Kindra's POV
"Anong oras next class mo?" Tanong saakin ni Santy na kanina pa tapos kumain.
Ewan ko nga kung kain na ba yun para sa kan'ya. Isang slice lang ng cake tapos kape? Diet ang bebe ko, hays. Tapos ako eto, lamon kung lamon.
"Alas tres pa. Makakapag laro pa ako ng walang paepal." Saad ko na ang tinutukoy ay yung may saltik na SSG President.
Ngumanga ako ng malaki at sinubo yung isang buong drumstick na fried chicken. Hinatak ko yun paalis sa loob ng bibig ko at tanging buto na lang ang nakuha ko. Napatingin ako kay Mallory sa tabi ko na nakangiwi at hindi maipaliwanag ang mukha habang nakatingin saakin.
Nanlaki ang mga mata ko at nabilaukan pa kaya naman kaagad inabot ni Santy ang tubig n'ya saakin na kaagad ko namang tinanggap. Uminom ako sa tumbler n'ya at palihim na napangiti. Indirect kiss ba'to hihi.
"Hala, sorry Mallory. Naexcite lang ako kumain kaya nalimutan na kitang ipakilala kay Santy." Saad ko matapos lunukin ang laman ng bibig ko.
"Hoy sungit. Si Mallory, kaklase slash kaybigan ko. Tapos Mallory, si Santy bestfriend ko. Slash future tatay ng anak ko." Pagpapakilala ko sa kanila pero syempre bulong lang yung huli kong sinabi, tanging ako lang ang nakarinig.
Bahagyang ngumiti si Santy at tumango kay Mallory. Medyo nagulat pa si Santy ng ilahad ni Mallory ang kamay n'ya habang malawak na nakangiti dahilan para magsalubong ang kilay ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang inangat ni Santy ang isa n'yang kamay para makipag shakehands. Nagpapalit palit ang tingin ko sa mga kamay nila. Nang malapit na mag dikit ang mga kamay nila ay hindi na ako nakapag-pigil.
"Wow!! Ang ganda naman ng bracelet mo, Mallory. Regalo ba'to sa'yo?" Tanong ko matapos mabilis na hablutin ang kamay n'yang nakalahad.
Patay malisya akong ngumiti sa kan'ya na halatang nagulat sa ginawa ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ngumiti din s'ya na para bang wala lang yung pag hila ko sa kamay n'ya.
Woohh! Sorry Mallory. Kaybigan kita pero off limits yang bebe ko. Don't touchi touchi.
"Uhmm yeah. This bracelet was my mom's gift to me when I turned 19." Saad n'ya at nakangiting hinawakan ang bracelet gamit ang isa n'yang kamay.
"19 ka na!?" Gulat na saad ko.
"Yeah. Last month."
"Nisha, mauuna na ako, mag s-start na class ko. Wait for me later, ok." Biglang singit ni Santy na tumayo na at isinukbit ang bag sa isang balikat.
"And it's nice to meet you, Ms. Mallory." Saad n'ya at saglit na binalingan ng tingin si Mallory bago lumapit saakin at hinimas ang ulo ko.
Imbes na mainis ay kinilig pa ako dahil hindi manlang n'ya binalingan ng tingin si Mallory at basta na lang tumalikod. Hays, saakin lang talaga interesado ang bebe ko. Iba talaga ang kamandag ng ganda ni Quinneshia Kindra! HAHAHA.
"Why are you smiling?" Inosenteng tanong ni Mallory na mas nginitian ko.
"Wala. Nakalibre kasi ako hahaha." Sumubo ulit ako ng isang buong drumstick na friend chicken habang nakaharap sa kanya.
Natawa s'ya at bumaling na lang ulit sa kinakain n'yang puro hilaw na gulay at prutas. Vegetable at fruit salad yata yon. Napangiwi na lang ako dahil kambing ang naiisip ko sa kinakain n'ya.
"Meeh meeh meeh." Mahinang usal ko kaya naman napalingon saakin si Mallory na nakasubo pa sa bibig ang tinidor.
Awkward akong napangiti at nag peace sign pa gamit ang kamay ko na may hawak hawak pang buto ng manok. Huhu, hindi ko nanaman napigilan ang bibig ko, kainis.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...