Kindra's POV
"Ma, tara na po!"
Nagmamadali kong sinukbit ang shoulder bag ko at tumakbo pababa ng hagdan matapos katukin ang pinto ng kwarto ni mama.
"Ito na, palabas na." True to her words lumabas na nga s'ya ng kwarto.
Binunot ko muna ang lahat ng nakasaksak dito sa baba dahil baka pag uwi namin abo na lang ang maabutan namin.
Kasabay ng pagbunot ko sa saksakan ng TV ay ang malakas na busina. Nagkatinginan kami ni mama.
"Nandyan na si Saltik / Nandyan na si Rhamsay." Magkasabay na saad namin ni mama.
"Ha?" Naguguluhang saad n'ya.
"Ha?" Tanging nasabi ko na lang.
Abnormal ka talaga Kindra! Bakit ka nanaman nadulas sa saltik na yan!
"Hay naku, ewan ko sayong bata ka. Halika na, dali." Saad na lang n'ya at hinila na ako palabas ng bahay.
Pinauna na n'ya ako dahil ni-lock n'ya pa yung pinto. Lumabas na ako ng gate at nakangiting kinawayan si Rhamsay na nakasilip sa nakabukas n'yang bintana.
"Goodmorning gorgeous." Nakangiting bati n'ya.
Sinamaan ko s'ya ng tingin para maitago ang malaking ngiti na gustong kumawala sa mga labi ko.
"Goodmorning." Saad ko pabalik.
"Goodmorning po, tita." Bati naman n'ya kay mama.
"Ay walang gorgeous?" Saad n'ya.
Mariin kong isinara ang mga labi ko kasabay ng pagtaas ng dalawang kilay. Marahan akong lumingon kay Rhamsay na nakatingin pala sa akin. Hindi alam ang isasagot.
"Biro lang. Goodmorning din sa'yo Rhamsay." Saad ulit ni mama at natawa na lang dahil sa itsura ni Rhamsay. Para s'yang batang pinagalitan.
Napakamot na lang ng batok si Rhamsay dahil sa biglaang biro ni mama. Masasanay ka rin bwahahaha.
Sumakay na kami ni mama sa sasakyan ni Rhamsay. Sa likod s'ya umupo at sa passenger seat naman ako.
To: Lory
Message: Makakapunta ka, Lory? Otw na kami.
Ilang segundo pa lang ang lumilipas mula ng maisend ko yung message kay Lory ay heto, tumatawag na s'ya.
"Hello, Lory." Bungad na saad ko.
"Otw na rin ako. Can you...uhm...wait for me outside their house? I feel...shy." Saad n'ya na pahina ng pahina.
Napatawa na lang ako ng walang tunog dahil doon. Ang kyut n'ya.
"Oo, sige. Baba ko na ha. Ingat ka." Saad ko at pinatay na ang tawag.
"Anak, pupunta raw ba si Santy?"
"Opo, ma. Pero baka daw ma-late s'ya ng kaunti."
"Is it really ok for me to be there?" Biglang tanong ni Rhamsay.
"Of course! Si Lica na nga mismo nag sabi sa akin na imbitahan ka pati si Mallory. Mas matutuwa yun kapag pumunta kayo, kasi syempre the more the merrier." Sagot ko.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami. Hindi naman kasi sobrang layo ng bahay nila sa amin.
Nag park lang sa labas si Rhamsay bago kami bumaba. Mula sa kawayan na gate nila ay kitang kita ko si Lica na abot langit ang ngiti habang nag aabang sa amin.
Hindi ganoon kalaki ang bahay nila dahil dalawa lang naman sila ng papa n'ya doon, one story house lang ito at may bakuran sa likod na talagang pinagdarausan namin ng mga occasion nila.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...