Kindra's POV
"Kindra we're going to the library, wanna come with us?" Tanong ni Lance.
Kasama n'ya ang mga kaybigan at sila Ara. Bale lima sila. Si Lance, Francis, Chester, Ara at Euna.
Nilingon ko naman si Lory na katabi ko.
"Sama ka?" Tanong ko.
Inirapan n'ya lang ako. Napakurap ako. Luh.
Nagkibit balikat na lang ako at sinukbit ang bag habang hawak ko ang reviewer.
"Sige, sama ako." Lumakad na kami palabas ng room.
Lumingon pa ako at nakaramdam ng lungkot dahil nami-miss ko na si Lory. Kahit pa ganiyan s'ya makitungo sa akin at kahit pa pilit n'ya kaming pinaghihiwalay ni Rhamsay hindi ko magawang magalit sa kan'ya. S'ya pa rin naman si Lory, ang kaybigan at una kong nakilala sa school na ito.
Pag-pasok sa library ay tinapat namin ang mga ID namin sa scanner para mag-log. Pinili naming pumwesto sa pahabang lamesa para sama sama pa rin kami. Mag-kakatabi kaming mga babae at sa tapat naman namin yung mga lalaki. Sakto pang sa tapat ko umupo si Chester na kanina pa hindi inaalis ang tingin sa akin.
Napapaisip tuloy ako kung tama bang sumama ako.
Hindi ko na lang s'ya pinansin at nag-review na. Naipasa na kasi ang mga projects at simula na ng buong linggo para sa madugong pag-rereview. Mabuti na nga lang ay binibigyan kami ng isang linggo para lang sa pag-re-review. Wala ng lectures at hindi na rin pumapasok ang mga instructors, pero syempre may attendance pa rin.
Inuuna kong i-review ang mga major subjects ko, syempre kung ano ang mas mahirap yun ang uunahin.
Halos apat na oras din kaming nanatili sa library para mag review. Lunch na noong lumabas kami at sabay-sabay na ring pumunta sa cafeteria. Sila Ara na rin kasi ang nakakasama ko palagi nitong mga nakaraang buwan. Hindi na si Lory at hindi na rin si Santy.
I miss him. Masakit din pala kapag best friend mo ang nag taboy sa'yo.
Speaking of him, pumasok s'ya sa cafeteria kasama ang mga kaybigan at si Shanelle. Hindi ko alam kung sila na ba, pero kung ganoon nga ay masaya ako dahil masaya si Santy.
"Gusto mo kami na lang mag-order para sa'yo, ano ba gusto mo?" Tanong ni Euna.
Mukhang napansin n'ya kung sino ang tinitignan ko. Alam din kasi nila ang nangyari sa amin ni Santy.
Tumango naman ako at sinabi ang order ko. Nauna na akong umupo sa lamesa kung saan kami palaging naka-pwesto. Nag-text rin ako kay Rhamsay para mag-update at para sabihing mag lunch na rin s'ya.
"Anong plano n'yo sa bakasyon?" Tanong ni Francis sa kalagitnaan ng pag-kain namin.
"Matulog." Mabilis na sagot ni Lance.
Nagtawanan naman kami dahil halatang kailangan n'ya noon dahil sa laki at itim ng eyebags n'ya. Puyat naman kami lahat sa course namin pero mas grabe ang puyat ng mga editor. Lalo na kapag rush editing na.
"I don't know yet. Ikaw ba Francis?" Balik na tanong naman ni Ara.
"Balak kong mag hiking but I also want to experience roadtrip. Wanna come with me?" Nanliit naman ang mga mata ko.
Hmmm, there's something fishy here.
"What?! No! Mag-isa ka!" Maarteng sagot ni Ara.
"Ikaw Euna? Any plans for this coming vacation? Wanna build some memories with me?" Hirit pa ni Lance.
Umiwas naman ng tingin si Euna at nagkunwaring may tinitignan sa kabilang mesa. Nagsalubong ang kilay ko at nag-pabalik balik ang tingin sa kanilang apat.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...