Naiiyak ako. Hindi. Gusto ko talaga umiyak. Pakiramdam ko kasi mababaliw na ako dahil kay Saltik. Mula noong nag desisyon s'yang ligawan ako; kahit hindi naman ako um-oo, halos dito na s'ya tumira sa hospital room ko. Tatlong araw na s'ya dito, dito na rin s'ya naliligo, huhu. Malala pa noon ay nag dala na s'ya ng sarili n'yang foam na hinihigaan tuwing gabi. Pati unan at kumot.
Higit sa lahat, ito, itong ginagawa n'ya ngayon ang ikababaliw ko ng sobra.
"Open your mouth. Say aaahhhh." Mangiyak ngiyak akong ngumanga habang nakatingin sa kanya.
Sinubo n'ya sa akin yung kutsarang may lamang lugaw na niluto n'ya mismo dito. Oo dito n'ya niluto, nag dala lang naman s'ya ng rice cooker, malagkit, tsaka mga ingridients na ginamit n'ya ay dala dala n'ya. Mukha ba kaming nag babahay bahayan? Wahhhh mabubuang na ako.
"I was planning to cook something delicious, but the doctor said you can't still eat heavy meals. And Santy suggested porridge." Saad n'ya.
Santy. Patay ka sa akin. Ikaw pala nag pasimula ng kalokohang ito. May pa suggest suggest ka pang nalalaman.
"Nasaan pala si Santy?" Tanong ko at ngumanga ulit.
Nagsalubong ang kilay n'ya at masama akong tingnan kaya naman napakurap kurap ako. Ano na naman bang ginawa ko?
Pinaglihi yata 'to sa sama ng loob eh.
"Why are you always looking for him? Do you like him?" Parang batang tanong n'ya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na pinapakita na n'ya sa akin ang ganitong side n'ya. Mukhang ganoon s'ya ka-komportable sa akin para ipakita n'ya yung totoong s'ya na itinatago n'ya sa iba.
Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa kama at nilapit ang mukha sa kanya. Hindi s'ya gumalaw at bumaba ang tingin n'ya sa labi ko. Dukutin ko yan.
"Yes. I like him. May gusto ako kay Santy, higit pa sa pagiging kaibigan." Pag amin ko ng totoo.
Kita ko ang pagbabago ng reaksyon n'ya. There's a hint of sadness in his eyes, tila ba nasaktan s'ya sa sinabi ko. I don't know but, I'm still doubting his motives. Hindi pa rin ako naniniwala na may gusto s'ya sa akin kaya n'ya ako nililigawan ngayon.
"So..." Huminga ako ng malalim at umayos na ng upo.
"Titigilan mo na ba ako sa ligaw ligaw na yan?" Tanong ko at tinaasan pa s'ya ng kilay.
Oh, taray ng ante n'yo! Enebe, main character things lang 'to, ako lang 'to ano ba, hehe.
"Now I get it, I get it." Tatango tangong saad n'ya kaya naman kilay ko naman ang nagsalubong.
May saltik nga.
"You still don't believe me, my feelings for you, don't you? Kindra, I'm serious when I say I like you. I don't know if it's to sudden, but I know this is not just a simple like. This feeling is more than that." Saad n'ya at inilagay ang mangkok sa lamesang nasa gilid ng kama. Hinila n'ya yun palapit dito eh.
Oh diba, desisyon talaga s'ya. Pati arrangement ng mga gamit dito pinakialaman na n'ya.
Pero teka... Ano na naman bang pinagsasabi nito? Malala na yata lagay n'ya eh, siguro dapat na rin s'yang dalhin sa mental hospital. Ako na mag hahatid sa kanya, sige na.
"The first time I saw you, and the first time our eyes locked together, I know I'm messed up. I was captivated by those enchanted eyes of yours. I know from that moment, I fell. I fell for you. That is why I keep on following you, pretending that I'm being the strict SSG President they know."
Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa mga pinagsasabi n'ya. His words are too good to be true. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.
"I keep appearing in front of you, because I want you to notice me. You're always in my dreams and I just cannot remove you from my mind. And every time we're having an encounter, a short conversation, I keep on falling. It's too late when I realized that...I'm already in a deep chamber of adoration. I adore you, Kindra." Saad n'ya ng hindi inaalis ang titig sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
أدب المراهقينBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...