Chapter 17

9 4 0
                                    

Kindra's POV

Busy na ang lahat dahil bukas ay simula na ng intrams. Kanya kanyang training ang mga mag-lalaro habang ang mga hindi sasali ay nanonood sa mga nag t-training ng iba't ibang laro.

"Lory, gusto mo bang sumam~" 

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko ng lampasan n'ya lang ako. Napabuga na lang ako ng hangin at ngumiti bago tumalikod.

Ilang araw na n'ya akong hindi pinapansin. Para bang bigla na lang akong naging hangin. Baka nga multo na lang ako para sa kan'ya. Hindi ko na lang masyadong dinaramdam ang ginagawa n'ya dahil baka may dahilan s'ya.

Imbes na mag training ako ay lumabas na ako ng building namin at dumiretso sa parking dahil nandoon na si Rhamsay at nag-iintay sa akin.

Papunta na ulit kami ngayon sa apartment ni Fiona para bisitahin si Cassy. Araw-araw akong napunta doon kasama si Rhamsay. Hindi na rin ako sasali sa intrams at ilalaan na lang ang tatlong araw na iyon kasama si Cassy.

Hanggang ngayon ay wala pa rin s'yang sinasabi tungkol sa nangyari at mukhang wala s'yang balak na sabihin iyon kaya naman ipinaparamdam ko na lang sa kan'ya na hindi s'ya nag-iisa.

"Thanks my bodyguard." Biro ko kay Saltik ng pagbuksan n'ya ako ng pinto ng kotse.

"Yes ma'am. I'll guard your body." Saad n'ya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

"H-hoy! Manyak ka!" Sigaw ko at mabilis na pumasok at hinila ang pinto pasara.

Nakita ko naman s'yang tumawa habang papunta sa kabilang pinto.

Psh, pasalamat ka pogi ka.

*****

"Ate hindi mo naman kailangan pumunta dito araw araw. Sinasama mo pa si kuya Rhamsay baka mamaya busy s'ya." Saad ni Cassy habang tinutulungan akong ilabas sa plastic ang mga pinamili kong prutas, gulay at karne. Nilagay n'ya iyon sa ref.

"Tsaka hindi mo naman kailangan punuin itong ref ni Fiona. Baka wala ng matira sa allowance mo." Dugtong nito.

"Ano ka ba Cassy. Yan na nga lang ang magagawa ko para pasalamatan si Fiona sa pagpapatuloy n'ya sa'yo rito. Kahit na sinabi n'yang hindi na kailangan syempre nakakahiya naman kung wala manlang akong dalhin dito." 

Lumapit ako sa lababo at hinugasan yung mga prutas.

"Isa pa, si Rhamsay naman ang may gustong sumama dito. Nag sasabi naman s'ya kapag busy s'ya." 

Lumapit ako sa kan'ya at sinubuan s'ya ng hiniwa kong apple.

"Ikaw ate, hindi ka ba busy?" Tanong n'ya sa pagitan ng pag-nguya.

"Hindi naman. Intrams na kasi bukas kaya wala ng masyadong gawa."

"Intrams? Bakit nandito ka ate? Dapat nag t-training ka diba?"

"Hindi ako sasali."

"Bakit naman? Dahil ba sa akin?"

Hindi ako sumagot.

"Ate naman,"

"Ano ka ba! Parang yun lang Cassy. Mas pipiliin ko pa ba iyon kaysa sayo? Isa pa naisip ko kasi na hindi tayo lumaking mag-kasama kaya wala tayong masyadong memories, hindi nga tayo nakakapag-bonding, kahit isang beses wala pa." 

Sinubuan ko ulit s'ya pero ngayon yung orange naman na binuksan ko.

"Pero kahit na,"

"Achuchuchu, wag ka na kumontra. Tara don sa sala, bitbitin mo na rin yang mga hiniwa kong mansanas. Pakainin din natin kuya Rhamsay mo."

Kindra's CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon