Kindra's POV
Lumipas ang ilang araw matapos kong marinig ang pag-uusap ni Rhamsay at Santy sa library. Hindi ko alam kung paano kong nabigay kay Santy ang regalo ko sa kanya kinagabihan ng araw na iyon. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari after ko lumabas ng library.
Iniisip ko kasi kung ano ang ibig sabihin ng pag-uusap nila. Kung ano ang hindi ko alam.
Aishh!
Hindi na rin ako nag t-training ng badminton dahil nga na busy kami nitong mga nakaraang linggo. Wala rin naman akong kasamang mag training dahil busy rin si Santy.
"Ay palakang bundat!" Sigaw ko ng matapilok pagkapasok sa library.
Tinignan ako ng masama ng librarian kaya naman nag peace sign ako.
Nagiging tambayan ko na itong library tuwing vacant. Hindi ko naman makasama si Lory dahil mas gusto nyang manatili sa room.
Kagaya ng palagi kong ginagawa ay nag iikot lang ako at nag titingin ng libro na pwede kong gawing unan mamaya sa upuan hehe.
"You're being selfish!" Luh?
Sino yun? Bakit parang pamilyar ang boses n'ya?
Hindi ko tuloy maiwasang silipin kung sino iyon. Evesdropping part 2 na ba?
Napakunot ang noo ko ng makita si Lory at si Rhamsay. Close ba sila?
"Stop meddling with my business Blair, mind your own." Blair? Wow, second name basis. Tss.
Business partners lang daw ang parents pero bakit may patagong pag-uusap? Tsk.
"You're my business here. Well, what should I worry about right? You can't disobey your father, you know you don't have the power to do so." Mapangasar na saad ni Lory.
Mula sa pinagtataguan ay kita ko ang mariing pagsara ng kamao ni Rhamsay.
"You better stop this nonsense or I will tell her everything. If I can't control you, then I will destroy her." Pababantang dagdag pa nito.
"Don't you dare." Matigas na sagot ni Rhamsay.
"Oh, I dare you. You have my words, Rhamsay. You know I can ruin her."
Yun lang at tinalikuran na nya ang kausap.
Sinong her ang tinutukoy ni Lory?
Yung totoo? May sumpa ba ang library na ito at palagi na lang akong may naririnig na hindi ko dapat marinig?
Lumabas na lang ako at nangakong hindi na ulit papasok sa library na iyon.
Pumunta na lang ako sa may gazebo at doon natulog.
*****
Natapos ang buong araw na puro discussion lang, mabuti na lang walang quiz.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at masayang humarap kay Lory.
"May pera ako Lory, tara bili tayo ng kape dun sa coffee shop sa labas, libre ko." Nakangiting saad ko.
Nawala din ang ngiting iyon ng mapansin kong umirap s'ya. Palihim lang iyon pero hindi nakatakas sa mga mata ko.
Sakin ba s'ya umirap?
Humarap s'ya sa akin at ngumiti.
"I'm busy Kindra, you can go there by yourself." Saad n'ya at tumayo.
"Pero~"
"And if you want, you can buy two cups. I assume you can only buy expensive coffee once in a while." Yun lang at tuluyan na s'yang umalis habang naiwan naman ako doong tulala.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...