Kindra's POV
"Halika na!" Inipit ni Santy ang leeg ko gamit ang braso n'ya bago hilahin.
"Tsandhali!" Reklamo ko at mabilis na dinampot ang pancake sa plato bago n'ya ako tuluyang mahila.
Kumakain pa nga eh!
Nakasimangot akong nagpahila sa kan'ya habang nginunguya yung laman ng bibig ko.
"Late ka na't lahat lahat hindi ka pa rin paawat sa pag-kain." Naiiling na saad ni Santy na sinimulan ng mag drive.
Syempre, pinaghirapan iyon ni Saltik eh.
Nakangiti akong kumagat sa pancake na hawak ko.
"Hmmnn." Sarap na sarap ako habang ngumunguya.
"Next week will be the examination week. Mag review ka, Nisha. Hindi ka na high school, remember that."
"Aye aye, captain!" Sagot ko.
"Nisha! Seryoso kasi. Kapag bumagsak ka bahala ka sa buhay mo."
"Mangangatulong na lang ako sa inyo." Walang pakialam kong saad.
"As if tatanggapin kita."
"As if sa'yo ako mag a-apply."
"You're... Ugh! Just eat and shut your mouth." Inis na saad n'ya.
Luh? Sino kayang daldal ng daldal? Tsaka paano ako kakain yung nakasara ang bibig ko?
Hindi ko na lang s'ya pinansin at in-enjoy na lang ang pancake hanggang sa maubos ko ito.
Uminom ako ng tubig at nag alcohol bago sumandal at pumikit.
*****
Walang gana akong nakikinig sa klase namin sa Understanding the Self ng biglang pumasok sa isip ko si Ms. Cabrera.
Huling beses na nakita ko s'ya ay noong araw na balak n'ya akong dalhin sa guidance office, mabuti na lang dumating noon si Saltik.
Pero nasaan na nga kaya s'ya ngayon? Hindi ko na kasi s'ya nakita matapos ng araw na iyon. Hindi na rin s'ya ang teacher namin sa subject na ito. Ang sabi ng iba ay pinatanggal na raw s'ya sa school.
Bumaling ako kay Lory at pasimple s'yang kinalabit.
"Why?" Bulong n'ya na nananatiling nakatingin sa harap.
"Nakikita mo ba si Ms. Cabrera?" Pabulong din na tanong ko.
"No. She's not teaching here anymore."
"Bakit?"
"I don't know either."
Napanguso na lang ako at nagkunwaring nakikinig. Lumipad na tuloy ang isip ko at kung ano anong posibilidad na ang naisip.
Baka buntis? Pero hindi eh, malabo.
Baka may cancer? Naku! Huwag naman sana.
Ah!! Baka lumipat lang ng school. Tama. Baka nga ganoon.
"...miss." Nabalik ako sa realidad ng marinig ang huling sinabi ng Prof.
"Ano raw?" Tanong ko kay Lory.
"Sabi n'ya, class dismiss. You're not listening, Kindra. You're spacing out. What's the matter?"
"Ah. Wala naman. Ang boring lang kasi kaya hindi ako makapag focus." Pagdadahilan ko na medyo totoo naman.
"I'll just retouch my makeup." Saad n'ya at tumayo.
Tumayo rin ako at lumabas dahil may 30 minites vacant pa naman.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Ficção AdolescenteBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...