LRTG CHAPTER 9: BREAK TIME

54 9 0
                                    

RUSSEL

"Lary, you really ruining my day." Inis na sabi nung babae na frenny ni Lukresha. Napaikot nalang ako ng mata nang palihim. 

Kakasimula palang ng klase pero eto Ces Drilon na ang beauty ko. Paano naman kasi bakit sa lahat nalang nang makakasama iyong dalawang magkapatid pa saka etong frenny ni Lukresha ang kasama ko.


PHIHIS (Philippine History) ang subject namin ngayon kaya obviously medyo nakakaborlogs ang subject. Actually, wiz lang naman sila Lary at ang bes ni Lukresha ang maingay ngayon, kung tutuusin maingay talaga ang buong klase dahil may kanya-kanyang chismis sila- na same sa akin ay ayaw makinig sa Prof.

The elf, feeling ko nasa impyerno na ako kahit nasa tuktok kaming palapag nitong building 2. Parang gusto ko na tumalon dito sa 7th floor para makaescape sa noise pollution nila, pero syempre naisip ko, sayang ang dyosang katulad ko kung mawawala agad ako sa mundo noh. Paano na ang mga Fafa na naghihintay sakin?


Well speaking of Fafa, napaayos ako nang upo at hinigpitan ang hawak kong ballpen. Iyong na sightsung ko kanina ay masyadong mapanakit! Parang nagflashback sa utak ko kung paano umalis sa paningin ko si Lukresha at si Fafa Drake with matching holding hands while walking.


Sarap kayang ingudngod sa lapag si Lukresha non, feel na feel niya kasi ang mga sweet lines na sinasabi ni Fafa Drake sa kanya, which is supposed to be na sa akin sabihin ni fafa Drake 'yon huhu.


"Ouch-" Mahinang bulong ko nang mabali ang ballpen na mahigpit kong hinahawakan. Pero hindi naman sa kamay ako nakaramdam ng sakit kundi sa..

"My heart." mahinang bulong ko ulit. Saglit akong tumingin sa gilid ko nang marinig ang hagikgik ni Dary.

"Kalokohan mo Russel." Sabi niya sakin habang nakasandal din ang likod sa upuan, nakacross-arms pa ang loko na parang walang ganang matuto. Well same vibes teh.


Sino bang gaganahan matuto kung ang inspirasyon mo ay nasa 3rd floor nitong building kasama ng Yaya ko.


"Next week magrerequest akong baguhin ang sched ko. Hindi ako papayag sa nangyayari ngayon." Mahinang sabi ko at tinapon sa sahig ang ballpen na nabali ko, bahala na kung sinong maglilinis diyan duh.

"Ouch, ayaw mo kaming makasama?" Tanong niya sakin habang nakahawak pa ang kamay niya sa bandang dibdib niya. Saglit ko siyang tinaasan ng kilay.

"Obvious ba?" Mataray na tanong ko. Natawa nalang siya nang mahina at tumingin sa harap.

"Selos ka lang eh." Mahinang bulong niya na narinig ko naman.


Yes of course najejelly debelen ako pero syempre wiz akong aamin. Kahit knows nilang may gusto ako kay Fafa Drake syempre hindi ko ilalantad iyan here in public noh.


"Of course not." Sagot ko. Naghalumbaba si Dary at tumingin sa way ko.

Saglit akong tumingin sa harap nang lumabas ang Prof namin at parang may kinakausap sa labas ng pinto.


"Quit doing that Rus. You see, this is the first time we saw Drake happy with someone. Why don't you be happy." Napaismid ako sa sinabi niya.

"Hell no Dary. If there's a person na pwedeng magpasaya sa kanya pwes alam mo na kung sino." Mahinang sabi ko. Of course I was referring myself, sa lahat nalang ng matitipuhan ni fafa Drake talaga ay julalay ko pa talaga? Like what's on her really?

Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon