LRTG CHAPTER 8: HIS GROUP

61 11 0
                                    

"Magandang umaga po Nanay Felli, Ate Jenny. Tulungan ko na po kayo." Masayang bati ko sa kanila nang makapasok ng kusina at makita silang naghahanda ng almusal. Tumingin sakin si Ate Jenny at ngumiti.

"Magandang umaga rin Angel, huwag mo na kaming tulungan dito at baka madumihan pa ang uniporme mo. Tawagin mo nalang si Sir.Russel." Sabi niya na kalalapag lang sa lamesa ng sinangag.

This will be my second day sa pagpasok sa S.U at dahil dito na ako naninirahan kala Mr.Kamenashi ay naisipan kong hindi lang ang pagiging yaya ni Russel ang gagawin ko kundi pati narin ang tumulong sa kanila.

Maaga akong nagising ngayong umaga at nag-asikaso, suot-suot ko narin ang uniporme ko para kung sakaling makatulong ako kala Nanay Felli ay hindi ako malate. Pero ngayon sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman nila ako pinapatulong. Hindi bat tungkulin ko rin tumulong sa kanila?

"Sigurado po ba kayo?" Paninigurado ko at napahinto sa paglalakad.

"Oo iha, baka malate pa kasi kayo sa klase. Tawagin mo nalang si Russel ng makakain na kayo." Sabi naman ni Nanay Felli.

"At saka Angel, personal maid ka ni Sir. Russel. Hindi mo kailangan tumulong samin." Sabi ni Ate Jenny at ngumiti sakin na parang sinasabi na kaya na nila.

"Ah sige po." Sagot ko nalang at nag-alanganin pang tumalikod papalabas ng kusina.

Habang naglalakad sa mahabang hagdan papunta sa kwarto ni Russel ay napaisip ako kung ano o paano ko siya haharapin. Last night was peaceful, kabaliktaran ng inexpect ko na maski sa kusina ay mag aaway kami.

Russel apologize was still sinking in my mind. Ganito pala ang pakiramdam na may tao kang nakaaway and you accept his apology. Although pagkatapos nga ng sorrihan namin ay hindi na niya ako kinibo kaya hindi narin ako nagtangkang mag salita. Tinapos niya nalang ang pagkain pagkatapos non ay umakyat na siya sa sariling kwarto, leaving me na parang wala lang.

NANG makatapat na ako sa pintuan ng kwarto ni Russel ay nag-aalanganin pa akong kumatok. Hihinga pa sana ako nang malalim para makakuha ng lakas na buksan ang pinto pero bigla etong bumukas at niluwa non ang isang lalakeng nakasuot nang malinis na uniporme.

Tumingin ako pataas para tignan ang mukha niya at hindi ko maiwasang humanga sa itsura niya. Paano nagagawa ng amo ko na mag mukha na parang modelo kahit na magulo ang buhok niya?

"Tapos mo na ba ako pagpantasyahan?" Naputol ang pagsusuri ko ng mag salita siya sa malamig pang tono.

"Ha?" Napataas ang isang kilay ko at narealize ang pagkakatulala ko sa kanya. Ano bang pinag-gagawa ko? Ngumisi siya sakin.

"You're having a fantasy, cut it off." Sabi niya na ikinanganga ko. Pinagpapantasyahan ko ba siya?

"Ha! Nangarap ka naman, pumunta ako rito para sabihing kakain na." Depensa ko bago tumalikod at nagsimulang mag lakad. Bakit parang bumalik ulit sa una ang turingan namin?

Ano bang ineexpect ko, na after ng sorrihan namin kagabi tatratuhin na niya ako na parang kaibigan? Siguro hindi na mangyayari iyon, base narin sa kinikilos niya.

Pagkarating namin sa kusina ay nakita ko na sa isang upuan si Mr.Kamenashi na kumakain narin. His wearing his usual business attire na mukhang papasok narin siya ngayong umaga.

Nakatulog kaya si Mr.Kamenashi? Anong oras kaya siya nakauwi kagabi?

"Good morning Angel." bati ni Mr.Kamenashi samin nang makita kami.

"Good morning po Mr.Kamenashi." magalang na sabi ko at umupo.

"Good morning Son." Bati ni Mr.Kamenashi kay Russel nang umupo eto sa katapat kong upuan.

Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon