Kindra's POV
Hindi ako natutuwa. Hindi talaga. Kainis! Kasalanan 'to nung Saltik na yun eh. Hindi ko alam kung anong kamalasan ang iniwan nun sa akin para danasin ko 'to.
Sinabon lang naman ako ni Ms. Cabrera! Ilang beses n'ya akong pinahiya sa klase! Hindi ko nga alam kung may galit ba sa akin itong si Dora eh, isang beses lang naman akong na late sa klase n'ya
Oo! Dora s'ya! Mukha naman talaga s'yang si Dora. Maiksi ang buhok na itim na itim tapos may bangs na mas mataas pa sa kilay n'ya at higit sa lahat, chubby s'ya.
Ewan ko ba kung anong problema n'ya sa akin. Para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan para ako ang mapag-initan n'ya sa klase. Tapos ang malala pa, mula lunes hanggang huwebes may klase kami sa subject n'ya!
Nakakainis!
"Ms. Agnello?"
Sana kagatin s'ya ni boots, o kaya naman sampalin s'ya ni swiper.
"Ms. Agnello!"
O kaya naman paluin s'ya ng nanay n'ya sa pagiging masungit n'yang hindi naman bagay sa height n'ya. Pandak.
"MS. AGNELLO!!"
"Ay pandak! Sino, sino, saan?!" Gulat na saad ko kasunod ng malakas na tawanan ng buong klase.
"MS. AGNELLO TO THE GUIDANCE OFFICE!" Galit na sigaw n'ya.
"M-ma'am?"
"NOW!!" Namumula ang mukh an'ya kaya naman napakagat ako sa labi ko. Mukha s'yang letchon hehe.
Napalingon ako kay Mallory na nakahawak sa laylayan ng blouse ko. Nag-aalalang tingin ang ibinato n'ya sa akin at doon lang nag sink in sa akin ang lahat.
Patay.
Napalunok na lang ako bago sundin ang utos ni Ms. Cabrera. Nang malapit na ako kay Ma'am ay binagalan ko ang lakad ko at huminto sa harap n'ya. Ngumiti ako ng malawak sa pag aakalang mababago noon ang isip n'ya pero nanlaki lang ang mga butas ng ilong n'ya Kaya bago pa s'ya sumigaw ulit ay tumakbo na ako palabas ng pinto.
Saktong pag labas ng pinto ay hindi kaagad ako nakahinto kay naman nabunggo ko yung lalaking dadaan lang sana
"What are you doing?" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko nanaman ang malalim n'yang boses. Mariin akong napakagat sa labi dahil siguradong double d*ad ako ngayon.
Nakayuko lang ako at hindi nag angat ng tingin, hindi rin ako sumagot at nanatiling tikom ang bibig.
"What a great timing." Dinig kong saad ni Ms. Cabrera sa likod ko na siguradong kalalabas lang ng pinto dahil dinig ko pa ang pag sara n'ya nito.
"Good morning, Ms." Seryosong saad nitong si Saltik.
Nagulat ako ng mahigpit n'ya akong hawakan sa braso at itinabi sa kanyang gilid. Ngayon ay nakaharap na rin ako kay Ms. Cabrera pero nanatiling nakayuko ang ulo ko.
"Is there a problem here?" Hindi ko alam kung bakit ako namamangha sa tono ng pananalita n'ya. Para bang wala s'yang kinatatakutan kahit pa professor itong kaharap n'ya. Parang s'ya pa itong nakakataas.
Mataas naman talaga s'ya. Nanliliit tuloy ako dito sa tabi n'ya. Tsaka bakit ba kasi ako nasa tabi n'ya. Dapat nasa tabi ako ni Ma'am eh.Hinila ko yung braso ko mula sa pagkakahawak n'ya pero mas lalo n'ya lang yun hinigpitan kaya nanahimik na lang ako Grabe parang sa kanya pa ako may kasalanan ah, nabangga ko lang naman s'ya eh. Hindi ko nga sinasadya yun.
"That girl is getting on my nerves. Kanina pa hindi makasagot sa tinatanong ko tapos tulala pa. And when I called her surname for the last time, she even called me pandak!" Exxagerated na kwento n'ya.
BINABASA MO ANG
Kindra's Competition
Teen FictionBetrayal cuts deepest when it comes from those you trusted most. Yet amidst the pain, she unearthed an extraordinary strength within herself. With resilience as her guide, she made a choice that would define her journey: to forgive. This act of for...