Chapter 14

431 18 0
                                    

***Chelsia Ava Jackson***

Matapos kong suriin ang mga dumating na stocks ay agad din akong bumalik sa kotse kung saan iniwan ko si Maam Rich.

"Ako nalang po ang mag dadrive" presinta ko,ramdam ko kase hindi parin okay ang pakiramdam nito bigla tuloy akong naawa.
Kinuha ko ang bottled water na binigay sa kanya.

"Uminom ka po muna" sabay abot sa tubig.

"Salamat" tila nahihiyang sambit nito,ngumiti lang ako at bumalik na kami ng opisina.

______

Halos mag isang buwan na simula nailipat kami dito sa main office.At mas lalong dumami ang oras na magkasama kami ni Rich.

Pagdating ko ng opisina ay nakita ko si Nicole na may hawak na isanng bugkos ng rose.

"Pinapamigay ni Maam Rich,ibigay ko daw sayo" ani nito,pero kita ko ang lungkot sa kanyang mata.

"Mukhang nanliligaw sayo ang CEO" dagdag pa nito.

Nagkibit balikat nalang ako.Tumingin ako sa tranparent na salamin mula sa opisina ni Rich nakatingin ito at may matamis na ngiti.

Kinuha ko ang tablet ko at pumasok sa kanyamg opisina.

"Goodmorning Maam,eto na po yung Monthly report" lapag ko sa folder.

"Wala kang schedule na meeting ngayon bukod sa nagpaset ng lunch date si Ms.Yap pakicall back nyo daw po kapag wala kang meeting ngayon " dagdag ko sabay lapag sa cellphone.

Agad naman niyang dinampot,akmang aalis na ako pero nagsalita ito.

"Hintayin mo na tong phone,ayaw kong sumagot ng tawag dito sila tatawag kapag may mga magpapaschedule ng meeting" aniya.Iyon kase ang ibinibigay naming numero zkaya pinapahawak niya sa akin,ayaw nyang ibigay ang personal number nya kahit sino ako lang at ilang mga kaibigan niya ang nakakaalam.

"Hello Louisiana,Im sorry madami akong trabaho ngayon next time nalang..Sige bye" paalam nito sa kausap.

"Sabay tayong maglunch mamaya"wika nito habang inaabot ang cellphone sa akin.

"A-ko?" paniniguro ko.

"uhm,may ibang tao pa ba dito?" taas kilay nitong sagot.

Naging consistent na si Rich sa pagbibigay nito ng flowers,hatid sundo rin niya ako sa aking unit.Hindi ko alam pero unti unti na akong nahuhulog sa kanya lalot nakikita ko ang pagbabago niya.
Umiiwas na ito sa mga babae sa tuwing may nagpaparamdam sa kanya.

"Anong nangyayari bakit kayo nagkakagulo " taranta kong tanong ng makita ko ang mga kasamahan kong abala sa pagpindot ng kanilang mga laptop.

"Paano ngyari iyon,dito lang sa marketing department ang may alam ng ganung plano pero bakit nakarating sa kanila ang gagawin nating pagtarget sa Asiana Mall" wika ni Roger

"Ms.Jackson nakuha ng competitor natin yung slot sa Asiana Mall"malungkot na boses ni Carla.

Tinignan ko sila ng isa isa.

"Ay hindi ako"ani ni Nicole.

"Mas lalo namang hindi ako" nagcross pa ang kamay ni Carla.

Ganun din amg ilan naming mga kasamahan walang umamin.

"Kailangan nating isecure yung data ng company" seryoso kong saad.

"May isusunod tayong target,at sana makuha natin yung buong first floor, on going ang renovation ng Mall na ito,kaya ihanda nyo ang mga sarili nyo dahil gusto kong makita ang mga proposal na gagawin nyo bago nating pagsasamasamahin" bigla sambit ni Maam Rich mg hindi namin namamalayang nasa likod na pala namin.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now