LRTG CHAPTER 5: NEW MAID

60 15 0
                                    


ANGEL

Locker:

"Seryoso Angel hindi mo talaga kilala kung sinong sinasagot-sagot mo kanina?" Tanong sakin ni Naomi busy siya sa pag-aayos niya ng gamit sa loob ng locker niya. Napanguso akong inabot sa kanya ang bag ko at tumango, saglit niya akong tinignan at kinuha iyon.

"'Diba pangalan niya Russel?" Paninigurado ko, sinabi kasi sakin ni Drake na Russel ang pangalan nang bumato sakin ng bola. Sa huling pagkakatanda ko iyong lalake naman na iyon ang bumato sakin.

"Ayon naman pala eh, alam mo naman ang pangalan pero sinasagot sagot mo pa, o baka hindi mo pa siya lubos na kilala?" Nagtatakang tanong niya nang hinarap niya ako. Napakamot naman ako ng ulo at tumango.

"P-paarang ganoon na nga saka kararating ko palang dito. Naomi maniwala ka man o hindi, siya talaga ang nauna hindi ko naman ugaling manigaw eh." Pageexplain ko, kanina pa niya kasi akong kinukulit kung magkakilala ba kami nung Russel.

Saka big issue ba ang pagsagot-sagot ko doon? Kung makareact kasi si Naomi saka mga ibang kaklase namin kanina parang may ginawa na akong malaking kasalanan.

"Alam ko naman, halata naman sa mukha mo na hindi ka amazona. Ano ba kasi talaga nangyari?" Naguguluhang tanong niya. Nagsimula muna kaming mag lakad papuntang Cafeteria bago ko ikwento sa kanya ang nangyari kaninang umaga.

"Ganito kasi. Maaga akong dumating dito sa S.U, dapat talaga maaga akong makakapunta sa Office ni Mr.Kamenashi para pag-usapan ang scholarship ko. Ang kaso nang mapadaan ako sa cover court may tumama sakin na bola--"

"Wait. So ikaw iyong natamaan ng bola kanina na babae? Kanina kasi chismis sa gym na may nabato si Russel na bola." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Kanina? Chismis? Bakit ang bilis namang kumalat?

"A-ako nga. Saka anong nabato? Pakiramdam ko sinadya niya iyon." Sabi ko at tumingin sa harapan. Saka sa lakas ba naman ng bato na iyon sakin halata pang inasinta sakto pa talaga sa ilong ko. 

Napahawak ako sa ilong ko at napangiwi, kahit ngayon kumikirot parin ang ilong ko.

"Kung sinadya man niya iyon... eh bakit dinala ka pa niya sa clinic? May nasagap din kasi akong balita na binuhat daw ni Russel iyong babae which is ikaw na nahimatay tapos dinala niya sa clinic."

Napabagal ako sa paglalakad. May punto si Naomi, kung sinadya nga ni Russel na batuhin ako edi sana hindi niya ako dadalhin sa clinic.

"Ewan ko basta naguguluhan ako. Kung nag-sorry sana siya kanina edi sana maayos na kami. Ang kaso inasar niya pa ako tapos binangga nang palabas na ako ng room." Sabi ko sa mataray na tono. Naiinis talaga ako sa lalake na iyon.

"Payo lang Angel. Bago lang din ako dito, pero hindi kasi basta-basta ang binabangga mo. Sa pagkakaalam ko mahilig kasing mambully si Russel well commonly nga ng binubully niya babae eh. Hindi naman lumalaban iyong mga binubully niya ang kaso ikaw? Ikaw palang yata ang unang lumaban sa kanya kaya baka lalo ka niyang pag-initan."

Ngumiti ako nang pilit at huminto ng nasa tapat na kami ng Cafeteria. Ilang lakad lang kasi ang layo nito sa locker ng mga babae. Tumingin ako kay Naomi, nakatingin siya sakin nang may pag-aalala.

"Salamat sa advice mo Naomi pero mahirap akong tao, hindi ako kasing yaman niyong lahat. Kaya sa paraan na ipagtanggol ang sarili ko 'pag may umaapi sa akin ang kaya kong gawin para hindi maging kawawa." Mahinahong sabi ko. Ngumiti siya sakin bago kumapit sa braso ko.

"That's the reason why I wanted to get close to you nang makita kita kanina. May nakikita kasi akong awra sayo na malakas kang tao. Hay nako! No matter what happen I'll be on your side. Let's celebrate today our Bff day. Ililibre kita." Masayang sabi niya sakin.

Mahalin Ang Imposible #1: Loving Russel The Gay (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon