Chapter 19

534 21 0
                                    


***Chelsia Ava Jackson***

Matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Rich sa baguio ay bigla akong nakaramdam ng guilt sa aking puso matapos akong tawagan ni Dad.

Muntikan na daw magsuicide si kuya Jacob ayon sa Daddy kaya pinapauwi niya ako.At nakauwi na din daw si Vhiel they need me now kaya kailangan kong ayusin ang lahat ng trabaho ko bago ako uuwi ng Isabela.

Ramdam ko ang pagtatampo ni Rich pero kailangan ko siyang iwasan habang kaya pa ng sarili ko,habang hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko sa kanya,hindi maaring mahulog ako sa kanya.

"Ava,free ka ba mamaya?" tanong ni Glenard.

"Huh?Ahm madami akong inaayos ngayon eh baka overtime ako" ani ko.

"Hihintayin kita" wika naman nito.

"Hindi kayo sinasahuran ng kumpanya para magchismisan lang" gulat kaming napatingin sa nagsalita.Agad namang bumalik si Glenard sa upuan nito ng makitang masama na ang tingin ni Rich sa kanya.

"Pasensya na Maam,may tinanong lang siya" wika ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Hindi niyo pa break kaya bawal pa mag usap" seryoso nitong saad bago tumuloy sa loob ng kanyang opisina.

Hindi na ako tumingin pa kay Rich at nagfocus nalang ako sa aking trabaho.

Umiwas ako kay Rich at si Nicole ang pinapapasok ko sa office niya para ibigay ang mga schedule nito.

"Ava,inaaya ako ni Maam na mag lunch mamaya" masayang wika ni Nicole.Napahinto ako sa pagtipa ng laptop at tumingin ako sa kanya.

"Pumayag ka ba?" tanong ko at muli kong ibinalik ang tingin sa laptop.

"Oo syempre,si CEO na yun eh chance ko na ito para makausap siya"excited nitong tugon.

Biglang nanikip ang dibdib ko sa di malamang dahilan.
Hindi na ako umimik.

"Ava tara na lunch na" aya ni Carla at Glenard.

"Sige sunod na ako mag sesave lang ako documents,pa order na din ako ha"pahabol ko sa kanila.

"Lets go?" boses ni Rich kaya tumingala ako para malaman.

Nakita ko itong nakatingin kay Nicole.

"Sige po Maam,Ahm Ava mauna na kami ha" paalam ni Nicole na halatang kilig na kilig ito.

Tumango lang ako.Matapos kong mag save ay agad akong nagtungo sa canteen.

Hindi ko inaasahang dito din kakai. sila Rich.Akala ko lunch date bakit sila nakisama sa mga empleyado.

"Ava dito ka na sa tabi ko" kaway ni Glenard.Ngumiti ako ng tipid at umupo sa tabi nito.

"Eto nag order na ako ng vegetable"sabay lagay nito sa plato ko.

Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang pagtitig ni Rich sa kinauupuan namin.

Kung anong ginagawa sakin ni Glenard ay ginagawa din niya kay Nicole.
"Sayo nalang to" tinusok ko sa tinidor ang sahog na meat sa aking gulay pero nagulat ako ng biglang may platong humarang sa ilalagay ko kay Glenard.

"Akin nalang" ani ni Rich at kinuha ang tinidor,kinuha din niya ang naiwang karne sa aking plato atsaka bumalik sa mesa nila ni Nicole.

"Ahm pasensya na"ani ko kay Glenard.

"Mukhang malaki ang pagkagusto sayo ng boss natin ah" wika nito na ikinamula ng mukha ko.

"Sana hindi makarating kay Dad kung ano man ang nakikita mo dito"pakiusap ko sa kanya na ikinatango naman niya.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now