Chapter 4

579 17 1
                                    

***Chelsia "Ava" Jackson***

"May iuutos ka pa ba?" tanong ko ng mapansin ng peripheral vision ko na naktitig padin sa akin.

Siya namang bungad ng isang pamilyar na mukha.

"Baby...I miss you" sigaw nito at patakbong niyakap at humalik halik kay Rich.

Siya yung babae sa wedding nila LJ at Emay.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagfocus ako sa aking ginagawa.
Hinila ni Rich ang babae sa loob ng office unit nito.Ilang saglit pa narinig ko ang mahinang ungol ng babae.

"Sh*t what are they doing" napatakip nalang ako ng tainga.

"Ohh baby" ungol ng babae sa loob ng opisina,.Alam kong hindi magugustuhan ni Vhiel kapag nalaman niya ang pinag gagawa ng kaibigan niya dito.

Ilang minuto pa ay bigla nalang nagsisigaw ang babae na lumabas mula sa opisina.

"Ako ang andito pero iba ang iniisip mo!!" singhal nito kay Rich habang naglalakad,pero huminto ito sa harap ng aking table at tinignan ang name card ko na nakapatong sa mesa.Kitang kita ang pangalan dahil malalaki ang pagkakaprint nito.

"So ikaw pala...." hindi na pinatapos ni Rich ang sasabihin ng babae dahil kinaladkad na niya ito pababa.

Inayos ko na din ang aking mga gamit para makaalis na din,ayaw ko ng maabutan pa ako dito ni Rich.

Pero ilang saglit pa ay nakabalik na siya.

"Chelsia pasensya ka na kay Terrie ha" tila nahihiya nitong saad.

"Okay lang yon maam sanay na akong nakikita ang ganyang senaryo" nakangiti kong saad
Naglakad ako at kinuha ang aking bag para umalis na "Ang dami mo kasing jowa yan tuloy kung sino sino na nasasambit mo in the midst of your love making" nakangisi kong dugtong

"Wala akong gf Chelsia,may gusto ako pero malabong maging akin" titig kong saad.

"Well,kung disente yang babae,at kilala ka niya sa pagiging womanizer mo,hindi ka talaga niya magugustuhan" muling akong ngumisi "Mauna na po ako ha,andiyan na si kuya nagpasundo kase ako" akmang aalis na ako ng bigla niya akong hablutin dahilan para mapasubsob ako sa kanya.

"Maam ano ba,huwag mo akong iginagaya sa mga babae mo na hinahab---uhhmm" hindi na ako nakapagsalita dahil siniil na niya ako ng halik,nanginig ang buo kong katawan dahil sa hatid nitong kakaibang boltahe..May parte sa utak kong gusto ko siyang itulak pero ayaw ng katawan ko.

Unti unti siyang tumigil sa paghalik at nginitian ako

"Next time na marinig ko pang sinasabihan mo akong womanizer hindi lang yan ang ipapalasap ko sayo" at iniwan niya akong nakatulala...

Napamura nalang ako dahil sa nangyari.Agad kong tinungo ang parking lot at hinanap si Kuya Jacob..

Dahil hindi tinted ang salamin ng kotse ni kuya ay nakita ko agad ito,pero sino yung lalaking kasama niya sa loob ng kotse.

"Tama ba ang nakikita ko magkadaupang palad sila?" kinusot ko pa ang aking mata pagtingin ko hindi na sila magkahawak kumakaway na sa akin si Kuya.

"Lanyang Rich yan kasalanan niya to kung ano ano na nakikita ko" bulong ko sa aking sarili.

Lumabas si kuya sa Kotse ganun din yung lalaki,si Marky pala yung isang youth leader sa simbahan.

"Hi Ava,how your day?" kaway nito

"Hello Brother Marky,eto exhausted" matipid kong ngiti.

"Ano gusto mo dinner muna tayo,libre daw ni Marky" sabay kindat ni kuya kay Marky.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now