Kindra's POV
"Tingin ka muna sa kaliwa bago ka haharap sa camera, tapos ngiti ha." Paalala sa akin ni Gweirfyl na isa sa ka grupo ko.
Inayos n'ya pa muna ang buhok ko bago umalis at pumwesto sa camera.
"Ok na, guys?"
"Yes, direk."
"Ok, on my cue. Three, two, one...Action!"
Ginawa ko ang sinabi ni Gweirfyl at ngumiti ng pagkatamis tamis, sa sobrang tamis pwede ng gawing minatamis.
Inuulit kasi naman ang OBB, nawala yung file ni Andrew. Wala rin kasi s'yang back up copy. Uulit na naman tuloy s'ya ng panibagong edit.
Lesson learned!
"Ok, cut. Good shot. One take pa for back up lang." Saad ni Roselyn.
"Copy, direk." Sabay na saad namin ni Gweirfyl.
Nag take pa kami ng isa, bago nag pack up. Yung akin kasi ang hinuli nila dahil pwede namang indoor i shoot. Yung mga tinake kasi namin kanina need ng natural light, which is outdoor.
Mabuti na lang at walang pasok ngayon dahil transport strike kaya nakapag shoot kami. Thursday and Friday kasi ang transport strike.
Bukas ay birthday na ng papa ni Lica.
"Ma, nasaan ka na?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Nandito na anak, sa may entrance."
"Sige po, nakikita ko na kayo." Binaba ko na ang tawag at binilisan ang lakad.
Bibili kasi kami ni mama ng regalo sa papa ni Lica. Napagkasunduan naming dito nalang sa mall mag kita, after ng shooting namin.
"Tara." Masayang saad ko at hinawakan s'ya sa braso.
"Ano bang naisip mong iregalo, nak?"
Ngumiti ako dahil alam kong matutuwa at magugustuhan ni tito ang naisip kong iregalo sa kan'ya.
"Bagong helmet."
"Sige. Cash na lang ang sa akin. Baka may kailangan s'yang pag-gamitan."
Tumango naman ako.
Inabot kami ng kalahating oras sa pag pili ng kulay at design. Pero sa huli ang pinili namin ay dilaw na may disenyong guhit sa gilid na kulay asul. Dilaw din kasi ang kulay ng luma n'yang helmet kaya naisip namin na ganoon na lang din ang bilhin.
Kumain na rin kami ng hapunan sa mang inasal bago umuwi.
"Anak, nililigawan ka na ba ni Rhamsay?" Biglang tanong ni mama ng makasakay kami ng tricycle papasok na sa village.
"Hindi po, ah!"
"Kaya pala parang ako ang nililigawan, nag paparamdam na." Natatawang saad ni mama.
"Nag paalam na po s'ya sa akin noon pero hindi ako pumayag, alam mo naman pong si Santy ang gusto ko noon diba."
"Ibig sabihin si Rhamsay na ang gusto mo ngayon?" Malokong saad n'ya.
"Mama!"
"Eh bakit parang nitong mga nakaraang araw ay s'ya na lang palagi ang nag hahatid sa'yo sa bahay? S'ya na nga ang nag aasikaso sa almusal at baon ko sa umaga, s'ya pa nag hahatid sa'yo pauwi."
"S'ya naman po ang may gusto noon. Sabi n'ya kasi ikaw muna ang liligawan n'ya bago ako."
"Ibang klase rin ang batang iyon, ano. Binusted mo na nung una, hindi parin sumuko."
"Pero gusto mo na nga s'ya?" Hirit na naman n'ya.
"Ma, naman!" Maktol ko at umiwas ng tingin.
"Hindi nga?" Mapang usisa n'ya pang saad.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...