Kindra's P.O.V
"Ma, alis na po kami." Paalam ko at hinalikan s'ya sa pisngi.
"Oh sige, mag-iingat kayo ha. Santy, ikaw na ang bahala sa anak ko." Saad n'ya at kinindatan pa si Santy.
"Mama naman!" Angil ko at pasimple pa s'yang tinapik sa kamay.
"Opo, tita. Ako na pong bahala, magpapaka babysitter ako dito sa pasaway na batang ito." Saad n'ya na matalim ang tingin saakin kaya naman napanguso na lang ako.
Natawa si Mama at pinaalis na kami dahil baka daw ma late pa kami sa first day ng klase. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil nasa final stage na ako kung saan malapit ng humarap sa reality ng buhay. Pero excited din dahil sa wakas malapit na akong matapos sa pag-aaral na itinuturing kong pinakamalalang kaaway.
"Tsk, bilis." Iritang saad ni Santy at bahagya pa akong itinulak palapit sa kotse n'yang naka park sa tapat ng two story house namin. Simpleng bahay na sapat lang para saamin ni Mama.
"Oo na, eto na! Makatulak."
Umikot s'ya sa kabila papunta sa drivers seat.
"Tignan mo yun, hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto. Tss, pasalamat ka gwapo ka." Bulong ko at binuksan nalang ang pinto.
"Aray, shuta!" Sigaw ko ng mauntog ako papasok.
"Tsk. Mag-ingat ka nga." Saad n'ya at inistart na ang engine.
Napanguso nanaman ako dahil doon. Ang sungit parang others.
"Sana kasi classmate nalang kita para may kokophayan ako."
"Mag-aral ka ng mabuti hindi yung puro laro lang." Sermon n'ya.
"Nag-aaral naman ako."
"Nag-aaral mangopya."
"Psh!" Padabog akong sumandal at nag krus ng braso.
"Nisha, listen. We're now at a college level, and this is not a joke anymore. You should take your studies seriously more than your game. Bawas bawasan mo na ang paglalaro ng badminton." Saad n'ya at pinihit ang manibela paliko.
"Oo na, oo na." Saad ko na lang para manahimik na s'ya. Nag english na eh.
Kala mo naman hindi s'ya nag-lalaro.
"Vacant ko mamayang 3pm. Ikaw din diba? Nakita ko schedule mo wag ka na tumanggi. Laro tayo ha." Mabilis at sunod sunod na saad ko ng makarating kami sa school. Agad akong bumaba para hindi na sya makatanggi pa.
"Woaahhh!" Manghang saad ko ng bumungad saakin ang matayog at magarbong gate ng university.
Napangisi ako habang nakatingala doon.
"Siguradong malawak ang court nila. Yieee excited na ako pumalo." Hinawakan ko ang strap ng badminton bag ko at malawak na ngumiti. Panibagong training area.
Humugot ako ng malalim na hininga at nakangiting lumakad papasok sa gate kasabay ng iba pang mga estudyante.
"Hala... Alin sa mga building na 'to ang pupuntahan ko?" Tanong ko sa sarili at huminto.
Hindi ako makapaniwala habang tinitignan isa isa ang anim na building na nakapalibot sa buong lugar. Binaba ko ang badminton bag ko at binuksan ang bag ko para hanapin ang vicinity map ng campus.
"Nasaan na ba yun?" Napakamot ako sa ulo at inis na hinalungkat ang bag ko, binaba ko na rin iyon at umupo ako para mas mabilis at mas madaling hanapin. Hindi ko na alng pinansin ang mga estudyanteng tinitignan ako.
"Naiwan ko ba?" Sinubukan kong alalahanin kung saan ko ba yun nilagay at halos tumpalingan ko ang sarili ko ng maalala kong nilapag ko nga pala yun sa lamesa nung mag paalam ako kay Mama.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...