Kindra's POV
"Bakit parang palagi na lang po kayong na alis, tapos ang lalayo pa ng pinupuntahan n'yo." Saad ko at inabot kay mama yung baso na may juice.
Umupo ako sa tabi n'ya dito sa sofa. Nanonood na naman s'ya ng Kdrama. Ewan ko nga lang kung ano ito dahil hindi ko pa napapanood.
Nakakatampo na kasi. Pangatlong alis na n'ya ito kasama yung boss n'ya. Una sa cebu, pangalawa sa siargao tapos bukas sa cagayan de oro naman.
"Kasi kailangan, nak. Yun ang trabaho ko bilang secretary. Hayaan mo pagbalik ko gagala tayo, kahit saan mo pa gusto." Sagot n'ya.
"Ma, hindi po ako pwedeng gumala. May pasok po, ang dami dami na nga po naming ginagawang production. Sa bakasyon na lang po."
Uminom ako ng juice ko at pinatong ang ulo sa balikat n'ya. I feel secure when I'm with her, and I feel at ease. She's not just my mother, she's my home, my everything.
"Tulog ka na, nak. Maaga pa kayo mag t-training ni Santy bukas." Saad n'ya habang hinahimas ang buhok ko dahilan para antukin ako.
Unti unting pumikit ang mga mata ko at naramdaman kong dahan dahan n'yang kinuha ang baso mula sa kamay ko. Inalalayan n'ya akong mahiga ng maayos sa sofa at ipinatong ang ulo ko sa hita n'ya. Napangiti ako. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling natulog na ang hita n'ya ang inuunanan.
"Goodnight, Kindra. Mahal na mahal ka ni mama." Bulong n'ya sa pagitan ng paghimas ng ulo ko.
Mahal na mahal kita ma, higit pa sa kaya kong ibigay sa iba.
*****
"Nisha, focus!" Napakurap ako at tila bumalik sa aking sarili ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Santy mula sa kabilang side ng net.
"Sorry."
"Let's take a break first. You seem like you're not into your usual self." Saad n'ya at lumusot sa ilalim ng net para lumapit sa akin.
"May problema ba?"
Hindi ako sumagot at umiling lang bago nag baba ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit kanina pa ako natutulala. Masama rin ang pakiramdam ko, mula ng magising ako ay nandito na ang kabang hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Kagaya ng nakagawian ay wala na si mama pag gising ko at tanging letter na lang sa pinto ng ref ang naabutan ko. May breakfast na rin.
Pinatong ni Santy ang kamay n'ya sa balikat ko na para bang pinapagaan n'ya ang nararamdaman ko. Napabuntong hininga ako at matamlay na nag-angat ng tingin sa kanya.
"Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan, Santy. Natatakot tuloy ako, lalo na wala si mama dito, siguradong nasa byahe pa sila. Paano kung--"
"Shhh. Don't think negative things, Nisha. Walang mangyayaring masama kay tita. Baka magkakaroon ka na kaya ka nakakaramdam ng ganyan." Saad n'ya.
Hindi naman ako na offend o nahiya sa itinuran n'ya dahil normal na sa amin ang mapagusapan ang bagay patungkol sa menstruation. Minsan nga ay s'ya pa ang pinakikiusapan kong bumili ng napkin. Kaya alam na din n'ya kung anong napkin ang gusto ko. Mula sa brand, maging sa kung may wings ba o wala.
"Next next week pa ang dalaw ko." Nakangusong saad ko.
"Baka iba ang dumadalaw sa'yo."
"Ano?"
"Toyo."
"Ha?"
Natawa s'ya at umiling iling bago tumakbo papunta sa bench kung saan nakalagay ang mga gamit namin.
Napaawang na lang ang bibig ko ng ma gets ko ang sinabi n'ya.
"Hoy, hindi ako tinotoyo ah. Ang kapal mo naman." Sumunod ako sa kanya at uminom ng tubig sa tumbler ko.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...