ANGEL
"So we're already here." Rinig kong sabi ni Cyfrina. Inangat ko ang tingin ko at nakitang inilahad nito ang kamay sa harap ng kwarto kung saan... ang magiging dorm ko.
Naglakad ako papasok at nilibot ang tingin ko. Malinis, malawak, at bubungad agad ang sala. Nasa kaliwang bahagi ang kusina na may isang pintuan. Sa kanan naman may dalawang pintuan. Para sa dalawang estudyante ay sobra ang laki ng kwarto para tawagin na dorm lang.
"Iyong may white board na pintuan iyon ang kwarto ko, sayo naman ang wala. Iyang malapit sa kusina na pinto ay banyo." Napatango-tango ako at naglakad sa pintuan na magiging kwarto ko.
Pinihit ko iyon at binuksan. Katulad sa sala, tanging puti at krema na kulay ang makikita. Malawak din ang kwarto pero hindi kasing lawak ng kwarto ko sa Mansion nila Mr.Kamenashi.
Nasa gilid ang kama na kasya ang dalawang tao. Halatang wala pa talaga ang gumagamit non dahil nakaplastik pa ang kama. May cabinet, body size na salamin, study table, sofa at book shelf.
"Nga pala." Tumingin ako kay Cyfrina na nakaupo na sa sofa sa kwarto ko. Nakadekwarto pa eto at saglit na pinasadahan ako nang tingin mula paa hanggang magkatapat ang tingin namin.
"Hindi ko alam kung anong koneksyon mo sa President namin pero alam kong hindi ikaw ang babae niya. Pero ganon pa man, sisiguraduhin ko matatago ang sikreto mo gaya ng pangako ko."
"Thank you Cyfrina."
Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko, samantalang napatayo naman at gulat na tumingin din sa hamba ng pintuan si Cyfrina.
Seryosong mukha ni Rex ang bumungad samin. Nakasandal eto sa gilid ng pintuan at inikot muna ang tingin sa kwarto ko bago madako sa akin.
"We need to go." Maikling sabi ni Rex at lumabas. Napailing naman si Cyfrina bago sumunod kay Rex.
Saglit ko munang tinignan ang kwarto ko bago lumabas at sumunod sa kanila. Habang naglalakad sa Hallway na tanging kaming tatlo nalang sa oras na eto ang nasa labas ay napaisip ako.
Bakit nga ba ako napunta sa ganito? Tumingala ako at tumingin sa gilid kung saan kitang-kita ang buwan at inalala ang nangyari kanina.
..........
FLASHBACK: PARKING LOT
"Kitakits ulit bukas!" Masayang sabi sakin ni Naomi at niyakap na muna ako bago tumingin sa harap namin.
Finally may natapos din akong isang araw na kompleto ang pasok. Alas-singko na ng hapon at nandito kami sa Parking lot.
Nagpasama kasi sakin si Naomi na ihatid ko raw siya dito bago raw ako bumalik sa dorm ko, dahil sa pag-kakaalam ko ang alam niya ay dito sa S.U ako naninirahan. Pumayag narin ako para mabilis kong malaman kung hinintay din ba ako ng amo ko na hindi ko pa nakikita mula kanina.
"As far as I don't want, ihahatid ulit ako pauwi ng loko." Napatawa ako sa sinabi niya.
Sakto naman bumaba ang salamin ng kotse ni Lary at sumilip siya samin.
"Yow Angel! Wag kang mag alala nasa maayos na kamay ang bestfriend mo." Nakangiting sabi ni Lary.
"Hindi naman ako nag-aalala masyado kay Naomi kundi sayo, alam ko kasing walang pipigil sa kanya kapag sinaktan ka niya." panloloko ko. Napangiwi naman si Lary sa sinabi ko samantala tumawa naman si Naomi.
"You have a point. Subukan mo lang talaga ako pagtripan Lary sinasabi ko sayo, bukas na bukas puno ka na ng pasa." Napangiti ako sa kalokohan ni Naomi, kumaway muna siya sakin bago umikot papunta sa front seat katabi ni Lary.
BINABASA MO ANG
Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)
TienerfictieLove is LOVE, it CAN'T be EXPLAINED... "Hinding-hindi ako mag kakagusto sa babae dahil lalake ang type ko..." Iyan ang mga salitang binitawan ni Russel Kamenashi matapos makumpirma sa sarili na isa siyang bakla. Ang kaso ang mag karoon ng isang bus...