag dumaan na kayo sa pagsubok doon mo makikita kung totoo pa ba yung pagmamahal na iyon" malalim ang kahulugan nitong sambit.

Napakunot ako ng noo.

"He broke up with me" nakayuko na nitong dugtong.

"Huh?why?a-nong dahilan kuya?" medyo tumaas ang boses kong tanong.

"Nakipagbalikan yung exgf niya" kagat na nito ang labi at pinipigilang umiyak pero ng tapikin ko ng mahina ang balikat niya ay diretso na ang pagbuhos ng luha nito.

Nakaramdam ako ng galit kay Marky.

"Kuya after all?,pinili mo siya kapalit ng pagbitaw mo bilang servant ng simbahan tapos ganito gagawin sayo?" puno ng hinanakit ang boses ko dahilan para mapalingon ang ilang dumadaan.

"Calm down Ava" mahinahon padin nitong saad.Isa sa mga ugali ni kuya na hindi ko kayang gayahin ang pagiging mahinahon nito sa lahat ng bagay,kahit galit na ito ay nagagawa niyang kontrolin ang emosyon niya.
For me si Kuya Jacob ang isa sa mga may katangiang maging ideal man ng isang babae.

"Kuya hindi tama eh" ako na ang naiyak sa sitwasyon niya.

Umiling ito.

"Lahat ng bagay ay nangyayari ng naayon sa kung anong nakatadhana" nakangiti na itong tumingin sa akin at niyakap muli ako.

Wala na akong nagawa kundi pakalmahin na din ang sarili ko dahil sa inis ko sa Marky na iyon.

Hinatid niya ako sa apartment sinabi kong nasa loob si Maam Rich pero hindi na din ito pumanhik dahil pupuntahan pa daw niya so Mom At Dad.

"Kuya tawagan mo ako ha kung anong mapag usapan nyo ng magulang natin" ani ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.Maging siya ay ang higpit na  ng yakap sa akin na hindi naman niya ginagawa ng ganun katagal na yakap.Siguro dahil sa sakit na nararamdaman niya kaya ganon sya.

"Andito lang ako kuya,isang tawag mo lang darating ako" sigaw ko habang naglalakad na ito palayo.Lumingon ito at ngumiti atsaka kumaway.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa nangyari.Pagpasok ko ng bahay ay nagulat ako ng makitang nakahanda na ang mesa at ang daming nakahain.
Abala si Rich sa pag aayos ng mesa,naka polo ito ng puti na bahagyang nakatupi ito hanggang siko,nakasuot din na apron she looks sexy.

"Andiyan ka na pala,ano nagustuhan mo ba?" tanong nito sabay hila sa upuan at pina upo ako.Nakaramdam ako ng pag iinit ng aking pisngi.

Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay natutuyuan na ang aking lalamunan.

"Ang presentable naman" ani ko,nakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso kaya napatitig ako sa kanya at napakunot.
Hindi na magandang senyales ito.

"Ano nagugustuhan mo na ba ako" ani nito sabay kindat kaya napangiwi ako.

"Kapal mo naman,may kaliskis ng isda sa noo mo" ani ko kahit wala naman,kaya agad niya itong pinunasan gamit ang tissue.

"Ayan meron pa?" tanong nito sabay lapit ng kanyang mukha.Napakurapkurap ako dahil isang dangkal nalang ang layo ng mukha nito.
Medyo napaatras ako at ilang na ngumiti.

"Wa-la na" matipid kong tugon.

"Siya kain na tayo mag 7:30 na malelate na tayo"aniya.

Masarap siya magluto kaya medyo napadami ang kain ko.Matapos naming kumain ay tinulungan niya akong magligpit ng mga gamit.

Sabay nga kaming pumasok ng department store,pinagtitinginan tuloy kami ng mga saleslady.Maluwang din ang store dahil may lima itong palapag kaya madami din ang mga taong nagpupunta dito,sa firstfloor dito nakalagay ang mga groceries at ibat ibang uri ng gulay sa second floor ay mga branded dress at mga jewerly,sa 3rd floor ay mga gamit sa sa bahay like dinning table set,mga kurtina at kung ano ano pa,sa 4rth floor naman ay ang kiddie kingdom at amusent area kung saan pwedengag videoke pero bawal nga lang mag inom.

Sa bawt floor ay may area kung saan nsa gilid ang parte ng opisina ng bawat visor.

Akmang pipindutin ni Rich ang floor kung saan kami ay hinila ko ang coat nito,napakunot itong tumingin sa akin.

"Maghagdan ka para maexercise naman buto buto mo,2nd floor lang area natin need mo pang mag elevator?" irap kong saad.

"Eh ano ngayon para hindi na mapagod" aniya.

Umiling ako at inginuso ang hagdan,masunurin naman itong sumunod kahit padabog na humakbang kaya naman sumunod na ako sa kanya,lihim akong napangiti.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now