Chapter 12

49 4 0
                                    

Kindra's POV

"Asan na kaya s'ya?" Bulong ko habang naglalakad sa hallway.

Kanina ko pa kasi hinahanap si Saltik. Hindi ko alam kung kumain na ba s'ya kaya naisip kong bilhan s'ya ng lunch after umalis ni Santy.

May klase na kasi si Santy kaya nauna na s'ya.

To: Saltik

Message: Pst! Nasaan ka?

Nag text na ako dahil nahihilo na ako kakahanap. Ang sakit na rin ng paa ko.

From: Saltik

Message: Office. Why?

Napakunot ang noo ko.

To: Saltik

Message: Office ng SG officers o office mo sa kwarto mo dito sa University?

Ang sosyal naman kasi ng President na ito, talagang may sariling kwarto. Akala mo naman nandito s'ya para mag relax at matulog.

From: Saltik

Message: My room.

Napakagat ako sa ibabang labi. Pupunta pa ba ako doon? Nakakahiya naman.

To: Saltik

Message: Can I go there?

Nakakahiya naman kasi kung bigla na lang akong susulpot doon. Tanong ko muna kung pwede, hehe.

Lumakad na ako papunta sa building ng mga faculty at offices kung nasaan ang room n'ya kuno. Nakatitig ako sa phone ko dahil inaantay ko ang reply n'ya.

"Ang tagal naman." Nakangusong bulong ko.

Nandito na ako sa tapat ng elevator pero hindi pa ako makasakay dahil hindi ko pa alam kung pwede ba akong pumunta doon o hindi.

Napatingin ako sa hawak kong plastic na may lamang pagkain.

"Baka kumain na s'ya." Bulong ko.

Napatingin muna ako sa elevator bago napabuntong hininga. Tumalikod na ako at aalis na sana pero bigla na lang may humawak sa braso ko at hinila ako papasok ng elevator.

Mabilis akong napalingon at nakitang si Saltik yun. Napahawak naman ako sa dibdib dahil sa kaba.

"Ano ba. Natakot ako dun ha." Saad ko at umayos ng tayo.

"Sorry. Did I hurt you?" Tanong n'ya at chineck ang braso kong hinila n'ya.

"No. Hindi. Ayos lang ako."

Mukhang nakahinga naman s'ya ng maluwag dahil doon. Bumaba ang tingin n'ya sa gawak kong plastic kaya naman tinago ko yun sa likod ko.

"What's that? Is that for me?" Tanong n'ya.

"Have you eaten lunch?" Tanong ko pabalik.

"Not yet."

"Why?"

"I'm busy doing some paperwork."

"Edi sana hindi ka na bumaba para sunduin ako dito. Pwede namang mag reply ka na lang sa text ko para sana ako na lang ang umakyat mag isa."

"Why? Did you bring food for me?"

Umiwas ako ng tingin at kinagat ang loob ng labi ko bago iabot sa kan'ya yung plastic.

"I guess you did." Saad n'ya at kinuha sa kamay ko yung plastic.

Bumukas na yung elevator kaya lumabas na kami doon, binuksan n'ya rin yung pinto ng kwarto n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan n'ya ang kamay ko at marahan akong iginaya papasok deretso sa office.

"Sit here." Saad n'ya at inalalayan pa akong maupo sa upuang nasa gilid ng table n'ya.

Kindra's CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon