ANGEL
"Hindi ka ba naghihinayang sa ginawa mo Jay-R?" Tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan namin.Masyado kasi kaming nag-eenjoy na kumain ng manga sa inakyat namin na puno na pagmamay-ari ng Lola niya.
Nagtataka siyang tumingin sakin na parang hindi niya nagets ang tanong ko. Sabagay bigla-bigla nalang kasi ako nagsalita.
"Anong naghihinayang ang sinasabi mo? Nanghinayang sa pagbasted kay Patricia? Ano ba teh ilang beses ko na bang sasabihin sayo hindi kami tal--"
"Hindi iyon." Pagpapatigil ko at umirap. Alam ko naman kung ano ang gusto niya. At si Patricia? Ni hindi ko nga kilala ang sinasabi niya.
"Eh ano? Nakakaloka ka naman eh." Stress na sabi niya at hinawi pa ang mahaba niyang bangs.
"Ang sinasabi ko iyong paglalayas mo. Hindi ka ba naghihinayang sa iniwan mo, iyong mga magulang mo?" Mahinang tanong ko.
"Hindi, bakit naman ako mag hihinayang. Alam mo naman na hindi ako tanggap ng magulang ko si Lola saka si Tita Jasmin lang tumanggap sakin na may dugong rainbow ako." Napangiwi ako sa huling sinabi niya, dugong rainbow.
"At saka, ginawa ko lang iyong nararapat. Baka pagnalaman ng mga kabusiness nila Mom kung ano ako baka masira lang company nila."
"Kompanya niyo." Pagtatama ko. Kailangan ko bang umagree sa kanya? Simula nang makilala ko si Jay-R bukang bibig na niya ang Lola niya saka si Mrs.Santiago na sila lang daw ang tumanggap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)
Teen FictionLove is LOVE, it CAN'T be EXPLAINED... "Hinding-hindi ako mag kakagusto sa babae dahil lalake ang type ko..." Iyan ang mga salitang binitawan ni Russel Kamenashi matapos makumpirma sa sarili na isa siyang bakla. Ang kaso ang mag karoon ng isang bus...