Kindra's POV
"Mallory, photographer ka ba?" Tanong ko dahil busy s'ya habang pinipicturan yung view sa labas ng bintana nitong room. Nasa tabi kasi s'ya ng bintana kung saan kitang kita yung malawak na quadrangle.
Nakakatuwa nga kasi kanina ko lang nalaman na classmate ko pala s'ya. Atleast may kakilala na kaagad ako.
"I'm not a professional photographer, but I have some skills when it comes to photography. Also, I'm doing a sideline with this, so that I can spend money on my own. I don't want to depend on my parents' money." Sagot n'ya na ang paningin ay nananatiling nasa camera. Pinindot n'ya yun at naka ngiting lumingon saakin.
"Do you want to see?" Tanong n'ya. Tumango ako kaya naman inabot n'ya saakin yung camera n'ya na buong ingat ko namang kinuha. Mahirap na, baka malaglag hindi pa naman akin 'to.
"Woaahh! Ang galing mo. Paturo naman ako." Taray ng kuha nya istitik!
"Sure!" Masayang saad n'ya.
"Pero hindi ngayon. Na pressure ako sa kuha mo eh, next time na lang." Pabirong saad ko.
Joke lang yan, walang next time. Baka pag ako kumuha ng litrato mas lalong pumangit yung kukuhanan.
"Based on your looks right now, it seems like you really don't have a plan to try." Nanliliit ang mga matang saad n'ya.
Pinagdikit ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Mind reader ba s'ya.
"It's fine. No pressure. Ikaw na lang ang pipicturan ko next time. You'll be my subject." Saad n'ya at bumalik sa ginagawa.
Nagpangalumbaba na lang ako habang nakatingin sa whiteboard na nasa harapan. Ang tagal naman ng professor. What if hindi pa talaga start ng klase ngayon? Aha!
Napatayo ako at malawak na ngumiti.
"Why?" Tanong ni Mallory na nilingon ako at tiningala dahil nakaupo sya at nakatayo ako sa gilid nya.
"Mallory..." Umupo ulit ako at naglabas ng kapirasong papel at sinulat doon ang number ng cellphone ko. Inabot ko yun sa kanya na nagtataka nya namang tinanggap.
"Tawagan or itext mo ako kapag may professor na dumating. Kung ok lang?" Saad ko.
"Oh... Where are you going?" Tanong nya na malawak ko namang sinuklian ng ngiti.
"Hahanapin ko yung court. Mag t-training muna ako habang wala pang prof." Saad ko at tinapik pa yung badminton bag ko.
"You really love playing badminton, don't you? Okay sure, I'll call you." Saad nya at kinindatan ako.
"Yown! Thank you, Mallory."
"You're welcome. Take care." Saad n'ya.
Tumango lang ako at kaagad ng lumabas ng classroom.
Naisip ko kaagad na baka nasa baba ang court dahil ganoon sa dati kong school, kaya naman bumaba na ako ng hagdan. Pero halos kinse minuto na yata akong umiikot sa ground floor pero wala talaga akong makitang court kaya naman wala akong naging ibang choice kundi tanungin yung janitor na busy sa paglilinis ng hallway.
"Uh, excuse me po. Alam nyo po ba kung saan banda dito ang court? Kanina ko pa po kasi hinahanap, bagong student lang po kasi ako kaya hindi ko pa po alam yung mga pasikot sikot dito. Baka po alam ninyo?" Tanong ko at gusto ko nalang batukan ang sarili ko dahil ang dami dami ko pang sinabi.
"Court? Ahh MPH ba kamo? Nasa 6th floor ang MPH." Sagot n'ya.
Kumunot ang noo ko. Ha? Ano daw?
"Ay hindi po. Court po yung hinahanap ko, hindi po yung...MPH?" Ang gulo naman ni kuyang janitor, court nga sabi eh, kung ano anong tinuturo saakin.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...