Chapter 17

421 19 0
                                    


*** Chelsia Ava Jackson***

"Ihahatid na kita"habol ni Glenard sa akin ng matapos na ang office hour.Andito ako ngayon sa labas at naghihintay ng taxi.

"Hindi na Glenard,may pupuntahan pa kasi ako"

"Samahan nalang kita" pamimilit nito.

"Babe bakit andito ka,diba sabi ko hintayin mo ako sa parking lot,hintayin mo ako dito kunin ko lang yung kotse" agad na sulpot ni Rich at agad din itong tumungo sa parkig lot.
Hindi ko alam sa taong ito kanina biglang nawala tapos biglang susulpot sa kung saan.

"Babe?bakit yan ang tawag ng boss natin sayo?" pabulong na tanong ni Glenard.

"Huh?eh ganun talaga yon minsan"saad ko.

"Balita ko tomboy yqng boss natin" tila iritang tanong nito.

"Bisexual siya hindi tomboy" pagtutuwid ko.

"Pareho pading makasalanan yun" napanting ang tainga ko sa narinig,Tumingin akosa kanya.

"So kapag ba mga lgbt na makasalanan na?baka mas marami pa ngang kasalanan yung mga taong straight kaysa mga yan eh..Tingin niyo hindi kasalanan yang panghuhusga niyo sa kanila?" inis kong wika dito,sakto namang dating ng kotse ni Rich at mabilis na akong sumakay,hindi ko na hinintay pa ang sagot nito.

Pabagsak akong umupo at nakabusangot.

"Anong nangyari sa mukha mo" pansin ni Rich.

"Wala" matipid kong tugon.

"Nanliligaw ba sayo yun?" muling tanong nito.
Nang hindi ako umiimik ay sumulyap ito sa akin.

"Oo,yun yung taong gusto ni Dad para sa akin"

Bigla nitong inapakan ang preno ng kotse dahilan para mapahawak ako sa aking dibdib.

"Ano ba Maam,gusto mo bang matigok ng maaga,wag mo akong idinadamay"inis kong saad.

"Hindi ka pwdeng maikasal sa iba,sa akin ka dapat ikasal" tila may pagdadabog ang boses nito.

"Alam mo namang bawal sa amin ang same sex marriage"malumbay kong tugon.

Napabuntong hininga ito at namayani ang katahimikan.
Hanggang sa ibang direksyon na ang aming tinatahak hindi na ito papunta sa bahay na tinutuluyan ko.

Paakyat na ito ng Baguio.

"Teka saan tayo pupunta" saway ko dito.

"Ipapakita ko sayo na walang gender ang tunay na pag ibig" seryoso nitong tugon.

May tinawagan ito sa cellphone.

"Brad pacheck ang office sa marketing ng apat na araw sa monday na kami makakabalik" bungad nito na ikinakunot ng noo ko.

"Brad naman,bakit bigla biglaan ka namang nagsasabi alam mo namang ang daming kong sched ngayong week" reklamo ni Maam Lj.

"Saglit lang naman ang apat na araw,sige na bye brad salamat" agad nitong ini off ang phone.

Ilang oras din ang byahe bago namin narating ang Baguio,malamig ang simoy ng hangin ang sumalubong pagkabukas ko ng pintuan ng kotse.

"Mabuti naman napadalaw kqyo dito apo" bungad ng isang matanda at niyakap si Rich.

"Hello po magandang araw po" bati ko ng mapatingin sa akin ang matanda.

"Lola si Ava po,nililigawan ko" diretsong saad nito.

Hay grabe kailangan talagqng sabihin na nililigawan,pwde namang secretary ko,officemate o kaya friend.

"Napakagandang dalaga naman ang nililigawan mo apo,Hello ineng kumusta " bati nito sa akin.

"Okay lang naman po Lola" nahihiya kong tugon.

"Siya tara sa loob ng makapagpahinga na kayo" iginiya ako ni Rich papasok naramdaman ko ang paghawak nito sa aking baywang kaya siniko ko ito.

"Dito nalang kayo mag kwarto dahil dalawa lang naman ang kwarto dito" ani ni Lola.

"Okay lang po lola ang mahalaga makapagrelax kami kahit saglit lang" sagot ni Rich.

"Ano bang iniisip mo bakit bigla biglaan ka nalang nagdedesisyon na pumunta dito" kunot noo kong tanong.

"Give me four days Ava para patunayan kong mahal talaga kita kaya please hayaan mo ako" nagsusumamo ang mata nitong nakatingin sa akin.

Napalunok ako dahil eto nanaman yung feeling na hindi ko maintindihan,ang kaba sa tuwing magkasama kami.Kaba naay halong saya.

"Anong isusuot natin?,may balak ka palang ganito hindi mo manlang sinabi para nakapag handa naman ako" reklamo ko.

Ngumiti ito.Inginuso niya ang dalawang maleta.

"Andiyan na mga gamit natin kasya naman siguro sayo yung mga pinabili ko"ani nito.

"Ava" malamyos ang boses nitong lumapit sa akin.Lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba.

"Ba-bakit Ms Rich" kabado kong tanong.Biglang parang may boltahe ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan ng hawakan niya ang aking kamay.

"Apat na araw lang,kapag wala talaga titigil na ako hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo" may halong lungkot ang boses nito.

Maging ako parang nakaramdam ng lungkot ang puso ko,parang ayaw ko siyang tumigil sa ginagawa niyang panliligaw sa akin.Parang ayaw kong pabayaan niya lang ako na may ibang magkagusto sa akin.Mas gusto kong lagi niyang pinaparamdam ang pambabakod niya.

Nakatitig lang kami sa isat isa,malamlam ang kanyang mata.Hindi ko alam pero may nag uudyok sa akin na halikan ko siya,dumako ang aking mata sa kanyang labing mapula.
Unti unting lumalapit ang mukha nito.Dumampi ang kanyang malambot na labi sa aking labi,banayad ang galaw at ngayon ko lang naramdaman ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na parang hinahalukay ang aking loob na tila magbubunyi ang mga laman loob ko.Naramdaman ko ang kapay nitong humawak pa sa aking batok para lalong dumiin ang aming halikan ngunit tumunog ang cellphone niya kaya napaigtad ako.

"Ahm,mag-magbibihis lang ako" hila ko sa aking kamay at tinungo ang maletang para sa akin.
Kumuha ako ng damit pantulog at mabilis kong tinungo ang banyo.

Napasabunot nalang ako ng aking ulo habang nakasandal ang aking likod sa pinto.Napapikit ako at napahawak sa aking labi.

"Hays Ava anong nangyayari sayo!" saway ko sa aking sarili.

Possessive CEOWhere stories live. Discover now